Chapter 45

103 4 0
                                    

"Nico, totoo ba ito o panaginip?" Tanong niya sa akin habang nakatitig.

"Ano ba sa tingin mo?" Ngiting tanong ko naman sa kanya habang pinapalamig ang porridge.

"Ayan ka na naman eh, sinasagot mo na naman ako ng tanong" mahina nitong sabi.

"Kumain ka na lang muna para gumaling ka na okay?" Sagot ko sa kanya. Sinubuan ko siya habang siya naman ay nakatitig lamang sa akin.

"Hey stop starring!" Sabi ko naman dito.

"Totoo nga ito, hindi ito panaginip" sabi naman niya.

"Inumin mo na itong gamot mo at magpahinga ka na ulit" sabi ko sa kanya.

Matapos kumain at uminom ng gamot ay inalalayan ko siya ulit sa paghiga.

"Nics" sabi nito at hinahawakan ang kamay ko.

"Don't leave me okay?" Sabi niya.

"Don't worry I won't" sagot ko naman sa kanya.

May ilang oras ding nakatulog si Rj at kahit papaano ay bumaba na ang kaunti ang lagnat nito. Nagpapatugtog ako ng mga music sa sala ng maramdaman kong nagising si Rj, mabilis ko namang pinatay ang stereo at tumakbo sa kwarto nito.

"Did I wake you up?" Tanong ko sa kanya ng makapasok ako sa kwarto nito.

"Hindi naman" sagot naman niya.

"Akala ko nga umuwi ka na, anong oras na ba?" Tanong niya habang inaayos ang pagupo nito.

"5:30 pm na, why nagugutom ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa, its getting late gagabihin ka na sa pag-uwi, okay na ako Nico" sabi niya.

"Its okay, dito lang ako hanggang sa gumaling ka" sabi ko sa kanya.

"Okay na ako, kaya ko na ito" sabi naman nito.

"Hindi ka pa okay, hindi pa rin nawawala yang lagnat mo oh!" Sagot ko sa kanya pag-upo ko sa gilid ng kama nito.

"Thank you Nico, nakakahiya naabala tuloy kita" mahinang sabi nito.

"Ano ka ba wala yun, kaibigan mo ako kaya wala ka dapat ikahiya." Ngiting sagot ko sa kanya.

"Kaya humiga ka na ulit at matulog, maya maya magluluto naman ako ng nilagang baboy para sa dinner" sabi ko sa kanya at inalalayan naman siya sa paghiga.

"Alam mo, nangyari na ito dati eh, I was so sick that time, pero I knew na kaya ko labanan ang sakit ng katawan at ulo ko. But you know what kung ano ang hindi ko kaya? Yung sakit dito, dito sa puso ko." Naiiyak nitong sabi.

"Nagalit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko ang babaeng mahal ko na lumayo sa akin, hinayaan ko siyang mawala dahil naduwag ako, dahil gusto ko masigurado ang nararamdaman ko para sa kanya, dahil ayaw ko siya masaktan, dahil gusto ko maging buo ako at ang pagmamahal ko para sa kanya. Pero bakit ganun? Nung lumayo siya, lalo akong nadurog." Patuloy niyang kwento habang nakapikit.

"At mas nadurog ako ng malaman ko na okay siya ng wala ako sa buhay niya. Ang sakit sakit pero ako ang may gusto noon eh, kaya tinanggap ko. Kaya lumayo pa ako sa kanya pero hindi ibig sabihin ng paglayo ko ay nakalimutan ko siya. Dahil kahit saan ako magpunta dala dala ko ang pag-ibig ko sa kanya" mahabang kwento ni Rj.

The Closer I Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon