RJ's POV
Umupo kami ni Nico isang mesa sa labas ng restaurant at kumain ng isaw at barbeque habang inaantay ang sundo niya. Nakakatuwang tignan kumain si Nico ng isaw, mukhang enjoy na enjoy sa kinakain. Sino mag-aakala na ang isang tulad niya eh kumakain ng mga ganitong klaseng pagkain.
"So ano o sino ba talaga si Nicomaine Ramirez?" tanong ko sa kanya habang kumain.
"At anong klaseng tanong naman yan huh?" balik na tanong niya sa akin habang nakaupo sa tapat ko.
"Hey, alam mo napapansin ko sayo huh, everytime na may tinatanong ako sayo you always answer with a question, hindi ba pwedeng sagutin mo muna ang tanong ko?" mahaba kong sabi sa kanya.
"Aba aba aba ginaganyan mo na ako ngayon huh" sagot niya sa akin.
"See, hindi mo na naman sinagot tanong ko" natatawa kong sabi sa kanya.
"Eh kasi naman yung tanong mo parang sira" natatawa rin niyang sabi.
"C'mon Nico, just let me know you." Pagpipilit kong sabi.
Nagsimula ng magkuwento si Nico matapos ang ilang beses na pangugulit ko sa kanya. Tama nga siya sa mga sinabi niya dahil hindi ko nga inaasahan ang mga sinabi niya kung sino si Nico. Si Nico namahilig kumain ng mga street food at iba pang pagkain, magsulat, gumawa ng mga nakakatawang videos, isa sa mga clown ng barkada nila. Kung titignan kasi si Nico para siyang mataray at tahimik, kaya natutuwa ako na unti unti ay nakikilala ko na siya. Hindi na namin namalayan na may 2 oras na pala kaming nagkukuwentuhan, natigil na lamang ang kwentuhan namin ng dumating na ang sundo ni Nico. Niligpit lang namin ang kalat sa mesa at nagpa-alam na kami sa isa't-isa. Bigla naman tumunog ang cellphone ko pagsakay ni Nico sa kanyang sasakyan, si Cams tumatawag.
"Hello Cams!" sagot ko sa kanya.
"Hey young man! So what's up? Aba mukhang nageenjoy ka sa internship mo at nakakalimutan mo na ata ako ah" bungad niyang salita sa akin.
"Ay grabe siya oh! Hindi naman, actually I was about to call you kaso naunahan mo ako. So Ano? Dinner?" tanong ko sa kanya.
"Sure, daan ka dito sa bahay okay?" pagtatapos niya.
Hindi naman ako nahirapan sa pagpunta sa bahay nila Cams dahil hindi na masyadong traffic at hindi naman din kalayuan ang bahay nila. Pagbaba ko ng sasakyan ay pumasok na ako agad sa gate ng bahay nila at pumasok sa bahay.
"Magandang gabi po Nanay Sita, si Cams po?" tanong ko sa yaya ni Cams.
"Naku iho nasa kwarto pa rin, umakyat ka na lang dun at maya maya lamang ay matatapos na din ang paghahain ng pagkain." Sagot naman nito.
Pag-akyat ko sa kwarto ni Cams ay agad na akong pumasok nakaupo na naman siya sa tapat ng computer niya at may binabasang mga article.
"Hoy! Ano ba?" sigaw ko sa kanya.
"Ano ba? Saglit na lang 3 minutes tapos na ako" sagot niya habang tinatapos niya ang pagbabasa.
"Game! So kwento mo na sa akin!" sabi niya ng matapos na siya sa ginagawa niya.
Madami akong kwento kay Cams about sa internship ko.
"I'm happy that you're enjoying your internship. So how's Nico and you?" Tanong niya sa akin.
"We're doing great! In fact magkasama kami kanina sa labas ng resto, actually sinamahan ko siya while waiting for her sundo" kwento ko sa kanya.
"And?" Hirit nya.
"And I had a chance to get to know her more and you know what that girl is amazing, dami kakaiba sa kanya.. she's special" patuloy ko.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez