Rj's POV
Hindi ko alam ang mga gagawin ko parang nawala ako sa sarili. Hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko ngayon ni Nico. Halos hindi ako makatingin sa mga mata niya, pakiramdam ko lahat ng kilos ko ay limitado, nanginginig ako sa kaba. Hindi ko alam kung paano ako kikilos kung alam ko na sa isang maling hakbang ko lang ay maaring makabangga ko siya. Isang taon kong hindi nakita si Nico, ngunit may balita pa rin akong nakukuha kay Baste tungkol sa kanya. Naisip ko na hindi ko maaaring ipahalata sa kanya ang mga nararamdaman ko kaya patuloy lamang ako sa pag-e-explain sa kanya ng mga dapat niyang gawin dito sa resto. Tipid din naman ang mga sagot nito sa akin kaya pakiramdam ko ay hindi din ito kumportable sa sitwasyon.
"Ahhmm, actually may assistant ka naman dito so hindi ka masyadong mahihirapan" pilit na kinakalma ko ang aking sarili.
"Okay, thanks" tipid na sagot naman nito.
"If may mga kailangan ka pang materials or what just let me know para maayos natin" sabi ko sa kanya.
"I think okay naman na ang mga ito, isa pa I wont stay long kaya as soon as matapos ko ito okay na din ako" sabi ni Nico habang nakatingin siya sa akin.
"Oh I see!" Tanging nasabi ko.
"So I guess I need to start" sabi ni Nico at agad naman isinuot ang uniform.
Biglang nagbalik sa aking alaala ang panahon na nasa internship pa kami, masaya kaming nagbibiruan at sabay na ginagawa ang mga gawain sa kitchen, ang mga kwentuhan, selfies at kulitan.
Napangiti ako sa naalala ko, ngayon ay kasama ko na naman si Nico sa isang kusina ngunit wala na ang mga ngiting pinagsaluhan namin noon. Iniwan ko na siya sa kanyang area kasama ang kanyang assistant habang ako naman ay bumalik na sa aking mga gagawin.
Lumipas ang ilang oras ay napansin ko na nagbe-bake pa rin si Nico kaya lumapit ako sa kanya.
"Nico, break muna, kanina ka pa diyan" sabi ko sa kanya ng makalapit ako.
"Yeah tapusin ko na lang ito" sagot naman niya.
"Sige, magko-close na din ang resto maya maya lang" sabi ko naman.
Tuloy pa rin si Nico sa ginagawa niya kay nagpasya na lamang akong iwan siya at lumabas. Pumasok ako sa office at nagcheck ng emails, nakita ko na may email na naman si Cams, binuksan ko ito at binasa. Pagkatapos kong magbasa at sumagot ng mga emails ay lumabas akong muli.
Tumunog naman ang cellphone ko at nakita ko na si Cams ang tumatawag. Pumunta ako sa may fire exit para dun kausapin si Cams.
"Hi Cams!" Bati ko sa kanya sa pagkasagot ko ng tawag nito.
"Uyy! Mukhang masaya ahh! Iba dating ng boses mo eh" sagot naman nito.
"I don't know if masaya nga but I think I am hehehe" natatawa kong sabi sa kanya.
"Huh? Bakit anong nangyari?" Tanong naman ni Cams.
"Nico is here!" Sabi ako sa kanya.
"What! Nico? You mean Nicomaine Ramirez na crush mo? Este na mahal mo? Na iniwasan mo dahil gusto mo maging sure sa feelings mo? Na tuluyan ng nawala sayo?" Mahabang litanya naman nito.
"OA huh! Yeah si Nico, she's here kasi she's doing a favor for Chef Arnold" sagot ko sa kanya.
"And? So ano? Nagusap na ba kayo? Nasabi mo na ba sa kanya?" Sunod sunod na tanong niya.
"Cams chill! Walang ganun, we are just working,yun lang!" sagot ko sa kanya.
"Tongaks! Destiny na yan young man! Sabihin mo na sa kanya ano ba!" Naiinis niyang sabi.
"I don't know if this is the right time for that" sagot ko naman.
"Hay naku! You already wasted a year for being stupid and coward so grab your ass and tell her!" Naiinis na niyang sabi.
"In time Cams, in time!" sagot ko naman.
"Hay naku ewan ko talaga sayo! Bahala ka nga sa buhay mo!" Galit na sabi nito.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Dragoste"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez