Chapter 39

69 3 0
                                    

"So ano kakainin natin?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw na ang bahala" ngiting sagot niya sa akin.

Matapos makapagorder ay naupo na kami.

"Ang galing no, dati nung nasa EK tayo magkaiba ang table natin but ngayon magkasama na tayo sa iisang table" natatawang kwento ni Nico.

"Oo nga eh, and that time galit na galit ka sa akin" natatawa ko ding sabi sa kanya.

"Nakakainis ka kasi noon, parang ang flirt ng dating mo!" Sabi naman niya.

"Ako? Flirt hindi ahh, teka so you think I was flirting with you that time? Hmm crush mo ako noon noh? "Natatawang biro ko sa kanya.

"You wish Mr. Valdez!" Sabi naman niya.

"Bakit ganun?" Ngiting sabi ko habang nakatitig ako sa kanya.

"Anong bakit ganun?" Takang tanong naman nito.

"Bakit ganun kaganda pakinggan ng surname ko pag ikaw nagsasabi?" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Hay naku Rj, kumain ka na nga, gutom lang yan!" Natatawang sabi niya aa akin na bigla na lang nag iwas ng tingin sa akin.

Pagkatapos namin kumain ay umalis na kami sa amusement at sumakay ukit ng bus. Nagpunta kaming dalawa sa Han River para maglakad lakad.

"Nico, ice ka ba?" Ngiting tanong ko sa kanya.

"Huh? Anong kalokohan na naman yan?" Tanong naman nito.

"Sige na sagutin mo na" natatawa kong sabi sa kanya.

"Eh alam ko na yan eh" natatawa din niyang sagot.

"Sige na" pagpipilit ko pa rin.

"Sige na nga! Bakit?" Ngiting tanong niya.

"Crush kita okay lang?" natatawa kong sabi sa kanya habang patuloy pa rin kami sa paglakad.

"Ang waley mo! Password ka ba?" Balik niyang tanong sa akin.

"Aba lumalaban, sige. Bakit?" Sagot ko naman.

"Hindi kasi kita makalimutan." Tawang tawa sabi ni Nico.

"Huwag ka ngang ganyan Nico, kinikilig ako" sabi ko sa kanya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Anong bakit, hindi na pick up line yun" tawang sabi ko sa kanya.

"Ah ganun huh! Fire extinguisher ba?" Natatawang tanong nito.

"Bakit?" sagot ko sa kanya.

"Wala lang." Sagot niya.

"Bakit nga?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Wala nga" sabi naman niya.

"Sige na bakit nga?" Pangungulit ko sa kanya.

"Ang kulit mo, bakit fire extinguisher ka ba? Kaloka mapagkunyaring fire extinguisher ka pala eh" tawang tawa sabi nito habang napahinto ako sa paglalakad namin.

Habang nakikita ko si Nico na tumatawa palayo sa akin ay hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Masaya akong makita masaya si Nico, parang gusto kong tumigil ang oras para ganito kami kasaya.

"Hey, what's wrong?" Sabi nito ng makita niya na tumigil ako sa paglalakad.

"Ahh wala, bigla ang sumikip dibdib ko" sagot ko sa kanya at hinawakan ang dibdib ko.

"Okay ka lang ba? Upo kaya muna tayo dito" pagaalala nito.

"Ikaw kasi eh" sabi ko sa kanya ng makaupo na kami sa isang bench.

"Naku sorry masyado ka na sigurong napagod" sabi naman niya.

"Masyado mo kasing pinapatibok ang puso ko" ngiting sabi ko sa kanya.

"Ano ba! Kinabahan ako sayo, akala ko kung napapano ka na eh!" Seryosong sabi niya.

"Joke lang, I'm okay" ngiting sabi ko sa kanya.

"Rj, please huwag mo akong binibiro ng mga ganito" seryosong sabi niya sa akin.

"Alin? Yung mga pickup lines?" Ngiting tanong ko.

"No! Yung ganyan na may masakit sayo or what kasi natatakot ako" seryoso niyang sabi.

"Sorry Nico, promise hindi na, kaya wag ka na matakot I am okay" sabi ko sa kanya.

The Closer I Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon