Rj's POV
Nagpaalam ako kay Chie na maaga akong lalabas ng resto dahil inaya ko si Nico na mag dinner bago ang flight nila bukas. Sinundo ko siya sa tinutuluyan niyang hotel.
"Hi Nico!" Bati ko agad sa kanya ng makita ko siyang papalapit sa akin.
"Hi Rj, so? Saan tayo?" Ngiting tanong naman niya sa akin.
"I know a place na alam ko matutuwa ka" tanging sagot ko sa kanya.
"Really? Then lets go!" Excited naman na sabi nito.
Dinala ko si Nico sa isang restaurant na tanaw ang Han River, alam ko na favorite spot niya ito. Tanaw na tanaw namin ang kagandahan ng nasabing river sa kinauupuan namin.
"Wow! It's beautiful!" Masayang sabi niya habang nakatingin sa labas.
"You are" mahinang sabi ko habang nakatingin ako sa kanya.
"Huh? Anong sabi mo?" Tanong niya ng lumingon siya sa akin.
"Ahh.. sabi ko oo maganda nga" sagot ko at tumingin sa labas.
Kumain kami at masayang nagkukwentuhan, matapos kumain ay inaya ko din siyang maglakad lakad ng kaunti kahit na malamig na ang panahon.
"Bukas flight niyo na" sabi ko sa kanya.
"Yeah, kailangan ko na ayusin ang cafe ko para makapagumpisa na kami" sagot naman nito habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.
"So magiging busy ka na niyan" sabi ko.
"Yeah, seseryosohin ko na muna ang business" ngiting sagot nito.
"Nico, thank you talaga" sabi ko sa kanya.
"For what?" Tanong naman nito.
"For the happiest days of my life" ngiting sabi ko habanv patuloy pa rin kami sa paglalakad.
"Ang deep naman ng happiest days na yan" natatawang sabi niya.
"Hindi ahh, totoo yan! Spending my time with you is my happiest one! I don't know pero may mga bagay lang talaga siguro na hindi ko masabi or hindi ko alam paano sabihin, ganun naman talaga diba? Sometimes we have to be sure for everything" ngiting sabi ko.
"May problema ka ba? Medyo ang deep mo kasi eh," pag-aalalang sabi naman niya.
"Wala no! Nakaka emote lang kasi ang panahon" natatawang biro ko sa kanya.
"But seriously, we being okay and friends eh ang pinakamasayang nangyari sa akin." dugtong ko.
"I am also happy na friends na tayo ulit." Ngiting sabi din nito.
"Nico, sana ako na lang ang pinakamahirap mong subject!" Biglang sabi ko.
"Huh? Bakit?" Takang tanong naman nito.
"Para kahit anong gawin mo sa akin ka lang babagsak" natatawang sabi ko sa kanya.
"Oh! So pick up lines again?" Natatawang sabi naman niya.
"Geometry ka ba?" Dugtong na sabi niya.
"Bakit?" Ngiting sagot ko.
"Kahit saang angle kasi ang cute mo eh" natatawang sabi naman nito.
"Sa tingin ko time machine ka!" Seryosong sabi ko.
"Bakit naman?" Ngiting tanong niya.
"Kasi sa tuwing nakikita kita nakikita ko ang future ko eh." Sagot ko naman.
"Alam mo dati sabi ko di kita gusto pero nung nakita kita nabusog ako" sabi niya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Kasi kinain ko lahat ng sinabi ko" natatawa niyang sagot.
"Aba mukhang madami ka ding baon na pick up lines ah!" Sabi ko sa kanya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.
"Yeah, natutunan ko lahat yan sa mga kaibigan ko, alam mo naman yung mga yun basta sa mga kalokohan at kung anu-ano pa madaming alam." Sagot naman nito.
"Ganun ba?" Tanging sabi ko.
"Alam mo I like you!" Dugtong ko.
"Bakit?" Ngiting sabi niya.
"Ewan ko basta I like you!" Sagot ko.
"Huh? Parang waley ata ang pick up line na yun ah" naguguluhang tanong niya.
Tumigil ako sa paglalakad at seryosong tumingin kay Nico, habang siya naman ay tumigil din sa paglalakad at nakangiti siyang nakatingin sa akin.
"Hindi pick up line yun, seryoso ako. Nico I like you!" Seryosong sabi ko sa kanya.
Nawala ang mga ngiti sa labi ni Nico at biglang nag-iwas ng tingin.
"Ano ba yang pinagsasabi mo Rj," pag-iwas nito.
"Bakit? May mali ba if sabihin ko na gusto kita?" Sabi ko sa kanya.
"Okay fine, you like me, I like you too! Kaya nga click tayo as friends diba?" Ngiting sabi niya.
"Naku late na, tara uwi na tayo baka inaantay na ako ni Toni." Dugtong niya.
Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang paligid at paulit ulit kong naririnig ang salitang friends sa utak ko. Kaibigan lamang talaga ang turing sa akin ni Nico, hindi niya ako kayang mahalin ng mas higit pa sa kaibigan. Ayoko din naman ipilit sa kanya ang nararamdaman ko kaya nanahimik na lamang ako at inihatid siya sa hotel.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez