Chapter 20

122 6 2
                                    

"Nics! Chill! Saan ka ba talaga naiinis? Sa sinabi ni Rj na pagtapos ng internship eh tapos na din ang friendship niyo o sa idea na pagtapos ng internahip eh hindi na kayo magkikita at maguusap?" Seryosong tanong ni Toni sa akin.

Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Toni, bakit nga ba? Tanong ko rin sa sarili ko.

"See hindi mo ako masagot kasi hindi mo din alam ang sagot.Nics, sabi ko naman sayo dati diba? You just have to be honest, hindi man sa iba kundi sa sarili mo. Kasi pag naging honest ka sa sarili mo ikaw mismo makakaalam ng sagot!" Mahinanong sabi ni Toni.

"Toni, bakit ang hirap?" Naiiyak ko ng sabi sa kanya.

"Hindi yan mahirap, ikaw lang naman ang nagpapahirap eh" natatawang sabi naman nito.

"Noong una naiinis ako sa kanya kasi akala ko may girlfriend siya, nung nalaman ko naman na wala parang ang saya saya ko. Araw araw kaming magkasama sa resto at masaya ako sa tuwing nakikita at kasama ko siya, tapos nung narinig ko sa kanya ang mga sinabi niya kanina nasaktan ako kasi naisip ko hindi ko na siya makikita" makungkot na sabi ko sa kanya.

"Hay naku, simple lang sagot dyan Nics!" Sabi naman niya habang hawak niya ang mga kamay ko.

Tumingin ako kay Toni at unti unti ng namumuo ang mga luha sa mata ko.

"You're falling inlove with Rj!" Sagot niya.

"Pero Toni, isn't too early to say that? Inlove na agad agad?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit? May batas ba na bawal mainlove agad sa isang taong bago mo pa lang nakilala?"tanong niya naman sa akin.

"Haaayy naku! Hindi pa man nagsisimula ang lovestory ko may brokenhearted na agad na ganap" litanya ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Nics, hindi lahat ng lovestory eh parang fairytale, minsan parang thriller mystery ang peg kaya you have to be strong para harapin ang suspense ng story. Huwag kang matakot magmahal at masaktan" nakatinging sabi ni Toni sa akin.

"Pinagsasabi mo? Parang walang sense eh" natatawang sagot ko sa kanya.

"Hayaan mo na, intindihin mo na lang, minsan ka lang magemote eh" natatawang sagot naman ni Toni.

"So ano? Are you going to let him know about your feelings?" Dugtong na tanong naman nito.

"Of course not! Akin na lang yun, total after the internship hindi naman na kami magkikita eh and I know eventually mawawala din ang feelings ko for him" seryosong sabi ko sa kanya.

Masyado ng late kaya nagpaalam na din ako kay Toni para umuwi, pareho pa kaming may pasok bukas. Niyakap ko ng mahigpit at nagpasalamat kay Toni bago ako tuluyang umalis. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko matapos kong makausap si Toni.

RJ's POV

"Nico, pwede ba tayong magusap?" Tanong ko sa kanya ng lapitan ko siya sa loob ng kitchen.

"Rj if this is about yesterday, okay na yun." Nakangiting sagot niya sa akin.

"Pero gusto ko magexplain" sabi ko naman sa kanya.

"No need for that, kalimutan na lang natin isa pa ilang araw na lang matatapos na tayo dito kaya gusto ko na matapos natin ito ng maayos." Nakangiti pa rin niyang sabi.

Hindi na rin ako nagpumilit dahil lumabas na ng kitchen si Nico. Maghapon kaming walang kibuan ni Nico, hindi na rin kami nagsabay kumain ng lunch. Kinakausap na lamang niya ako pag may kailangan siyang tanungin tungkol sa trabaho ngunit maliban dun ay wala na.

Mabilis lumipas ang araw pero ganun pa rin ang sitwasyon namin. Huling araw na namin sa resto bilang intern, nagkaroon ng maliit na salo salo para sa huling araw namin. Sinubukan kong kausapin muli si Nico ngunit hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makalapit sa kanya. Bago matapos ang duty namin ay dumating si Chef Arnold kasama si Chef Paulo ang kanyang anak.

"Everyone, starting tomorrow eh makakasama niyo na si Chef Paulo dito sa resto" pahayag ni Chef.

"And to Rj and Nico, masaya kami na nakasama namin kayo dito kahit sa maikling panahon lamang, our door will always be open to welcome both of you, kaya huwag kayong mahihiyang bumalik" nakangiting pahayag nito.


The Closer I Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon