Rj's POV
2 months na ang lumipas simula ng bumalik si Nico sa Manila, at may ilang linggo na din simula ng huli naming paguusap. Masyadong naging abala si Nico sa kanyang cafe lalo na nitong mga nakaraang linggo dahil nagbukas na ang nasabing cafe. Hindi man kami nakakapagusap ay nakakabalita pa rin ako ng tungkol sa kanya. Si Baste ang nakakausap ko tungkol kay Nico, halos araw araw itong dumadaan sa cafe dahil malapit lamang ang office nito sa cafe ni Nico.
"Hey dude! Whats up?" Bati ko sa kanya ng masagot nito ang tawag ko.
"Hey Rj, doing great! Teka if magtatanong ka na naman about Nico wala pa akong masasabi sayo coz hindi pa ako nakakadaan sa shop niya okay!" Mababang litanya nito.
"Ano ka ba, hindi naman sa ganun. I just wanna ask how are you. Thats all!" Pagsisinungaling ko dito.
"Oh cmon Rj! Sino niloloko mo? For almost 2 months eh mas madalas pa tayong magkausap kesa sa Daddy mo and sasabihin mo sa akin that you just wanna ask how am I? Huwag ako dude! Iba na lang!" Natatawang sabi nito sa kabilang linya.
"Ito lang Rj huh, tigilan mo na yang pagpipigil na yan coz you might miss the chance" seryosong dugtong nito.
"Huh? Why? What do you mean?" Umayos ako ng upo habang kausap pa rin si Baste.
"Oh well nasabi sa akin ni Toni na may pumoporma kay Nico sa shop and she said na okay lang kay Nico" sabi naman nito.
"And what do you think of that? Is Nico interested or not?" Tanong ko naman.
"Sorry Rj huh but I think she is, sa pagkakakilala ko naman kasi kay Nics, pag mga ganyan bagay at hindi niya trip sasabihin niya na tigilan na lang eh pero pag ganyang okay lang sa kanya medyo kabahan ka na" seryosong sagot naman nito.
"Oh well decision naman ni Nico yan eh, isa pa wala naman kaming relasyon" matamlay na sabi ko naman.
"Exactly! Wala kayong relasyon so she can entertain suitors kaso paano ka naman pare? Ano wala ka pa ring gagawin?" Sabi naman niya.
"Diba nasabi ko naman sayo, I told Nico that I like her and para sa kanya kaibigan lang ang turing niya sa akin" sagot ko naman.
"So ganun na lang yun? Hindi ka na susubok ulit? Pare, sinabi mo pa lang sa kanya wala ka pang pinapakita, susuko ka na agad?" May inis pa sa tinig nito.
"Ganito na lang Rj, sagutin mo ako ng matino, walang taguan ng feelings! Noon sabi mo gusto mo si Nics, pero gusto mong makasigurado sa nararamdaman mo for her kasi ayaw mo siyang masaktan, lumayo ka sa kanya at lumipas ang panahon nagkita kayo ulit, nagkasama. Ang tanong sigurado ka na ba sa nararamdaman mo? Ikaw ba mahal mo ba si Nico?" Mahabang sabi nito sa kabilang linya.
Napaisip ako sa mga sinabi ni Baste, natahimik ako ng saglit at nagisip. Makalipas ang ilang saglit ay handa na akong sagutin ito.
"Oo, mahal ko si Nico at siguradong sigurado na ako dun!" Sagot ko sa kanya.
"Then fight for it!" pasigaw na sabi nito sa kabilang linya.
"Pare, alam mo naman na hindi ganun ka dali yun lalo na kung hindi niya ako gusto." Mahinang sabi ko.
"Alam mo dude, kung andito ka lang sa harap ko, malamang binigyan na kita ng sapak! Bahala ka na nga! If wala ka lang din namang gagawin then I think there's no point in telling you updates about Nics." May inis na sabi nito at pinutol na niya ang tawag.
Alam ko na nainis si Baste sa akin at tama din naman ito na wala ng dahilan para makibalita ako tungkol kay Nico. Mahal ko si Nico pero natatakot ako na sa pagpupumilit ko sa nararamdaman ko sa kanya ay tuluyan siyang mawala sa akin, kahit bilang kaibigan lang.
Naging abala ako ng mga sumunod na araw sa resto, sinubukan kong aliwin ang aking sarili upang hindi ko maisip si Nico. Pauwi na ako ng apartment ng nakita ko ang text message ni Nico sa cellphone ko.
"Hi Rj, how are you? Been busy these past few weeks alam mo na busy na sa cafe. Anyway, I hope you are doing fine! Let's catch up when both of us are not busy with work. Goodnight!" Sabi nito sa text.
Kahit papaano ay napangiti ako sa natanggap kong text mula kay Nico, kahit na busy siya ay hindi pa rin siya nakakalimot na mangamusta pa minsan minsan. Nakapagdecide ako na hindi na magreply sa kanya at inilagay ko na sa bulsa ko ang cellphone at nagayos na ng gamit para makauwi.
Habang naglalakad ay muli naman tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang panggalan ni Baste sa screen.
"Just want to let you know, Nics invited the guy to join our weekly get together!" Sabi nito sa text.
Hindi na kami ulit nagkausap ni Baste simula ng huling tawag ko sa kanya. Alam ko na naiinis pa rin siya sa akin, he still wants me to do my move,I didn't replied and just went home with a heavy heart.
Pagdating ko sa apartment ay tila pagod na pagod ako kaya humiga ako sa couch, nagisip. Hindi ko maiwasang isipin na maaring gusto nga ni Nico ang lalaking tinutukoy ni Baste dahil isinama na niya ito sa get together ng kanilang barkada.
Kailangan ko ng kausap kaya tinawagan ko si Cams.
"Hello?" Bungad na bati ni Cams.
"Hi Cams." Mahinang sabi ko.
"Oh? What's wrong? Are you sick?" Pag-aalala nito.
"Yeah, I guess" mahinang sabi ko pa rin habang nakahiga pa rin ako sa couch.
"Naku pacheck ka na sa doctor" batid ko ang pag-aalala nito sa boses niya.
"Kaya ba ng gamot ang sakit sa puso?" sabi ko dito.
"What? Puso?" Takang tanong niya.
"Let me guess, si Nico yan no?" Dugtong niya.
"I guess nakita mo yung picture?" Dugtong ulit nito.
"What picture?" Napabalikwas ako ng upo sa sinabi nito.
"Oh, I thought yun yung reason kaya ka ganyan?" Gulat na sabi nito.
"What picture? Ano bang sinasabi mo?" Pagpipilit ko sa kanya.
"Well, nakita ko kasi yung update ni Baste sa IG niya, picture of Nico with a guy." Sagot naman nito.
"And kung titignan they look good together and they look happy, kaya akala ko nakita mo na." Dugtong nito.
"Nope, I haven't seen it but I know na magkasama sila" mahinang sagot ko.
"Oh talaga? Paano? Did Nico told you about it?" Tanong niya.
"No Baste did." Mahinang sagot ko at napasandal na lamang sa couch.
"Arj, masakit no? Ikaw naman kasi kukupad kupad ka ayan naunahan ka na ng iba!" Sabi nito.
"Cams, I'm so drained right now, huwag mo na akong sermunan please"sabi ko sa kanya.
"Okay! If you say so!" tanging sabi nito sa kabilang linya.
"Cams, what should I do? Kung kailan sigurado na ako sa nararamdaman ko bakit parang wala na akong pag-asa? At kung ipipilit ko naman ang gusto ko baka siya naman ang mawala." Naiiyak kong sabi sa kanya.
"Take the risk! Let her know what you feel, show her, fight for her! And if wala talaga then atleast no regrets on your part kasi you tried! Kesa naman magmukmok ka dyan and hayaan na mawala siya sayo ng hindi ka lumalaban." Seryong sabi nito.
Tama nga siguro si Baste at Cams, kailangan ko lumaban, kailangan ko maging matapang at kailangan ko harapin si Nico. Kung kapalit ng pagmamahal ko sa kanya ay ang tuluyan niyang paglayo sa akin atleast lumaban ako at naiparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ko.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romantiek"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez