Habang nagkukuwento siya ay hindi napigilan ni Rj ang umiyak, naramdaman ko din sa mga sinabi niya ang sakit ng napagdaanan nito. Hindi ko man alam ang totoong kwento ay nalulungkot ako para kay Rj. Hindi ko din napigilan isipin kung sino ang babaeng tinutukoy nito. Pinunasan ko ang mga luha ni Rj at naramdaman ko na nakatulog na ito ulit. Sa tingin ko ay nagdidiliryo o nananaginip lamang si Rj habang nakukuwento. Lumabas na ako ng kwarto at naghanda na para sa lulutuin ko.
Pagkatapos kong magluto ay ginising ko muli si Rj para kumain at uminom ng gamot. Bumaba na din ang lagnat nito kaya sa tingin ko ay bumubuti na din ang lagay ni Rj. Tinawagan ko si Toni upang ipaalam sa kanya na dito na muna ako sa apartment ni Rj para hindi na din ito mag-alala sa akin.
Rj's POV
Bumuti na ang pakiramdam ko, pag gising ko ay agad kong naisip ang mga nangyari kahapon. Panaginip lang pala ang lahat, napanaginipan ko si Nico na inaalagaan ako. Bumangon ako at lumabas sa kwarto nagulat ako ng makita si Nico na mahimbing na natutulog sa couch. Nanatili akong nakatayo sa may pinto ng kwarto habang tinitignan si Nico, iginala ko din ang mga mata ko sa aking sala at nakita ko na maayos at malinis ito. Ibinalik ko ulit ang aking mga tingin kay Nico, lumapit ako sa kanya ay dahan dahang iniayos ang kumot niya. Lumapit ako sa kitchen at tahimik na kumilos para maghanda ng breakfast. Ingat na ingat ako sa kilos ko upang hindi ko magising si Nico, ngunit nagising pa rin ito.
"Oh Rj! What are you doing there?" Tanong agad niya ng makita ako sa kitchen at agad na tumayo.
"I'm sorry for waking you up, well I am preparing breakfast" ngiting sagot ko sa kanya.
"Naku, I'll do it!" Sabi nito ng makalapit sa akin.
"No Nico, ako na. Isa pa sobrang abala na ang nagawa ko sayo." Sagot ko naman sa kanya.
"Hey Mr. Valdez stop it okay, ako na diyan baka mabinat ka pa and isa pa hindi ito abala I am happy na nakakatulong at naaalagaan kita" sagot niya sa akin habang kinukuha ang spatula sa aking kamay.
Nang makuha na niya ang spatula ay itinulak naman niya ako palayo sa kusina. Nakatayo lamang ako sa harap niya habang pinagmamasdan siya sa pagluluto.
"Alam mo Nico, bagay ka diyan" ngiting sabi ko sa kanya.
"Bagay sa pagluluto? Really? But I think mas special pa rin ang baking for me" seryosong sagot naman nito.
"What I mean is bagay ka diyan sa kitchen ko" ngiting sabi ko naman sa kanya.
"Ah ganun so now balak mo pa akong gawing cook mo?" Natatawang sabi naman niya habang patuloy pa rin sa pagluluto.
"Hindi ah, what I mean is bagay ka as a wife" ngiting sabi ko sa kanya.
Mukha namang nagulat si Nico sa mga sinabi ko dahil bigla na lamang itong tumigil sa kanyang ginagawa at tumingin ng seryoso sa akin.
"Well I guess okay ka na nga, balik ka na ulit sa pagiging maloko eh." Natatawang sabi nito ng biglang nagiwas ng tingin.
"Anyway Nico, honestly I really really wanna thank you for everything, for being here, for taking good care of me, grabe I don't know kung paano ako makakabawi" seryosong sabi ko sa kanya.
"You're welcome, seeing you healthy is okay for me kaya you have to promise me na, hindi ka na magkakasakit okay?" Seryosong sagot naman niya.
"Promise!" Nakataas ang kanang kamay na sagot ko sa kanya.
"Come on, kain na tayo" ngiting sabi naman niya at inaayos ang dinning table.
Tinulungan ko na siya sa pag-aayos ng mesa at umupo na din pagkatapos. Masaya naming pinagsaluhan ang breakfast na handa ni Nico.
"Rj, alam mo last night, nagdidiliryo ka may mga nasabi ka na hindi ko sinasadya na marinig" sabi niya.
"Ahh ganun ba? Like what?" Takang tanong ko sa kanya.
"Well may nasabi ka na nagkasakit ka din dati and nasaktan ka dati dahil sa isang babae" mahinang sagot naman niya.
"Ahh, ganun ba, huwag mo na isipin yun tapos na yun" sagot ko naman sa kanya.
"But have you ever had a chance to tell her about your feelings and sa mga napagdaanan mo?" seryosong tanong niya.
"Nico, lets not just talk about it" sagot ko sa kanya.
"But I want to help, maybe she needs to know about it baka may mangyari pa" pilit niya.
"Thanks but I dont know if she'll like it if I tell her." Ngiting sagot ko sa kanya.
"There's no harm in trying, if ever she'll dump you atleast masabi mo sarili mo you tried diba?" Sagot naman nito.
"Kaso she's my friend Nico, and I know kaibigan din ang turing niya sa akin" mahinang sabi ko sa kanya habang patuloy pa rin kami sa pagkain.
"So? Being friends doesn't mean na hindi na kayo pwede mainlove sa isa't isa! Sometimes the relationship grows strong because of the friendship that they have built" seryosong sabi naman nito sa akin.
"And what if ikaw yun Nico?" Nakatingin kong tanong sa kanya.
"Well kung sa akin nangyari yan then I will let him know my feelings and if he'll turn me down okay lang no regrets atleast I tried" sagot niya.
"And kung ako naman yung girl, syempre I will listen to him and kung nagkataon naman na may feelings ako for him then I'll give him a chance to prove his love to me" dugtong pa rin niya.
"And what if I'll tell you na ako yung guy? And sasabihin ko sayo that I am falling inlove with you?" Seryosong tanong ko sa kanya.
"Huh? Ahmm, I.. I don't know." Mahinang sagot niya.
"Have you ever thought of falling in love with a friend Nico?" Pagiiba ko ng tanong.
"Ahh, not actually. May mga friends ako na lalaki but none of them made me think of that, maybe because I know them and we're just meant to be friends." Sagot naman nito.
"Ganun ba? So if ever na may kaibigan ka na magsabi sayo na his inlove with you, you'll just turn him down?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi naman siguro, just like what I said siguro pakikinggan ko mga sasabihin niya but I am not sure if I can reciprocate his feelings for me. Ganun" sagot naman nito.
"Ano ba itong topic natin masyadong dramatic for breakfast" natatawang dugtong naman niya.
Parang sumama ulit ang pakiramdam ko sa naging usapan namin ni Nico. Parang nabawasan ang lakas ko na sabihin sa kanya na mahal ko siya, natatakot akong marinig mula sa kanya na hindi niya ako mahal at hindi niya ako kayang mahalin dahil kaibigan niya lamang ako at higit sa lahat ay natatakot ako na tuluyan siyang mawala sa akin kahit bilang kaibigan pag nalaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya. Matapos namin kumain ay bumalik ako sa kwarto ko para maligo at naghanda na para pumasok sa resto.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez