Chapter 34

84 4 0
                                    

Nico's POV

Tinapos ko lang ang mixture ng pastries bago ako lumabas ng kitchen. Palabas na sana ako ng resto kaya lang nakita ko na naglilinis na ang ibang staff kaya pumunta na lamang ako sa fire exit para dun tawagan si Toni. Nakita kong nakabukas ang pinto at naririnig kong parang may nagsasalita sa loob. Pagkalapit ko pa lamang ay nakilala ko na agad ang nagmamay-ari ng boses. Hindi ko rin sinasadya na marinig ang sinabi nito.

"Yes, I'm sick and I only have 2 months to live, kaya please ibigay mo na sa akin yun, ayaw ko na makita nyo akong nahihirapan kaya mas pinili kong lumayo dahil mas nasasaktan ako na makita kayong nasasaktan" rinig kong sabi ni Rj sa kausap niya sa cellphone.

Nagulat ako sa narinig ko, hindi ko alam kung tama ba ang mga narinig ko, sino kaya ang kausap niya.

"Cams, kaya ko na ang sarili ko. Huwag kayong mag-alala sa akin and please don't let anyone know about this" sagot naman nito ulit.

Si Camille ang kausap niya at totoo ba talaga ang mga naririnig ko? May malubhang sakit si Rj and he's dying?

"Cams! Stop it! Ilang beses na akong nagpacheck up at lahat sila iisa ang sinasabi I am dying! Kaya tama na!" Sigaw ni Rj sa kausap.

Sa sobrang pagkagulat ay napaatras ako sa kinatatayuan ko, nagmadali akong lumayo at bumalik sa kitchen. Pagpasok ko ay bigla na lamang tumulo ang mga luha ko. Paano nangyari na may sakit si Rj? Ano ang sakit niya? Bakit si Rj pa? Wala akong makuhang sagot sa mga katanungan na iyon. Naguguluhan ako, natatakot sa mga pwedeng mangyari kay Rj.

"Nico? What's wrong? Bat ka umiiyak?" Pag-aalalang tanong ni Rj sa akin.

Tinignan ko lamang ito, hindi ko na namalayan na nakapasok na pala siya sa kitchen. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa sakit niya, gusto ko siyang yakapin kaso ayaw ko maramdaman niya na kinakaawaan ko siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Nothing. Rj, pwede na ba ako umuwi? Tatapusin ko na lang bukas ang ginagawa ko" sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Sure, pero okay ka lang ba talaga?" Tanong niya sa akin.

"Yeah I'm okay, I just need to go home" sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang apron na suot ko.

Nagmadali na din akong umalis sa resto, paglabas ko ay naglakad lakad muna ako para makapag-isip. Hindi man maganda ang relasyon namin ni Rj ay hindi sapat na dahilan yun para hindi ako maapektuhan sa nalaman ko. Nakarating na ako sa hotel, nagising na lamang si Toni ng humiga ako sa tabi niya at niyakap siya.

"Nics? What's wrong?" Bulong na tanong niya sa akin ng magising siya.

"Toni, nalulungkot ako"naiiyak ko na sabi sa kanya.

"Huh? Bakit?" Agad namang humarap sa akin si Toni na mababakas ang pagaalala sa mukha niya.

"Toni, what if malaman mo na yung isang kakilala mo eh may malubhang sakit and he's dying?" Naiiyak kong tanong sa kanya.

"Ano bang nangyayari sayo? At ano ba yang mga tinatanong mo?" Pagaalala pa rin ni Toni.

"Just answer me." Sagot ko sa kanya.

"Well, syempre sasamahan ko siya magpagamot at kung sabihin na hindi na kaya then, I will just make his/her remaining days happy para maging masaya talaga siya" malungkot na sagot naman nito.

"Tama ka, siguro nga yun ang best way, ang maging masaya siya." Malungkot ko ding sambit.

"Ano ba ka si yan? Sino ang may sakit?" Tanong niya.

"Toni, si Rj" sagot ko sa kanya na hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

"What!? Si Rj?" Gulat na sabi ni Toni.



The Closer I Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon