Rj's POV
"Eh ikaw na magsabi" bulong ng isang crew.
"Naku huh, ikaw na! Ikaw naman ang sinabihan eh." Bulong din ng isa.
"Kanino at ano ba ang dapat sabihin?" sabat ko sa 2 crew na nagbubulungan. Hindi nila napansin na nakalapit na ako sa kanila.
"Chef! Kasi ano po" gulat na sabi ng isa.
"Wala na po tayong mga pastries sa shelves" mahinang sabi niya ulit.
"O, then tell Eun Hye about it kasi siya nakatoka dun diba?" Tanong ko sa kanila.
"Yun nga po kaso wala naman po si Chef" mahinang sagot ulit niya sa akin.
"What? Wala na naman siya?" Tanong ko naman sa kanya.
"Yes po" tanging sagot niya sa akin.
"Okay! Will try to fix this" pagkasabi ko noon ay agad naman ako nagpunta sa kitchen.
"Chie! I think we need someone na makakatulong sa atin sa pastries" sabi ko kay Chie.
"Okay, then you should tell Chef Arnold about this" sagot naman niya sa akin.
"Yeah I think so" sagot ko sa kanya.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Chef Arnold. Sinabi ko na sa kanya ang suggestion ko, madali din naman kausap ito kaya sinabihan niya ako kung may kilala ako na nais maging baker namin ay pwede ko na daw ipasok pero magtatanong din siya sa mga kakilala niya na gusto din maging baker.
Ilang oras lamang ang lumipas ay tumawag naman si Chef sa akin.
"Iho, I know someone na makakatulong sa atin pansamantala, dadakhin ko siya mamaya sayo pagpunta ko diyan."sabi ni Chef.
"Ganun po ba? Sige po Chef!" Masayang sagot ko sa kanya.
Nico's POV
Nasa coffee shop kami sa isang hotel habang inaantay namin ang suppliers namin. Pagdating pa lang ni Mr. Choi ay nagumpisa na kami agad sa aming agenda, madami din kaming mga tanong ni Toni na hindi naman nagatubili si Mr. Choi na sagutin ang mga iyon. Naging maayos naman ang aming usapan, nagkapirmahan na din kami ng aming mga contracts patunay na close na ang deal namin. Nanatili muna kami ni Toni sa coffee shop ng may makita akong lalaki na pamilyar sa akin. Bigla na lamang akong tumayo at lumapit sa nasabing lalaki na nakatayo hindi kalayuan sa mesa namin.
"Chef Arnold?" Tawag ko sa lalaki ng makalapit ako sa kanya.
"Nico Ramirez?" Ngiting bati naman nito.
"Chef!" Sambit ko at nakipagkamay sa lalaki.
"Wow I'm glad to see you here! Anyway are you here for a vacation?" Ngiting tanong niya sa akin.
"Hmm business and vacation na din po" sagot ko naman sa kanya.
"Business? So are you now starting your own resto?" Tanong niya.
"Ay hindi po, after graduation I took up culinary for pastries, kaya I'm starting a small cafe bakeshop sa Manila" sagot ko naman sa kanya.
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa amin si Toni kaya ipinakilala ko din ito kay Chef bilang kaibigan at business partner ko. Inaya na din muna kami ni Chef umupo at makipagkwentuhan.
"Kayo Chef anong ginagawa niyo dito ngayon?May meeting po ba kayo? Naku baka naaabala na namin kayo" sabi ko sakanya.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez