Nico's POV
Nagulat ako sa sinabi ni RJ sa akin ng tawagin nya ako, nais niya na magselfie kami para daw sa documentation. Natatawa ako sa kanya pero pinagbigyan ko na lang din siya, nang matapos namin magselife gamit ang cellphone niya ay nilabas ko din ang cellphone ko para makapagselfie din.
"So saan mo naman i-a-upload ang picture na yan?" tanong niya sa akin ng matapos kaming makapagselfie.
"Sa IG ko" sagot ko sa kanya.
"Patingin nga? Baka mamaya hindi mo i-upload eh" pagbibiro niya sa akin.
Para na rin matahimik si RJ ay pinakita ko sa kanya na nai-upload ko na sa IG ang picture namin. Masayang kasama si RJ, habang tumatagal ay nakikilala ko siya ng lubos.
"Follow kita huh" rinig kong sabi niya. "kaya dapat follow back mo din ako" ngiting sabi niya.
"Sige" sagot ko sa kanya.
Pumasok na ako sa lockers area at naghanda na para sa pag-uwi. Marami kaming nagawa sa araw na ito, inventory at nag-assist din kay Chef. Ang internship ay ang paghahanda na sa totoong buhay namin bilang isang Chef o kitchen staff pag natapos na namin ang pag-aaral namin. Masaya ako sa mga natututunan ko at sa mga bagay na nagagawa ko. Palabas na ako ng makita ko ulit si RJ kaya sabay na naman kaming lumabas ng resto. Paglabas namin ay wala pa rin ang sundo ko kaya nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Tatay Bert upang alamin kung nasaan na siya.
"Ay ganun po ba? Sige po Tatay Bert aantayin ko na lang po kayo dito sa labas ng resto. Ingat po sa pagda-drive" pakikipag-usap ko kay Tatay Bert.
"Oh nasaan na daw sundo mo?" tanong ni RJ nang matapos ang pakikipagusap ko kay Tatay Bert.
"Naku naiipit daw siya sa traffic aantayin ko na lang siya dito" sagot ko naman sa kanya.
"Ganun ba? Sige sasamahan na muna kita dito, mahirap din kasing maipit sa traffic pauwi" natatawang sabi niya.
"Nico, kumakain ka ba ng isaw?" tanong niya sa akin ng makita niya ang nagtitinda sa may tapat ng restaurant.
"Oo naman, favorite ko ang isaw saka barbeque" sagot ko naman sa kanya.
"Talaga? That's great tara kain tayo. My treat!" hinila pa niya ang mga kamay ko ng makatayo na siya.
Parang bata si RJ kaya nagpaubaya na lang ako sa paghila niya sa akin patawid sa kabilang kalye. Pagdating namin sa kabila ay umorder na siya sa matandang babae ng isaw at barbeque.
"Akala ko ikaw yung tipo ng babae na hindi kumakain ng mga ganitong klaseng pagkain e" pag-aamin ni RJ.
"See, you're being judgemental!" biro ko sa kanya.
"Eh kasi wala sa itsura at pustura mo e" natatawa na din niyang sagot.
"Naku, you don't know me RJ, baka lahat ng iniisip mo sa akin kabaliktaran and magulat ka pag nakilala mo na talaga ako" natatawa ko pa ring sabi sa kanya habang kinakain ang isaw na iniabot niya sa akin.
"Ganun? Let me get to know you then!" napatingin ako ng sabihin niya ang mga salitang yun. Hindi ko alam pero parang bigla kong naramdaman na parang namumula ang pisngi ko.
"Hahaha baka naman matakot ka sa akin" pagbibiro ko sa kanya.
"Hindi naman siguro, tingin ko nga sayo you're a fun person" sabi niya habang pabalik na kami sa resto dala ang ilang stick ng isaw at barbeque.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez