"Hindi pa po, sa tingin ko may inasikaso lang siya at babalik ulit dito sa resto" sagot naman nito.
"Kung gusto niyo po, iwan niyo na lang ang name and contact details niyo po para ibibigay ko po sa manager namin, sa ganun po eh sa pagbalik ni Chef ay maibigay po sa kanya" suggestion naman ng Ken.
"Naku huwag na, baka makaabala pa kami kay Chef, isa pa baka bisitahin ko na lang siya sa manila pag balik namin dun" sabat ko sa kanila.
Naibigay na namin ang order namin kay Ken, ilang minuto lamang ay bumalik siya dala na ang mga orders namin. Nakakabilib ang lasa ng mga pagkain, kahit hindi si Chef Arnold ang mismong nagluto ay masarap pa rin. Habang kumakain ay patuloy pa rin kami ni Toni sa pagaayos para sa Cafe, at napagusapan din namin ang resto. Maliban sa fine dinning style ay meron din silang maliit na area para sa mga pastries nila. Matapos akong kumain ay lumapit ako sa area at tumingin ng ilang pastries na meron doon.
Pagkatapos kumain ni Toni ay binayaran na namin ang bill namin at nagpaalam na kay Ken na nagasikaso sa amin at umalis na.
Rj's POV
Hands on ako sa pagaasikaso at pagluluto sa kitchen kahit na may assistant at ibang chef akong kasama ay hindi ako nawawala sa kitchen.
"Chef, another batch of orders" sabi ni Ken.
"Okay!" Sagot ko sa kanya ng makuha ang listahan ng orders.
"Chef, may mga Pinay sa labas na kakilala umano ni Chef Arnold, hiningi ko ang mga pangngalan nila ngunit hindi na nila binigay, dadalawin na lamang daw nila si Chef Arnold sa Manila" kwento naman nito sa akin.
"Ganun ba? Wala rin kasing nasabi si Chef kung kailan siya babalik dito o kaya sa Manila" sabi ko dito.
"Sabihan ko na lang po sila" sabi naman ni Ken bago ito lumabas ng kitchen.
Matapos maihanda at mailuto ang mga orders ni Ken ay ipinatawag ko na siya para iserve ito sa customers. May mga ilan pang bagong orders kaya inasikaso ko na muna ang mga iyon katulong ang ibang Chef.
"Phone call for Chef Rj" sigaw ng isang babaeng crew.
"Okay!" ganting sigaw ko naman.
Lumabas ako ng kitchen at nagtungo sa office. Paglabas ko ng office matapos kong makausap si Chef Arnold ay nagtungo ako sa dining area para tignan kung nandyan pa ang mga Pinay na sinasabi ni Ken kanina dahil nabanggit ko kay Chef Arnold ang tungkol sa kanila. Nakita ko na lamang na may hinatid si Ken sa pintuan ng resto na 2 babae, ngunit hindi ko na nakita ang mga mukha nila.
"Ken, asan na yung sinasabi mo na kilala si Chef Arnold?" Tanong ko dito ng makabalik siya sa loob ng resto.
"Ay naku Chef, nakaalis na, sila yung 2 babaeng lumabas" sagot naman nito.
"Hindi ba nila iniwan ang mga pangngalan nila?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Hindi po eh" sagot naman nito na napapakamot na sa kanyang ulo.
"Okay lang, nabanggit ko lang naman kay Chef, pero tulad nga ng sabi mo baka magkita din sila sa Manila" sabi ko sa kanya.
Bumalik na ako sa loob ng kitchen para ayusin pa ang natitirang gawain ko.
Nico's POV
Pagbalik namin ni Toni sa hotel ay bumalik naman ako sa pagaasikaso ng mga papeles para sa cafe habang si Toni naman ay naghahanda na para matulog.
"Nics, tama na yan! Wala pa man ang cafe workaholic ka na" sabi nito habang naglalagay ng lotion sa katawan niya.
"Matatapos na ako, I just need to make sure na everything is ready for tomorrows meeting" sagot ko naman sa kanya habang nakatuon pa rin sa mga papeles.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez