Rj's POV
Pagdating pa lang ni Nico ay pansin ko na matamlay ito at mukhang puyat. Sinubukan ko siyang lapitan ngunit nakita ko sa mga mata niya na parang may gusto siyang sabihin sa akin at parang may mga luhang nagbabadyang bumuhos.
"Nico, okay ka lang ba talaga? May problema ba?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin siya sa akin.
Umiling lamang ito at bigla na lang tumulo ang mga luha niya. Naisip ko na ganun na ba siya ka uncomfortable na makasama ako sa trababo at naiiyak na lamang siya.
"Nico, if you're uncomfortable working with me its okay, I can tell Chef A about it" sabi ko sa kanya.
"No! No! It's not that Rj. Masama lang pakiramdam ko kaya ganito" sagot niya habang pinupunasan ang mga luha niya.
"Ganun ba? Sana hindi ka muna pumasok para nakapagpahinga ka" sagot ko naman sa kanya.
"Rj! Can I ask you something?" Nagulat ako sa naging tanong niya.
"Ahh yeah! Sure. Ano yun?" Sagot ko naman dito.
"What makes you happy? " Seryosong tanong nito sa akin.
"What's this?" Gulat na sagot ko sa kanya.
"So you're answering me a question now?" Nakangiti niyang sabi.
"Oh! Parang ikaw lang dati diba?" Nakangiti ko ding sabi sa kanya.
"Seriously Rj, ano magpapasaya sayo?" Bumalik sa seryosong pagtatanong si Nico.
"Ang bumalik tayo sa dati." Nakatinging sagot ko sa kanya.
"Paanong dati?" Tanong niya ulit.
"Yung dati. Masaya, magkaibigan, ganun." seryosong sagot ko naman sa kanya.
"You think mahirap ibalik yun?" Seryosong tanong ulit niya.
"Kung papayagan mo akong ibalik yun hindi mahirap" sagot ko naman sa kanya.
"Then ibalik natin, are you free tomorrow?" Tanong niya ulit.
"Huh? Why? Are you asking me out for a date?" Pabiro kong tanong sa kanya.
"Sira, I just want you to be happy and sabi mo nga gusto mo ibalik yung dati kaya this is our chance na maibalik yun, bakit ayaw mo ba?" Tanong naman ni Nico sa akin.
"Hindi ah, gusto ko!" Mabilis kong sagot.
"Okay!" Nakangiting sabi naman niya.
Pumunta na si Nico sa area niya para ituloy ang naiwan niyang gawain kagabi samantalang ako naman ay pumasok sa office ng nakangiti. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari, inaya ako ni Nico na lumabas bukas para ibalik ang dati naming relasyon. Naisip ko na isa itong magandang hakbang para magkaroon ako ng pagkakataon na sabihin kay Nico ang totoong nararamdaman ko. Masayang masaya ako sa pagkakataong ito.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez