"Hi Camille," bati din naman nito.
Inaya na din namin si Cams na maupo kasama namin at makipagkwentuhan, dahil magaling makisama si Cams ay madali din naman niyang nakasundo si Baste.
"Naku, naalala ko nung mga bata pa kami nito ni RJ, may gusto siya na schoolmate namin kaso ayaw ligawan kasi marami daw siyang kalaban" natatawang kwento ni Baste kay Cams.
"Talaga? May pagkatorpe ka naman pala Arj eh!" Pang aasar naman nito sa akin.
"Hoy hindi no, bata pa kasi ako noon" balik kong sagot kay Cams.
"Ito naman si Baste eh crush ng campus siya ang hinahabol ng girls" balik na pang-aasar ko naman kay Baste.
"Well atleast hindi ako naghahabol ako ang hinahabol" sagot naman nito habang hinahawi pa ang buhok niya.
"Eh ikaw? Kailan ka naman maghahabol ng girl huh?" Tanong ni Cams sa akin.
"Oh bat sa akin na naman napunta ang usapan?" Natatawang tanong ko sa kanya.
"Baste, paano mo ba masasabi na gusto ni RJ ang isang girl noon?" Tanong ni Cams kay Baste.
"Hmm pag lagi niya itong nababanggit, saka dati kasi dahil schoolmate namin eh lagi niya yun sinusundan ng tingin pag nakikita niya" sagot naman niya habang hawak ang baso na may juice.
"Oh ganun ba? So hindi naman pala nagkakalayo sa ugali niya ngayon" nakangiting sabi naman ni Cams.
"Bakit may pinopormahan ba ngayon si RJ?" Tanong naman ni Baste ng bitawan niya ang baso sa mesa.
"Hmm sa tingin ko oo pero ayaw lang niyang aminin eh" nakangiting sagot naman niya habang nakatingin sa akin.
"Hey Cams! Ano bang pinagsasabi mo diyan, wala nga akong pinopormahan!" Agad na sagot ko naman sa kanya.
"Naku naku naku, I know you! Alam ko pag masaya ka, alam ko kung nagsisinungaling ka, and I know that there is someone who makes you happy nowadays and that is the reason kung bakit nakasmile ka lagi!" Sagot naman nito.
"Actually, Camille is right pare! Mga bata pa lang tayo eh kilala na kita, yang mga ngiting yan, Im sure dahil sa babae yan eh" pagsangayon naman ni Baste.
"Si Nico ba?" Biglang tanong naman ni Cams.
Natahimik ako sa tanong nila, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Totoong masaya ako pagkasama ko si Nico pero sapat na dahilan na ba yun para masabi ko na gusto ko siya? Hindi ko alam.
"Hey! Ano meron ba?" Tapik naman ni Baste sa akin ng hindi ako agad nakasagot sa tanong ni Camille.
"Sige na!Oo gusto ko si Nico!" Pag amin ko sa kanila.
"There is no reason for me to not like her, she's nice, she's fun to be with, she's pretty, she's kind and cool" dugtong ko.
"Ayun naman pala eh! Then what are you waiting for? Bakit hindi mo siya ligawan?" Tanong naman ni Cams.
"Coz she's a friend!" Agad ko namang sagot.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez