Chapter 42

75 3 0
                                    

Rj's POV

Pinatawag kaming dalawa ni Chef Arnold sa office, sabay din kaming pumasok ni Nico. Ibinalita sa amin na may nakuha ng assistant si Chef na makakaalalay kay chef Eun Hye, hindi ko maintindihan ang naramdaman ko ng sabihin ni Chef ang balitang iyon. Masaya ako na hindi na kami mahihirapan sa mga pastries kung wala si Eun Hye ngunit nalulungkot naman ako dahil aalis na si Nico.

"Thank you Iha dahil natulungan mo ang resto, malaking bagay ang nagawa mo para sa amin." Pasasalamat ni Chef kay Nico.

"Naku Chef wala po yun, isa pa experience din po ito para sa cafe namin" sagot naman ni Nico.

"O siya paano, I'll see you around, hindi man dito sa Seoul baka sa Manila na tayo magkikita" sabi naman ni Chef.

"Rj, ikaw na bahala magsabi sa staff ang tungkol sa bagong assistant at sa pagalis ni Nico okay?" Sabi naman ni Chef sa akin.

"Yes Chef." Sagot ko naman.

"Hey Nico hindi porket aalis ka na hindi na tayo pwedeng magkita or magusap huh?" Sabi ko aa kanya pagalis ni Chef.

"Oo naman, saka ano ka ba may ilang araw pa ako dito sa Seoul no! Kung makapagsalita ka naman parang uuwi na ako ng Pinas" natatawang sabi naman niya.

"Sabi mo yan ah!"natatawang sabi ko naman.

Pagkatapos ng duty namin sa resto ay hinatid ko si Nico sa hotel kung saan siya nagstay.

"Pag may time ka Nico dalaw ka sa resto huh?" Tanong ko sa kanya ng marating namin ang hotel.

"Oo naman, don't worry isasama ko si Toni para makita mo naman siya" ngiting sagot niya.

"Sige, ikamusta mo pala ako sa kanya" sagot ko naman.

"O sige na medyo malamig na ang panahon baka magkasakit ka pa" paalam nito sa akin.

"Sige text text na lang" sabi ko naman aa kanya.

Pagdating ko sa bahay ay agad ko namang tinext si Nico, natuwa naman ako dahil sumagot din ito. Nagpalitan pa kami ng ilang text ng biglang tumawag si Cams.

"Hey dude! Balita?" Bungad na bati nito.

"You know what storbo ka!" Birong sabi ko sa kanya.

"Ouch huh! Storbo na agad?" Sabi naman nito.

"Ano na nga? May progress ba?" dugtong na tanong naman niya.

"Wala pa, saka ineenjoy ko pa eh, mahirap naman na sabihin ko sa kanya agad agad." Sagot ko sa kanya.

"Haay naku! Rj, let me just remind you huh, andyan si Nico sa Seoul for a vacation, and since vacation lang yan she has to go home dito sa Manila at maiiwan ka diyan" sabi naman nito.

"Yeah I know that. But Cams hindi ko din naman pwedeng sabihin sa kanya na gusto ko siya, we're just starting again." Sagot ko naman dito.

"I'm not telling you naman na sabihin mo na agad, I just want you to make a move, to let her know na she's special ganun!" May diin pa sa mga huling sinabi nito.

"Ginagawa ko naman its just that I am not sure if nararamdaman niya" sabi ko sa kanya.

"Oh well bahala ka, pag yan nawala na naman bahala ka na talaga" sabi naman nito.

"Oo na, sige na magkwentuhan na lang tayo ulit next time, medyo sumama ang pakiramdam ko" pagpapaalam ko aa kanya.

"Naku, inuman mo na yan ng gamot okay? Sige na pahinga ka na. Bye young man!" Paalam din nito.

Matapos namin magusap ni Cams ay nagpahinga na din ako. Kinabukasan kahit masama ang pakiramdam ko ay pumasok pa rin ako sa resto. Tinulungan na lamang ako ni Chie sa ibang gawain para mabilis kaming matapos at makapagpahinga ako ulit. Pagkatapos ng lahat mga kailangan kong gawin ay nagpaalam na din ako na umuwi para makapagpahinga. Lumala na ang sakit ko kinabukasan, halos hindi na ako makabangon sa sakit ng ulo ko dahil sa sipon at masakit na din ang katawan ko, tinawagan ko na lamang si Chie na hindi na muna ako makakapasok at magpapahinga na lamang muna ako. Halos tulog lamang ako maghapon sa apartment, gumigising lamang para kumain ng kaunti at uminom ng tubig at matutulog muli. Lumipas ang maghapon ngunit hindi pa rin nawawala ang lagnat ko.


The Closer I Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon