Hinila ni Baste ang mga braso ko "Hey Nics! Chill! Bakit ba kasi?" nagtatakang tanong pa rin niya sa akin.
"Eh paano naman kasi, napaka antipatiko ng lalaking yan! He boils my blood! Alam mo yun!? Ganern!" gigil na sabi sagot ko kay Baste. Pagkatapos kong masabi ang mga gusto kong sabihin ay agad na akong bumitaw sa pagkakahawak ni Baste at tinalikuran sila at nagtungo sa mga kaibigan ko na sa mga oras na ito ay nasa labas na.
Baste Cruz's POV
Matagal ko ng kilala si Nico at hindi siya ang tipo ng babae na nagpapakita ng emosyon lalo na ang inis at galit. Ano kaya talaga ang nangyari sa kanya at kay RJ para mainis ng sobra si Nico. Nagpumilit bumitaw si Nico sa pagkakahawak ko sa mga braso niya at umalis.
"Ano daw? Boils her blood? Hahahahaha" natatawang sabi ni RJ.
"Pare, sorry for that. You must have done something wrong to Nics. Bihira ko makitang magalit yun sa tagal ko ng kilala yun eh." Paghingi ko ng paumanhin sa mga ginawa ni Nico.
"Believe me Pare, I didn't do anything. We just talked and yun na she just got mad at me." Sagot naman nito sa akin.
"Hey, baka naman may nasabi ka na naoffend sya kaya siya nagalit sayo." Sabi naman ng babaeng katabi ni RJ.
"Naku, pasensya ka na din Camille, nakakahiya talaga" paghingi ko pa rin ng pasensya.
"Wala yun" malambing na sabi naman niya.
"Oh well, pasensya ka na talaga. Anyway, its nice to see you again after what? 3 years?" nakangiting sabi ko sa kanya.
Kababata ko si RJ magkapitbahay kami noon, pero ng magpasya ang mga magulang ko na lumipat ng bahay 3 years ago hindi na kami ulit nagkausap at nagkita. Nang makita ko siya ng matapos ang ride ay agad ko naman siyang kinausap. Ipinakilala niya sa akin ang babaeng kasama niya, si Camille.
"Baste, lets go! Nics is freaking out!"narinig naming sigaw mula sa isang babae. Sabay naman naming nilingon ang pinagmulan ng boses, si Dee na papalapit na sa amin.
"Bakit? Ano nangyari sa kanya?" tanong ko kay Dee.
"Hay naku ewan ko ba dun, bigla bigla na lang nagaayang umuwi" sagot ni Dee habang nakatingin kay RJ.
"By the way Pare, this is Dee. One of my friends. Dee, this is RJ kababata ko at si Camille." Pagpapakilala ko sa kanila ng makalapit na si Dee sa amin. Agad namang tinanggap ni Dee ang mga kamay ni RJ para makipag-kamay at ganun din kay Camille. Makikita sa mga mata ni Dee na para itong kinikilig sa paglapat ng mga kamay niya kay RJ habang medyo nakataas naman ang mga kilay sa babaeng katabi ni RJ.
"Its nice to meet you Dee." Sambit ni RJ.
"The pleasure is mine RJ!" may kilig sa boses na pagkakasabi naman ni Dee.
"So Pare, Camille, we have to leave at baka masiraan na ng bait si Nics eh" pagpa-paalam ko sa kanila.
"Sure Pare, lets catch up soon! Bisitahin mo naman kasi ako Hahaha." Sabi naman nito."Ingat kayo" sagot namam ni Camille. Nag-fist bump pa kami ni RJ bago ko sila iwan.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez