Chapter 31

93 3 0
                                    

Toni's POV

May isang oras ng nakaalis si Nico sa hotel, ayoko din naman mamasyal ng mag-isa kaya nagvideo call na lang ako sa assistant ko sa office para mangamusta. Ibinalita lamang nila ang mga nangyari sa office at ang mga ibang problema, pagkatapos kong tawagan ang office ay tinawagan ko naman si Baste.

"Oh, bakit?" Bungad na tanong nito pagsagot niya sa tawag ko.

"Hala siya! Hindi mo ba ako namimiss" biro ko naman sa kanya.

"Naku Toni huh, busy ako andito pa ako sa trabaho. Bakit nga?" Tanong naman nito.

"Wala lang, nababagot kasi ako dito" sagot ko naman sa kanya.

"Oh e di lumabas kayo ni Nics!" Suggestion naman nito.

"Eh wala si Nics ngayon, may raket!" Agad na sagot ko sa kanya.

"Raket? Anong raket?" Tanong nito ulit.

"Eh nakita kasi namin si Chef Arnold kanina so ayun may inoffer sa kanya kaya ayun tinanggap naman niya." Sagot ko naman dito.

"And ano nga ang raket na yun?" Curious na tanong nito.

"Well Chef asked if pwede magbake si Nico for Cheffy A, kaya andun si Nics ngayon." Sagot ko sa kanya.

"Shooott! Toni, I don't know if good news ba yan or bad news eh" sabi nito.

"Huh? Why? I don't understand" naguguluhan kong tanong kay Baste.

"Sa Cheffy A din nagwo-work si Rj e di ba hindi sila okay?" Sagot naman niya.

"What? Eh bakit di mo agad sinabi?" Sabi ko sa kanya.

"Eh akala ko naman kasi hindi sila magkikita diyan, kaya nga ng sinabi niyo kagabi na kumain kayo dun eh natakot ako" sagot naman niya.

"Alam mo Baste, kasalanan naman kasi ni Rj kung bakit di sila okey ni Nics" sabi ko naman dito.

Kinuwento ko kay Baste ang nangyari noon sa bookstore na naging dahilan kung bakit hindi okay ang dalawa.

"Toni, Rj has his own reason kung bakit niya nasabi yun" pilit na sagot ni Baste.

"Hey Baste, fyi lang huh Nics is also your friend, nasaktan siya ng marinig niya yun from Rj mismo!" Pagtatanggol ko kay Nico.

"Mas nasaktan si Rj ng mawala si Nico"sabi naman nito.

"Talaga lang huh, parang hindi naman eh" pangiinis na sagot ko kay Baste.

"Mahal ni Rj si Nico!" Biglang sabi nito.

Nagulat ako sa narinig ko mula kay Baste, tinanong ko si Baste sa mga alam niya at ikinuwento sa akin ni Baste ang lahat. Binilin sa akin ni Baste na huwag kong sasabihin kay Nico ang lahat dahil hayaan daw si Rj ang magsabi kay Nico. Nangako ako sa kanya na hindi ko sasabihin kay Nico ang mga nalaman ko. Kahit na sinabi na sa akin ni Baste ang lahat hindi ko pinaalam sa kanya ang sikreto namin ni Nico. Pagkatapos namin magusap ay humiga ako sa kama at inisip ang mga napagusapan namin ni Baste at ni Nico. Kailangan maging totoo ang dalawa sa mga nararamdaman nila.



The Closer I Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon