Nico's POV
Tinawagan ko si Toni para sabihin sa kanya ang naging pasya ko, lalabas kami bukas ni Rj para ibalik ang pagkakaibigan namin. Hindi ko inaasahan ang sinabi ni Rj ngunit kahit papano ay napangiti ako. Napama simple ng hiningi niya kaya sino ako para hindi ibigay sa kanya ang bagay na magpapasaya sa kanya. Sumangayon din naman si Toni sa naging pasya ko kaya sa tingin ko ay tama ang gagawin ko. Tinapos ko ang lahat ng mga gagawin ko para bukas ay wala akong ibang iisipin kundi ang pasayahin si Rj.
Bago pa ako tuluyang umuwi ay nilapitan ko muna si Rj.
"Rj, asan ang phone mo?" Tanong ko sa kanya.
"Huh? Ahh nasa office bakit?" Sagot naman nito.
"Dial mo dito number mo" sabi ko sa kanya at iniabot ko sa kanya ang cellphone ko.
"Tatawagan ko number mo, save mo na lang okay?" Sabi ko kanya pagbalik niya ng cellphone ko.
"Sige, so paano bukas? Susunduin kita sa hotel mo?" Tanong niya sa akin.
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya, nakikita ko sa mga mata niya ang saya, hindi ko maintindihan ngunit bigla akong kinabahan.
"Nico!" Tawag niya ulit.
"Ahh sige, itetext ko na lang sayo ang address ng hotel at kung anong oras tayo" sagot ko naman sa kanya.
"Sure, aantayin ko text mo" sabi naman nito.
"Okay, I have to go. See you tomorrow!" Paalam ko sa kanya.
"Ingat!" Sabi naman niya.
Tumalikod na ako at nagumpisa ng lumakad palayo ng bigla niya akong tinawag.
"Nico!" Sabi niya.
Lumingon ako at inantay ang sasabihin nito.
"Thank you" ingiting sabi niya.
Ngumiti lamang ako sa kanya ay nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng resto. Hindi ko na naman mapigilan ang mga luha ko, nalulungkot ako para kay Rj, nalulungkot ako na maikli na lamang ang oras na mayroon ako para mapasaya ito. Pagdating ko sa hotel ay sinalubong naman ako ni Toni.
"So, how was your day?" Tanong nito sa akin.
"Okay naman, I just need to rest" sagot ko sa kanya at pabagsak na umupo sa couch.
"And how's Rj?" Tanong niya ulit.
"He seems fine too, bago ako umuwi nagusap pa kami and he looks happy na lalabas kami bukas" matamlay kong sagot sa kanya.
"Ganun ba? Then thats good! Atleast effective yung plan mo diba?" Sabi naman nito.
"Yeah, kaso hindi ko mapigilan na hindi malungkot pag naiisip ko yung sitwasyon niya" malungkot kong sabi kay Toni.
"Nics, huwag mo na lang isipin yun okay, ang importante is maging masaya si Rj and syempre maging masaya ka din, yung lakad nyo bukas huwag ka magisip ng kahit ano, just enjoy the moment okay?" Sabi naman nito.
Tama si Toni hindi makakatulong kung lagi kong iisipin ang sitwasyon ni Rj, dapat maging masaya at mag enjoy si Rj sa lakad namin. Tinext ko kay Rj ang address ng hotel at kung anong oras niya ako dapat sunduin.
~~~~~~~~
Author's Note:
I wanna thank Marrah Janine for inspiring me to make my own story, siya po ang gumawa ng cover photo ng The Closer I Get To You, ng makita ko yung gawa niya napaisip ako na gumawa ng sarili kong story. Sa next chapter may bago na akong ilalagay na cover photo, bagay na bagay for Nico and RJ's date.
You can also read MarrahJanine's story "God Gave Me You" its another MaiDen Story, its really a nice story.
MarrahJanine, thank you sa mga pictures na gawa mo, alam mo na yoin! Ganoinnn! Labyou! :*
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez