"Well actually kakausapin ko sana yung kaibigan ko dito, kailangan ko kasi ngayon ng baker for my resto" sabi naman niya.
"Iha, you bake right?" Dugtong na tanong niya sa akin.
"Ahm yes po, bakit po?" Takang tanong ko sa kanya.
"Perfect! Actually Nico, may problema ako ngayon sa resto, wala kasi yung isa kong Chef who handles our pastries. I know you have your own reason for being here but can you bake for me? I mean for Cheffy A?" Tuloy tuloy na sabi nito.
Nagulat ako sa mga sinabi ni Chef, hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.
"Ganito na lang, isipin mo na lang na training mo ito for your own Cafe but dont worry I'll pay for it." Dugtong pa rin niya.
"Chef, its not about the money naman po, kaso syempre po if I am going to make your pastries malamang po maiiba na ang lasa and I am not sure if magugustuhan ng mga customers nyo ang mga gawa ko." Naguhuluhan ko pa ring sagot sa kanya.
"Don't worry iha, may tutulong naman sayo and isa pa I believe in you" pangungumbinsi pa rin ni Chef.
"And Chef, 2 weeks lang po kasi ang stay ko dito sa Seoul" sagot ko sa kanya.
"No worries, couple of days will be fine, hanggang sa makahanap lang ako na willing mag fulltime." Sagot niya sa akin.
"Kaso Chef kinakabahan naman ako, what if pumalpak ako?" tanong ko sa kanya.
"You're thinking too much iha, you dont have to worry about the taste, I trust you that it'll be delicious!" Buong tiwalang sabi ni Chef.
"Okay Chef, will try my best." Ngiting sabi ko sa kanya.
"Really? Thanks Iha!" Tuwang tuwang sabi nito.
Tumingin lamang ako kay Toni na nakangiti din sa akin.
"So kailan ka ba pwede?" Tanong niya sa akin.
"Wala naman po akong lakad mamaya so I guess pwede ako dumaan sa resto." Sagot ko kay Chef.
"Sige, I'll just inform my staff about it, thanks again iha" sambit naman nito.
Tumayo si Chef, kinuha ang cellphone niya at may tinawagan, pagkatapos niyang tumawag ay bumalik siya sa aming mesa para sabihin ang ibang detalye sa mga pastries at sa mga gagawin ko. Dahil may lakad pa na kailangan puntahan si Chef ay napagusapan namin na magkikita na lamang kami sa resto mamayang hapon.
"I'll see you around 3pm Nico" paalam ni Chef sa akin.
"See you po" sabi ko naman.
"I'm sure matutuwa ka pag nakita mo ang makakasama mo sa resto" sabi nito bago pa man ito makasakay sa sasakyan niya.
"Po? Bakit po kilala ko po ba?" Takang tanong ko sa kanya.
"Yes, kilalang kilala mo, I'm sure namiss niyo ang isat isa" sagot naman niya.
"I have to go, ingat kayo okay!bye!" Tuluyang ng sumakay si Chef sa sasakyan niya at umalis.
Naguguluhan may ay isinawalang bahala ko na muna ang sinabi ni Chef tungkol sa makakasama ko. Kailangan kong pagtuunan ng pansin ang magiging gawain ko sa resto. Umuwi muna kami ni Toni sa hotel upang magpahinga.
"Nics, sino kaya yung sinasabi ni Chef na makakasama mo dun sa resto? And take note kilala mo daw?" Tanong ni Toni pagupo niya sa couch.
"Haaayy hindi ko na iniisip yan, ang iniisip ko ngayon eh paano ako magbe-bake? Paano kung hindi nila magustuhan? Paano kung pumalpak ako? Paano kung mapahiya ako o kaya si Chef?" Nag-aalala kong tanong kay Toni.
"Ayan ka na naman, you're thinking too much, everything will be fine, ikaw pa!" Sabi naman nito.
"Hay bahala na talaga!" Tanging nasabi ko at pabagsak akong humiga sa kama ko.
Lumipas ang oras at kailangan ko ng maghanda sa pagpunta ko sa resto ni Chef. Inayos ko din ang notebook ko na naglalaman ng mga ibang recipe na baka makatulong sa akin. Nagpaalam na ako kay Toni at umalis.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez