Chapter 4

142 6 0
                                    

Nico's POV

"Hey, Nico don't tell me sasakay din tayo dyan!" turo ni Toni sa Anchor's Away na halatang hindi pa nakaka-recover sa Ekstreme.

"Don't worry Toni, we're not going to ride that, we're going home. Wala na ako sa mood mag stay dito sa EK." Sagot ko sa kanya habang naiinis pa rin ako sa lalaking kausap ni Baste.

"What? Ganun na lang yun? After Carousel and Ekstreme yun na yun?" sabat naman ni Chloe.

"Hey! I just want to remind you huh, this EK thing was planned by you and this was also planned for a long time and now you're telling us that we are going home? Ganern!?" mahabang litanya ni Michael.

Michael is right, matagal namin pinag-planuhan ang bonding namin dito sa Enchanted at ngayon masisira ito dahil lamang sa isang lalaking antipatiko. Kahit ako naguguluhan sa sarili ko, hindi ko ugali ang magalit ng basta basta lalo na sa mga taong hindi ko naman kilala. Pero hindi ko alam kung bakit inis na inis ako sa taong yun.

"I think we are going to blame Baste about this" narinig kong sabi ni Toni. Sa pagkabanggit naman ng panggalan ni Baste ay agad naman itong humirit. "Bakit parang narinig ko ang panggalan ko dito?"pagtataka ni Baste.

"Eh ito kasing si Nico! She wants to go home na daw" sagot namin ni Chloe.

"Huh? C'mon Nics, what's going on with you? Are you okay? May masakit ba sayo? Masama ba pakiramdam mo? Let us know" pag-aalala niya sa kaibigan. "This is so not you Nics, I haven't seen you so annoyed and letting someone ruin your day! What's wrong huh?" patuloy na litanya ni Baste, alam ko nag-aalala siya sa akin.

"I also don't know, siguro sobrang inis lang ako dun sa kausap mo kanina and pagod?" sagot ko sa kanya.

"Kanino kay RJ? Shocks Nico, ano bang nakakainis dun sa gwapong guy na yun? Actually I find him so gwapo, parang siyang anghel na nahulog mula sa langit. Tapos pag ngumiti haaaay, ang gwapoo!" kilig na kilig na pagkakasabi ni Dee.

"Aha! Maybe because nagseselos ka kasi may kasama siyang girl noh?" pahabol ni Dee. Sa pagkasabi na iyon ni Dee ay nabaling naman sa akin ang lahat ng tingin ng mga kaibigan ko.

"Of course not! That's ridiculous Dee!" pasigaw na sagot ko. Biglang nag-init ang mukha ko sa mga sinabi ni Dee. Tama, impossible naman na magselos ako dahil kanina ko lang nakita ang lalaking yun at hindi ko siya kilala.

"O chill! Ito naman binibiro ka lang eh" sabay lapit nito sa akin, at naglambing.

"Tara na nga, kumain na nga muna tayo para mahimasmasan naman tayo" pag-aaya ni Michael. Lahat naman ay sumang-ayon sa gusto ni Michael.

Naglakad na kami papunta sa canteen para kumain. Habang naglalakad ay hindi pa rin maubos ubos ang pag-pupuri ni Dee sa ka-gwapuhan ni RJ at ang mga negative comments niya naman para sa babaeng kasama nito. Matapos makapag-order ng mga kakainin namin, umupo kami sa mesa malapit sa bintana. Tuloy pa rin ang kwentuhan at tawanan sa mga nangyari sa EKstreme kanina, habang masaya ang lahat napalingon ako sa pinto ng maramdaman kong may pumasok na tao. Bigla na naman bumalik ang inis ko dahil sa lalaking pumasok sa canteen kasama ang babaeng kasama nya. Nang makita niya na nakatingin ako sa kanya ay agad naman itong ngumiti at kumaway pa, habang nakatingin ang babae sa menu sa may counter.

Tss, what was that? Is he flirting with me? Sabi ng utak ko. Naipaling ko ang ulo ko sa naisip ko, bakit naman yun ang naisip ko baka naman inaasar pa rin niya ako hanggang ngayon. Tama yun ang dahilan hindi pa siya tapos sa pagsira ng araw ko.

"Hindi ba talaga ako titigilan ng taong ito?" bulong na sabi ko. Hindi man kalakasan ang pagkasabi ko ay narinig pa rin ito ng mga kaibigan ko, napalingon din sila sa taong tinutukoy ko. Nang makita ni Dee si RJ na palapit sa counter eh para na naman siyang lumulutang sa kilig. Palapit na sa counter si RJ at inalalayan naman niya ang babaeng kasama niya.





The Closer I Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon