Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")

1K 25 18
                                    

DISCLAIMER: Ang istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Ano man kahintulad ng mga pangalan, lugar, at mga pangyayari na nabanggit dito ay maaaring nagkataon lamang at hindi sinasadya. (CTO: all images/videos used)


Dear Heart,

Why me? Bakit ako ang napili mong paglaruan? Bakit paulit-ulit mo akong sinasaktan? Ano bang kasalanan ko sa'yo? Why do you keep on trusting people na sasaktan lang naman ako? Why are you so weak? Why?

Wala naman akong ginawa kundi magtiwala sa mga taong akala ko ay mahal ako at tanggap ako. Pero bakit iniwan nila ako?

Please stop hurting me. Please..


*****

"Sorry, Crisostomo, you're no longer part of the team. You know the rules and I have to implement it. Wala na akong magagawa."

"Akala ko iba ka! Nasa loob pala kulo mo. Galing mo magtago!"

"You know how much I love you, Andie. Pero bakit mo ako niloko? I don't know if I can forgive you."

I just can't believe what they've done to me. I'm totally disappointed. Hindi ko pa rin matanggap ang mga nangyari. Ang lahat ng mga nangyari. 'Yun bang sa isang iglap lang... I lost everything. As in... everything...

I don't deserve it. Wala naman akong ginawang masama. Sadly, no one believed me. Hinusgahan agad nila ako dahil sa maling akala. In the end, they left me with no choice. They took away my dream, my passion, and I lost that 'one' person na akala ko siya lang ang mas higit na nakakakilala sa akin. Pero wala eh, naniwala din siya sa mga maling bintang nila. I loved him. But do I love him still? Siguro. But, love's not enough para patuloy na ipaglaban 'yun taong mahal mo. Siya ang unang sumuko. Siya ang unang nawalan ng tiwala. Wala na akong magawa kundi sumuko na din dahil sobrang sakit na. Besides, I'm still young. Hindi ko naman kailangan ng lovelife sa ngayon.

Pero bakit gano'n? Kung kailan sinusubukan ko nang magmove on sa mga nangyari, t'yaka naman nila gusto na bumalik ako? Kaso, ayoko na din. Tama na 'yun sakit na dinulot nila sa akin. Pagod na 'ko. Ayoko na.

From now on, I will focus more on what's really important. There's many opportunity for me in the future, I know. I still have to continue my life and move forward.

"Hi! You're Andrea, right? The 'famous' Andrea Crisostomo!"

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon