Nico's POV
Pagdating ko pa lang sa resto ay agad naman akong sinalubong ni Chef Arnold. Isa isa namang pinakilala ni Chef ang mga staff niya sa akin.
"Nico, these are my staff as you can see karamihan sa kanila ay pinoy, ang korean staff ko dito ay 4 lang pero mababait din ang mga iyan" natatawang pagpapakilala ni Chef.
"Teka asan pala si" dugtong nito.
Hindi ko na narinig kung sino ang hinahanap ni Chef dahil nabaling ang attensyon ko sa cellphone ko ng makita ko ang name ni Daddy na nagflash sa cellphone.
"Sorry Chef, I have to take this" hingi ko ng paumanhin kay Chef. Sinagot ko ang tawag at lumayo ng kaunti sa kanila. Matapos kong makausap si Daddy ay lumapit akong muli sa kay Chef na kausap si Chie.
"Eh Chef, lumabas po kanina pero ang sabi niya saglit lang daw po siya" rinig kong sabi ni Chie kay Chef.
"Then where is he?" Tanong naman Chef sa kanya.
"Hindi ko po alam eh, o ayan na po pala siya eh" sabi naman ni Chie ng mapatingin siya sa pinto na nasa aking likod.
"Yes I'm here! Sorry Chef nalate ako" sabi ng boses na mula sa aking likod.
Nagulat ako ng makita ang mukha ng lalaking nagmamay ari ng boses.
"Rj" bulong ko sa aking sarili.
Makikita din ang pagkagulat sa mukha nito ng makita niya ako, parang tumigil ang oras. Pareho kaming natigilan ng makita ang isat isa, halos isang taon na ang lumipas simula ng huli naming pagkikita.
"Sabi ko na nga ba e, magugulat kayo pag nakita niyo ang isat isa" tuwang sabi ni Chef na nagpabalik sa akin sa realidad.
"Oh! Hindi nyo na ba makilala ang isat isa?" Natatawang sabi pa rin ni Chef.
Lumapit si Rj sa kinatatayuan ko at tinawag ang aking panggalan, inilahad pa niya ang kanyang kamay, hindi rin ako nag-atubili na tanggapin ang pakikipagkamay niya.
"Nico, its nice to see you again" sabi niya sa akin.
"Hi Rj," tanging nasabi ko.
Agad din naman kaming nagbitaw at humarap kay Chef. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, parang hindi ako makahinga sa sobrang kaba. Naiisip ko pa lamang na nasa tabi ko ang lalaking hindi ko inaasahan na makikitang muli.
"Rj, as what I have said earlier Nico will be helping us but not full-time coz she has her own business to take care of, I just asked her to help us just for a couple of days, and I know your team up will be great just like the old days!" Nakangiting sabi ni Chef.
"So Nico iiwan na kita kay Rj okay? Im sure madami kayong mapaguusapan" dugtong na sabi ni Chef.
Pag alis ni Chef ay nag alisan na din ang mga staff at bumalik na sa kani kanilang gawain, samantalang kami naman ni Rj ay parang hindi pa rin nakamove on sa mga pangyayari.
Makalipas ang ilang minutong katahimikan ay nagsalita na si Rj.
"I didn't expect na ikaw pala yung sinasabi ni Chef," mahinang sabi nito.
"Same here" maikling sagot ko.
"Ahm, tara ituturo ko sayo yung magiging area mo" parang kinakabahan na sabi nito.
Pumasok kami sa kitchen at itinuro niya sa akin ang baking area sa kabing gilid ng kitchen. Patuloy lamang siya sa pagtuturo sa mga bagay na magagamit ko sa baking. May ilang minuto na kaming magkasama pero hindi ko pa rin magawang tignan siya at sa tingin ko ay ganun din ito.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez