Chapter 33

88 3 0
                                    

"Anyway, bakit ka pala napatawag?" Pagiiba ko ng usapan.

"Ay oo nga pala, pwede mo ba sabihin sa akin ang mga linyang ito with feelings, yung tipong sayo talaga nanggagaling huh!" Sabi ni Cams.

"Yes, I'm sick and I only have 2 months to live, kaya please ibigay mo na sa akin yun, ayaw ko na makita nyo akong nahihirapan kaya mas pinili kong lumayo dahil mas nasasaktan ako na makita kayong nasasaktan" dugtong nito.

"Cams! Ano na naman ito?" Sabi ko sa kanya.

"Sige na, para yan sa story ko eh gusto ko kasi marinig kung bagay ba ang mga linyang yan pag lalaki ang nagsabi eh" sagot naman nito.

"Anong bang klaseng story yan? Last time ginawa mo akong bakla ngayon naman mamatay ano ba ito?" Natatawang sabi ko sa kanya.

"Huwag ka na kumontra, cge na! Pagsinabi kong action sabihin mo yun with emotions na parang totoong totoo huh! Tapos may mga isasagot ako sayo kaya umadlib ka basta aktingan ang dating okay" Bilin naman nito.

"Hay naku oo na nga!" Sagot ko sa kanya.

"Okay ready! Action!"sigaw nito sa kabilang linya.

"Yes, I'm sick and I only have 2 months to live, kaya please ibigay mo na sa akin yun, ayaw ko na makita nyo akong nahihirapan kaya mas pinili kong lumayo dahil mas nasasaktan ako na makita kayong nasasaktan" malungkot na sabi ko sa kanya.

"Pero hayaan mo sana kami na tulungan ka, na makasama ka" sabi naman nito sa kabilang linya.

"Cams, kaya ko na ang sarili ko. Huwag kayong mag-alala sa akin and please don't let anyone know about this" sagot ko naman sa kanya.

"Baka naman nagkakamali lang ang doctor, sasamahan ka namin magpacheck up"sagot niya ulit.

"Cams! Stop it! Ilang beses na akong nagpacheck up at lahat sila iisa ang sinasabi I am dying! Kaya tama na!" Sigaw na sagot ko sa kanya.

"Eh! Hindi ko na alam sasabihin ko hahaha pero ayos yan huh! Galing mo! Pang best actor talaga!" Natatawang sabi naman ni Cams.

"Ewan ko sayo, sana naman matapos mo na yang story mo ng hindi mo ako naaabala no" sabi ko sa kanya.

"Hoy wag ka nga, pag ito naging pelikula who you ka sa akin" sabi naman nito.

"Oh well goodluck sa pagsusulat mo" sabi ko sa kanya.

"Thanks, pero baka magkaroon pa ito ng revisions, actually nahihirapan kasi ako sa pagsusulat, anyway andyan ka naman para tulungan ako diba?" tanong nito sa akin.

"Cams, bestfriend mo ako, but that doesn't mean na I'll be always here lalo na para taga sabi ng mga linya mo sa pagsusulat mo" natatawang sabi ko sa kanya.

"Naku naku! Pag ito sumikat at napansin ng mga producers I'm telling you, hindi kita bababanggitin sa mga thank you speech ko" pagbabanta niya.

"Wow! goodluck then!" pangaasar ko sa kanya.

"Cheeee! Anyway, utang na loob naman dude! Make a move for Nico, huwag ka ng pumayag na mawala na naman sayo yan!" naiinis na sabi niya.

"Naghahanap lang ako ng timing!" sagot ko naman sa kanya.

"Timing? Rj! Isang taon na yang paghahanap mo ng timing and look destiny na ang gumawa ng way para magkita kayo ulit!" sabi pa rin niya.

"Will try." tanging sagot ko sa kanya.

"Rj dont just try do it! Okay!" sabi naman nito.

Bago pa ako nagpaalam kay Cams ay nabanggit ko sa kanya na naibigay ko na yung pinabibili niyang Kpop Albums kay Clark. Matapos ang ilang minutong kwentuhan ay bumalik na ako sa kitchen.





The Closer I Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon