"Ano ka ba, okay na okay na yan, claim it mako-close natin ang deal natin sa suppliers don't worry!" Habol niya.
"Naku matulog ka na nga, maya maya lang maliligo na din ako" sagot ko naman sa kanya.
"Oh! May video call si Baste" sambit niya ng makita niya ang cellphone niya.
"Hi Baste! Bakit ka tumawag?" Bungad na tanong nito.
"Wala naman I just wanna check if nakarating ba kayo ng ligtas" rinig kong sabi ni Baste.
"Yeah! Kanina pa kami dumating, anyway nasaan ka? Bat parang nasa labas ka ata? May kadate ka no?" Tanong naman ni Toni.
"Oo meron ito oh" sabi ni Baste.
"Hello Toni! Asan si Nics?" Boses ni Michael. Lumapit naman si Toni sa mesa ko para maipakita sa dalawang kaibigan namin.
"Hi guys! How are you? Miss nyo na kami agad?" Biro kong tanong sa kanila.
"Oo miss ko na agad si Chloe ko" sagot naman agad ni Michael.
"Naku Michael huh! 5 days lang mawawala si Chloe baka mamaya sundan mo yun sa New York!" Sabat naman ni Toni.
"Nasaan kayong dalawa?" Pagiiba ko ng usapan.
"Ahh andito kami sa Cheffy A" sagot naman ni Baste.
"Talaga? Alam nyo ba na kumain din kami sa Cheffy A kanina, sa branch nila dito sa Cheongdam" sagot naman ni Toni.
"Huh!? Ta-talaga? So-so how was it? May nangyari ba?" Nauutal na tanong ni Baste.
"Hoy, anyare sayo? Saka anong may nangyari? Bakit may dapat bang mangyari?" Ganting tanong ko naman sa kanya.
"Nics naman, you're answering me with a question na naman!" Sagot naman nito.
"Eh kumain lang kami dun, itong si Toni tinanong yung crew kung andun si Chef Arnold eh bumisita daw dun kahapon kaso hindi kami nagpangabot, sabi ko na lang2 baka sa manila ko na lang puntahan si Chef. Yun lang" kwento ko naman sa kanila habang si Toni ay nakikinig lang din sa aking tabi.
"Ahh okay" tanging sagot ni Baste.
"Oh siya matutulog na kami maaga pa meeting namin bukas" paalam ko sa kanila.
"Hey Baste, bantayan mo yang si Michael huh baka biglang lumipad yan" natatawang bilin ni Toni kay Baste.
"Hoy Toni ang hard mo sa akin!" Sagot naman ni Michael.
"O siya good night guys!" Paalam na din ni Toni.
"Good night!" Sabay pa na paalam ng dalawa.
"Ingat kayo diyan" habol ni Michael.
Nailigpit ko na ang mga dadalhin namin bukas sa meeting at naghanda na din ako para matulog.
Pag gising ko ay agad na akong naghanda, ng matapos ako ay ginising ko naman si Toni. Pagkatapos ni Toni ay kumain muna kami ng breakfast sa hotel.
Sumakay kami ng taxi at nagpahatid sa lugar kung saan namin i-memeet ang aming suppliers.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romansa"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez