Chapter 18

91 5 0
                                    

Matapos ang meeting ay naghanda na din ako para sa pag-uwi, nagpaalam na ako sa mga kasama ko ng mapansin ko na wala si Rj sa kitchen. Tinanong ko kay Jane kung napansin nila si Rj at ang sabi umuwi na daw. Nakakapanibago si Rj, simula ng nagkasama kami sa resto ay lagi siyang nagpapaalam kung uuwi na, iniiwasan ba niya ako? Pero bakit? Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanya.

Bago umuwi ay nagpahatid muna ako kay Tatay Bert sa mall. Bumili muna ako ng maiinom at nagtungo na sa bookstore. Tumitingin ako ng mga magazines na parang narinig ko ang pangalan ko na nabanggit sa aking likuran.

"Eh paano na si Nico?" Sabi ng isang boses ng babae.

"Anong paano?" sabi ng isang pamilyar na boses ng lalaki.

"Eh diba matatapos na ang internship nyo? Oh paano na yun?" Sabi ulit ng babae.

"Eh di tapos na, ganun lang yun" sagot naman ng lalaki.

Natatakot akong humarap, natatakot akong makita ang nagmamay-ari ng pamilyar na boses na yun.

RJ's POV

Tinawagan ko si Cams para lumabas, maaga akong umalis ng resto at hindi na ako nakapag paalam sa iba. Nagtungo kami ni Cams sa bookstore para samahan siyang bumili ng mga gamit niya. Naikwento ko na rin sa kanya ang mga nangyari sa akin at sa nalalapit na pagtatapos ng internship ko sa resto.

"Oh anong plano mo?" Tanong niya sa akin habang tumitingin ng mga libro.

"Plano saan?" Balik na tanong ko sa kanya.

"Ganun pa rin, tatapusin ko ang internship ko at tatapusin ang pag-aaral ko" sabi ko sa kanya habang tinitignan ang mga librong nakalagay sa shelves.

"Eh paano na yung nararamdaman mo for Nico?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Cams, ayaw ko ng padalos dalos, I need to be sure" sagot ko naman sa kanya.

"Eh paano na si Nico?" Tanong niya.

"Anong paano?" Tanong ko rin sa kanya.

"Eh diba matatapos na ang internship nyo? Oh paano na yun?" Tanong ulit ni Cams.

"Eh di tapos na, ganun lang yun" sagot ko naman sa kanya at tinalikuran na siya.

Sa pagtalikod ko kay Cams ay bigla naman akong nagulat ng makita ko si Nico sa aking harapan, hawak niya ang ilang magazine at ang kangang inumin. Nakatingin lamang siya sa akin, hindi ko alam kung ano ang gagawin at sasabihin ko sa kanya. Pakiramdam ko ay kailangan ko magexplain sa kanya sa mga posibleng narinig niyang paguusap namin ni Cams.

"Nico!" Tanging nasabi ko sa kanya.

"Hi Rj" sabi niya at humakbang palapit sa akin.

"Hi Camille!" Bati naman niya kay Cams ng malagpasan niya ako sa kinatatayuan ko.

"Hi Nico!" Bati naman ni Cams dito ng nakangiti.








The Closer I Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon