"Tagaytay tayo?" sambit ko.
"Game!" sagot naman ni Toni. Buti na lamang at sumang-ayon ang iba kaya bigla na lang naiba ang usapan. Nang matapos na kaming kumain, sabay sabay na kaming tumayo at lumabas ng canteen, nagpaalam pa si Baste kila RJ at Camille ganun din ang iba samantalang ako ay patuloy lang sa paglalakad.
Toni Alonzo's POV
There is something wrong with Nico, I have know her since young and ngayon ko lang siyang nakita na nagkakaganito sa isang lalaki. I have to know what is going on, kinuha ko ang phone ko at nagtext.
Nics, we have to talk. Matapos kong masend ang text ko ay bigla akong tumingin kay Nico. Tumingin din siya sa akin na parang alam na nila kung ano ang dapat naming pagusapan.
Mabilis lamang ang biyahe mula Enchanted Kingdom hanggang Tagaytay, dahil maganda ang panahon excited ang iba para sa kanya kanyang selfies and groupies habang kami ni Nico ay umupo na muna sa isang bench sa Picnic Groove.
"So, are you going to tell me now or I'll ask you about it?" pangunang sabi ko kay Nico.
"Bestie naman!" sagot naman niya.
"Huwag mo akong dinadaan sa pa-bestie bestie mo Nics, I know you too well and you can't hide anything to me, so c'mon spill it out" sabi ko naman.
"Toni, to be honest I really don't know, kahit ako naguguluhan" mababakas sa mata ni Nico na nagsasabi siya ng totoo.
"Nakatabi ko si RJ kanina sa EKstreme, and at first wala namang problema I even answered him when he asked me. Syempre babae din naman ako Toni, so nang makita ko ang mukha ni RJ nagwapuhan din ako, pero ng makita ko nga kung paano nya hawakan ang kamay at alalayan si Cams ewan ko ba parang bigla akong nainis sa kanya. Nung natapos naman ang ride natin, nakita niya akong umiyak kaya parang mas lalo akong napahiya sa kanya" mahabang kwento nito.
"So crush mo nga si RJ at nagseselos ka dahil may girlfriend na siya?" may halong pang-aasar na sabi ko sa kanya.
"Ganun ba yun? Pwede ba yun? Toni, I just met him kanina and crush ko na agad? And worst nagseselos na ako agad?" naguguluhang tanong ni Nico.
"Nics, there's nothing wrong kung magka-crush ka sa isang guy, normal yun ano ka ba!" pagbibigay linaw ko sa kanya.
"Alam ko naman yun Toni, kaso ewan ko ba, there is something about him na hindi ko maexplain" sagot niya sa akin.
"Alam ko kung bakit? Kasi ayaw mo aminin dyan sa sarili mo na crush mo siya at nagseselos ka" pagpipilit ko sa kanya. "If you'll just admit it mawawala yang kakaibang nararamdam mo" habol ko.
"Maybe you're right Toni, siguro nga I just have to admit na crush ko nga ang antipatikong yun!" sabi niya.
Habang nasa malayo ang iba naming mga kasama ay kaming dalawa na muna ni Nico ang nagtatawanan sa mga bagay na ayaw na namin ipaalam sa iba naming kaibigan. Alam ko ang bagay na ito ay ayaw ng ipaalam pa ni Nico sa iba lalong lalo na kay Baste dahil kilala niya si RJ. Ang lihim na ito ay mananatiling lihim namin ni Nico.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez