Chapter 53

218 10 0
                                    

"Hay salamat! Natapos din ang midterm. Mahigit one month na lang ang pagdurusa."

Kanina pa nagbubuhos ng sama ng loob si Shiela dahil kanina pa siya nai-stress sa prof namin. Parang nagpopowertrip daw kasi sa amin. Bakit daw gano'n 'yun exam? Kalimitan wala sa mga tinuro niya. Buti multiple choice 'yun part na out of this world questions kaya best in hula na lang kami. Confident naman kami na pasado kami sa exam. Asar lang talaga si Shiela sa prof namin.

"Oo nga, eh. Konting tiis na lang. Basta next sem, sama-sama uli tayong anim 'ha?" Sabi ni Carol. Kalalabas lang namin ng classroom. Tapos na ang klase namin para sa araw na ito.

"Sure." Mas okay nga. Kahit papaano sila 'yun masasabi kong barkada ko dito sa Partridge bukod sa teammates ko. Kaya ang saya kung hanggang paggraduate namin ay kami-kami pa din ang magkakasama. "Basta pang-umaga ulit 'ha?" Pumayag din naman sila.

Nagyaya si Jopay na magmall pero ayaw nila. Stressed daw si Shiela kaya gusto na niya umuwi. Umayaw na din si Makki at Carol. Next time na lang daw kaya no choice si Jopay kundi umuwi na din dahil magkakasabay sila palagi umuuwi.

"Aalis ako mamaya 'ha?" Paalam sa akin ni Toffee nang makarating kami ng apartment. Dumiretso siya sa kwarto niya kaya sinundan ko siya hanggang pinto.

"Aalis ka na naman?" Sumimangot ako. "Saan ka pupunta, babes? Kasama mo sina Lester? Sama ako." Palagi na lang ako iniiwan ni Toffee. Kakatampo na nga minsan pero mas pinipili kong intindihin na lang.

"Hindi p'wede. Magkikita kami ng barkada ko no'n high school." Sumimangot na lang ako. Dati naman sinasama niya ako kapag may lakad sila ng friends niya o kaya naman ay kapag nagyaya sina Lester. "Pupunta din naman dito si Justin mamaya 'di ba kaya hindi ka din p'wede."

"'Pag sinabihan ko naman siyang aalis tayo hindi naman 'yun pupunta." Hindi naman kasi mahigpit si Justin. Basta magpapaalam lang ako sa pupuntahan ko. Gano'n din siya sa akin kapag may lakad siya. May tiwala kami sa isa't isa.

Tumingin lang sa akin si Toffee na nakaupo sa kama niya habang nagtatanggal ng sapatos niya. "Sorry, Andie. Treat kasi 'yun ng kaibigan ko. Nakakahiya naman kung magsama ako, 'di ba? Buti sana kung KKB." Dahilan pa niya. Ayaw lang talaga niya akong isama.

Napilitan na lang akong ngumiti. "Okay lang, babes." Tumalikod na ako pero bigla niya akong tinawag kaya lumingon uli ako sa kanya.

"Pakisara naman ng pinto. Bibihis lang ako t'yaka tutulog muna 'ko. Mamayang 5:30 ako aalis. Pakigising naman ako before 5 kapag hindi ako nagising 'ha?"

Tumango na lang ako at isinara ko na ang pinto niya.

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero iba na naman ang pakitungo niya sa akin. Nasasaktan na talaga ako sa cold treatment niya. Clueless naman ako kung bakit. Ano bang ginawa kong masama sa kanya? Wala naman. Sa pagkakaalam ko talaga wala.

Madalas na lang nasa dorm ako kapag may pupuntahan siya after ng klase namin. Ayoko naman kasi magstay mag-isa sa apartment kahit hapon. Kapag nauwi naman kami, tinutulugan lang niya ako minsan. Hindi naman ako nakakatulog ng hapon. Buti na lang talaga nadala ko 'yun gitara ko sa apartment kaya kahit papaano ay hindi ako nababagot.

Dati, maghapon kaming nasa mall at uuwi lang kami kapag alam namin malapit nang dumating si Justin. Minsan naman ay magjamming lang kami sa apartment. Nagco-collab kami ng kanta at ivi-video namin para i-upload sa Facebook. Marunong din kasi siya kumanta. Ako ang tumutugtog ng gitara.

Kaso ngayon, nag-iba na naman. Hindi na nga niya uli kinakain ang mga niluluto ko. Hindi na din siya nagkukwento sa akin. Parang ako na lang ang gustong makabonding siya uli. Namimiss ko na 'yun bestfriend ko.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon