Chapter 4

355 16 0
                                    

"Hon, 'wag mo na ako hintayin mamayang gabi. Bar-hopping daw kami ng team after ng dinner treat ni coach."

"Gano'n? Sama na lang ako."

"Hindi p'wede. Puro kami girls. T'yaka bonding daw. 'Pag ando'n ka eh 'di sa'yo lang ako magfo-focus. Alam mo naman, may sarili tayong mundo 'pag ikaw kasama ko." Napapangiti pa ako habang sinasabi ko 'yun. Ewan ko ba. Almost two years na kami pero palagi pa din ako kinikilig 'pag kasama ko siya.

Sa totoo lang, isa din siya sa dahilan bakit dito ako sa Crossbill nag-aral, eh. Raven University at Crossbill lang naman pinagpipilian ko dahil sila talaga ang rival school pagdating sa sports. Nagsasalitan lang sila ng championship award every season. Pero since dito nag-aaral ang honey ko, ito na ang pinili ko. 'Ang kire ko lang! Hehe!'

"Andaya! Sige na nga. Pero, dito na lang tayo sa dorm mo buong hapon. Mamaya na kita papakawalan 'pag aalis na kayo." Naglalambing na yumakap pa sa akin si Justin.

Nakaupo kami sa kama ko habang nakaharap sa laptop. Nagche-check kami ng account niya sa facebook. 'Pag magkasama lang kasi kami t'yaka lang siya nag-o-open ng SNS accounts niya. Hindi siya mahilig. Instagram lang bet niya dahil gusto niya palagi nagpo-post ng picture namin dalawa.

"Hoy! Kayong dalawa. Baka langgamin 'tong dorm 'ha?! Baka kagatin pa ako sa legs. 'Di na ako flawless 'pag nakashorts. May game pa naman next week." Nagbibirong tukso sa amin ni Divina, dormmate ko.

"Inggit ka lang. Magboyfriend ka na kasi." Pang-aasar pa sa kanya ni Justin. Mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin. Natawa na lang ako.

"Oo nga. Sagutin mo na kasi 'yun nanliligaw sa'yo." Panggagatong ko pa.

"Tseh! Ayoko kay manong guard. Ewan ko sa inyo."

Lakas ng tawa namin. Trip kasi siya ng security guard namin, eh. Pikon siya 'pag tinutukso namin do'n.

"Puntahan mo na 'yun nanliligaw sa'yo para 'di ka na mainggit. Dali! Labas na para may privacy kami." Pabirong pagtataboy pa sa kanya ni Justin.

"Ayoko nga. Baka mamaya may gawin pa kayong milagro. Wala pa naman sila Rose." Nakangising sabi niya.

Namula naman ako sa sinabi niya. "Hoy! Abnoy ka!" Binato ko nga ng unan.

"Sus! Guilty! Kayo, 'ha?! Behave!"

"Loka-loka! Behave kami, ah." Sobrang nag-iinit na 'yun pisngi ko talaga.

"Oo nga, behave kami, ah." Sabat ni Justin sabay nakaw ng kiss sa akin. Binatukan ko nga.

"Naku! Kayo talagang dalawa. Pino-pollute n'yo ang innocent eyes ko." Nagkunwari pa siyang nagtataklob ng mata. Tawa naman ng tawa.

"Picture-an mo na lang kami, dali!" Utos sa kanya ni Justin at inabot ang cellphone niya.

"Okay, sir! May bayad 'to, 'ha?"

"Sure. Ilalakad kita kay manong guard."

"Ang salbahe mo talaga, Justin!" Akmang ibabato pa sa kanya ang cellphone niya. "Dali na, game. Pose na. 1.. 2..."

"Oh, hon, alam mo na, 'ha?" Baling sa akin ni Justin. Na-gets ko na agad. Mula sa pagkakangiti ay sabay kaming dalawa na nag-wacky face.

"...3" *click*

*****

Pinasabay na kami ni Tere sa kotse niya after ng dinner treat ni coach. Sina Rose at Divina lang ang sumama sa dormmates ko. Weekend kasi kaya 'yun iba uuwi daw sa mga bahay nila kaya 'di na sumama. Buti na lang gimikera din 'tong dalawa kundi mapipilitan akong hindi na din sumama. Baka kasi ma-OP ako. Hindi pa din naman kasi ako kinausap nila Hazel sa dinner namin, eh. Akala ko okay na kami. Pero 'yun ibang rookies naman kahit papaano close nila. Ako lang talaga ang hindi.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon