Nico's POV
Ilang buwan na lang matatapos ko na ang pag-aaral ko kaya kailangan maging maayos ang internship ko. First day ko ngayon sa internship sa restaurant ng kaibigan ni Papa. Excited na akong matuto at makilala ang mga bagong makakasama ko. Classmate kami ni Toni at Michael pero sa iba sila naginternship. May ilang linggo na din kaming hindi nakukumpleto dahil si Dee,Chloe at Baste ay nagsimula na din sa mga internships nila, at ngayon kami naman nila Toni at Michael ay magiging busy na din sa internships namin.
"Good morning Ma'am!" sabay na bati sa akin ng dalawang magandang receptionist.
"Hi! Good morning! I'm looking for Chef Arnold," sagot ko sa kanila.
"Are you Ms. Ramirez?" tanong ulit ng isang babae habang ang isa naman ay may kausap na lalaki.
"Yes! I'm Nicomaine Ramirez" saad ko naman sa kanya.
"Okay ma'am, may meeting lang si Chef with the investors pero patapos na rin po iyon. Antayin nyo na lang po siya sa office nya" ngiting sabi naman ng kausap ko.
Nagpaalam siya sa kanyang kasama para ihatid ako sa office ni Chef. Pagpasok ko ay bigla na lamang akong kinabahan dahil simula sa araw na ito ay ito na ang opisina ng boss ko para sa internship. Kumuha ako ng isang food magazine na nakalagay sa coffee table bago umupo sa couch.
RJ's POV
Unang araw ko ngayon para sa internship ko kaya maaga akong gumising. Pag gising ko agad ko tinignan ang cellphone ko. May isang text mula kay Cams.
Good morning! Today is your first day kaya dont be late okay? Ingat ka and enjoy your day! :)
Napangiti ako sa nabasa kong message ni Cams kaya agad akong nagreply sa kanya. Good morning din! Balitaan kita mamaya, have a nice day! :) Matapos ko maisend ang message ko ay naghanda na ako para sa internship ko.
"Good morning Sir!" bati sa akin ng isang receptionist habang ang isa naman ay may kausap na babae.
"Hi Good morning! I'm Richard Valdez, may meeting ako with Chef Arnold." Nakangiti kong sabi sa babae.
"Ay yes Sir, nasa meeting pa si Chef pero matatapos na din po yun" nakangiti rin nitong tugon.
"Okay, aantayin ko na lang siya" Nilingon ko ang babae na kanina lang ay katabi ko, naglakad na siya kasama ng isa pang receptionist. Itinuro na lamang sa akin kung paano makakarating sa office ni Chef kung saan ako mag-aantay. Habang naglalakad ay nakasalubong ko naman ang receptionist na naghatid sa babae kanina, itinuro din niya sa akin ang opisina ni Chef. Bago ako pumasok ay kumatok muna ako sa pinto bago ko ito binuksan. Pagpasok ko ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha.
"What are you doing here?" sita ng babaeng nakaupo.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez