Chapter 43

69 3 0
                                    

Nico's POV

Dalawang araw na ang lumipas ng huli kami nagkausap ni Rj sa text at simula noon ay hindi na ako nakarinig ng balita sa kanya. Sa mga lumipas din na araw ay wala kaming ibang ginawa ni Toni kundi ang mamasyal at magenjoy sa aming bakasyon. Inaya ko si Toni sa Cheffy A para kumain at para na rin makamusta si Rj. Pagbukas pa lamang ng pinto sa resto ay sabay sabay pa rin ang pagbati ng mga staff sa amin.

"Eosseo seyo!" Sabay sabay nilang sabi ng makapasok kami sa resto.

"Hi Chef!" Bati ni Ken.

"Hi Ken! Hi Suzy! Hi Chino!" Bati ko sa kanila.

"Dito po Chef." Sabi ni Ken na itinuro ang mauupuan namin at iniabot ang menu.

"Kamusta naman kayo dito?" Tanong ko sa kanya habang nakatayo siya sa aming harap.

"Okay naman po, medyo busy ngayon kasi wala si Chef Rj" kwento naman nito.

"Wala si Rj?" Takang tanong ko sa kanya.

"Opo, may sakit po eh 2 araw na kaya nagpapahinga pa rin po" tuloy pa rin niyang kwento.

"What? Nagpapahinga? Saang hospital siya?" Sabat na tanong naman ni Toni.

"Ay hindi po nasa apartment lang po si Chef, hindi po yun nagpapadala sa hospital pag nagkakasakit" sagot naman ni Ken.

"Ano? He's been sick for 2 days and ayaw pa rin niya magpahospital? Ken, alam mo ba ang address ng apartment niya?" Inis na tanong ko dito

"Ahh yes Chef, sa iisang building lang po kami lahat nakatira, sa 6 floor poi Chef Rj" sagot naman nito.

"Pahingi ako ng address" sabi ko sa kanya.

"Toni, I'm sorry but I have to go, kaya mo naman na bumalik mag-isa bumalik sa hotel right?" Nagmamadali kong sabi sa kanya pag-alis ni Ken.

"Nics, calm down hindi makakatulong if natataranta ka ng ganyan" pag-aalala niyang sabi.

"Yeah I know, pero what if may mangyari sa kanya? What if, oh my God!" Kinakabahan kong sabi sa kanya habang nakahawak ako sa ulo ko.

Ayaw ko mag-isip ng mga masamang mangyari kay Rj pero hindi ko mapigilan ang matakot at mag-alala.

"Nico, Rj is fine okay?" Sabi nito.

"Seeing you like that makes me think that you have fallen for him" ngiting sabi nito.

"Toni! This is not the right time for that!" Inis kong sabi sa kanya.

"Okay, I know. Sorry about that" sabi naman nito.

"Chef, ito po yung address ng apartment" sabi naman ni Ken pagbalik niya dala ang isang maliit na papel kung saan nakasulat ang address.

"Thanks Ken" sabi ko sa kanya.

"Toni, I'll call you. Bye!" Paalam ko sa kanya.

The Closer I Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon