Chapter 19

106 5 0
                                    

Matapos niyang batiin si Cams ay tuloy tuloy na ang paglalakad niya patungo sa cashier, agad naman akong sinenyasan ni Cams na sundan si Nico. Sinunod ko si Cams, sinundan ko si Nico para makapagexplain, nang makalapit ako sa kanya ay agad naman niyang kinuha ang mga nabayaran niyang magazine at lumabas sa bookstore.

"Nico, let me explain" sabi ko sa kanya habang pilit ko siyang sinasabayan sa paglalakad.

"You don't have to explain, malinaw naman sa akin ang mga narinig ko eh" mahinahon niyang sabi.

"Nico saglit lang" pilit ko sa kanya.

"You know what, naiinis ako! Pero parang wala naman akong dapat ikainis sayo dahil sa sarili ko dapat akong mainis! Naiinis ako kasi akala ko magkaibigan tayo pero akala ko lang pala!" Naiinis niyang sabi ng tumigil siya sa paglalakad.

"Of course we are friends Nico" sabi ko naman sa kanya.

"Well sorry Rj but I don't na magkaibigan tayo, coz if we are, kahit matapos na ang internship natin the friendship will always be there kaso hindi eh" naiinis pa rin niyang sabi.

"Malinaw naman ang narinig ko kanina, pag natapos ang internship e d tapos na, pasensya ka na umasa ako na kahit matapos ang internship natin e magkaibigan pa rin tayo" mahinahon na dugtong ni Nico.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya, hindi pa man ako nakakapagsalita ay umalis na si Nico sa harapan ko, pinilit ko pa rin siyang habulin ngunit nakasakay na siya sa sasakyan niya. Sinubukan kong tawagan si Nico pero hindi siya sumasagot, nagiwan din ako ng mga messages kaso wala din siyang sagot. Gusto kong sabihin sa kanya na mali ang akala at intindi niya sa mga narinig niya ngunit paano ko sasabihin sa kanya na gusto ko siya kung kaibigan lang ang tingin niya sa akin.

Nico's POV

Inis na inis ako sa sarili ko dahil akala ko pangmatagalan ang pagkakaibigan namin ni Rj pero mali ako. Napapaisip ako kung talaga bang itinuring akong kaibigan nito. Gusto kong umiyak pero bakit? Bakit ko iiyakan ang taong yun? Mali nga siguro na isipin ko na pangmatagalan ang pagkakaibigan namin. Tama si Rj pagkatapos ng internship tapos na din ang pagkakaibigan namin. Tinawagan ko si Toni dahil kailangan ko mailabas ang sama ng loob ko.

"Toni! I need you" malungkot na sabi ko pagkasagot pa lamang niya ng tawag ko.

"O! Bakit? Anong nangyari huh?" Pagaalala naman nito.

"Free ka ba tonight? Nasaan ka puntahan kita" sagot ko sa kanya.

Agad naman akong nagpahatid kay Tatay Bert sa bahay ni Toni.

"Hey ano bang nangyari? Anong problema?" Bungad na tanong niya sa akin ng buksan niya ang pinto.

"Naiinis ako kay Rj!" inis na sagot ko sa kanya ng makaupo na ako sa kama ni Toni.

"Huh? Bakit?" Tanong naman nito.

Sinabi ko lahat kay Toni ang mga narinig ko kanina sa bookstore.

"Nics, hindi ba parang masyadong mababaw ang pagkainis mo?" Natatawang sabi ni Toni.

"Mababaw? Mababaw ba yun for you? Toni!Araw araw kaming magkasama for almost 2 months, akala ko kaibigan ang turingniya sa akin, akala ko totoong kaibigan ko siya pero hindi pala. All along akolang pala nagiisip ng ganun! Akala ko na kahit tapos na ang internship ehmagiging close at magkaibigan pa rin kami!" Naiinis ko sabi sa kanya.


The Closer I Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon