"Kanina, kaso paiwas naman ang sagot niya kaya hindi ko na din kinulit" sagot ko naman kay Robie.
Hindi lamang ako ang nakapansin sa kilos ni Rj kundi ang iba na din naming kasama. Natapos na ang oras ng duty ko kaya kailangan ko ng umuwi, sinubukan ko lumapit sa kanya upang magpaalam pero maikli pa rin ang naging sagot nito.
Pagbaba ko pa lamang ng sasakyan ay nakita ko na agad ang sasakyan ni Rj na nakapark sa labas. Pumasok ako sa kitchen at nakita ko siya na nagaayos na ng mga gagamitin sa resto.
"Good morning! Aga mo ahh! Bumabawi sa late kahapon?" Biro kong tanong ng makalapit ako sa kanya.
"Hindi naman" maikli niyang sagot.
"Ahh ganun ba" mahina kong sabi.
"May problema ka ba? May problema ba tayo?" Dugtong kong tanong sa kanya.
"Huh? Wala naman" maikli pa rin niyang sagot habang patuloy pa rin siya sa pagaayos.
"Sigurado ka? Para kasing meron eh" mahina ko pa ring sabi sa kanya.
"Wala no, ito naman, sige iwan muna kita check ko lang if okay na yung nasa labas"iniwan niya ang ginagawa niya at lumabas.
Hindi pa rin kami magkasabay naglunch dahil marami pa raw siyang gagawin, halos lahat kasi ng dapat naming gawing dalawa ay ginawa na niya mag-isa. Ako naman halos wala ng nagawa sa maghapon. Pagdating ng hapon ay nagpatawag ng meeting si Chef Arnold para sa lahat ng kitchen staff.
"May makakasama tayong bagong Chef dito sa resto dahil medyo magiging busy ako for the next days and weeks. Kailangan kong magpunta sa Seoul para ayusin ang branch natin doon." Balita ni Chef sa lahat.
"Wala kayong dapat ipag alala dahil mabait din ang Chef na tutulong at makakasama ninyo dito, isa pa pupuntahan ko pa rin naman kayo dito." Patuloy niya.
"Ay naku Chef mukhang kilala na namin yan ah" masayang sagot naman ni Assistant Chef Cherry.
"Naku Cherry! Alam ko na ikaw ang unang matutuwa na magiging parte na siya ng resto." Natatawang sabi naman ni Chef.
"Robie, sino yung tinutukoy ni Chef at ni Chef Cherry?" Bulong ko kay Robie na nakaupo sa tabi ko.
"Ay si Chef Paulo yun, yung anak ni Chef Arnold! Naku Nico ang gwapo nun!" Kinikilig pa na sagot nito.
"Isa pa, nakakalungkot man ngunit malapit na din matapos ang internship ni Nico at RJ sa ating resto" dagdag na balita naman niya.
Halos lahat naman ng nasa meeting ay napatingin sa kinauupuan naman ni RJ. Ngumiti lamang ako sa kanila.
"Naku mamimiss namin kayong dalawa" hirit naman ni Jane.
"Oo nga, wala ng mangungulit sa amin at magpapatawa" sabi naman ni Robie.
"Don't worry dadalawin ko naman kayo dito" ngiting sagot ko sa kanila.
"Oo nga Robie don't worry, kukulitin ko pa rin kayo paminsan minsan" ngiting sagot din ni RJ.
"Promise nyo yan huh" sabi naman ni Jane.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez