Chapter 30

334 10 0
                                    

Isang linggo uli kami nagtraining bago kami magpunta sa Cebu para sa National Schools Athletics Competition (NSAC). Bukas na ng gabi ang alis namin dahil sa Sabado na ang opening ceremony at start na din ng game afterwards.

MARGARETH: Zuc, pasalubong 'ha?! Otap lang.😘

GEMMA: Danggit!😁 Masarap daw danggit d'yan!😍

JEENA: Dried Mangoes na din, zuc. Sagadin na ang bilin. Hahahaha 😂😂😂

PAULA: Grabe sila! Ang daming pinapabili. May binigay kayong pera?😪 Ako, zuc. Bahala ka na. Kahit ano basta may lechon!☺️ Haha 😂

GEMMA: Asus! Siya din pala! Teka naman sa lechon, zuc. Baka bulok na pagdating dito.😅😂

AKO: Okay lang. Sanay na 'ko sa kakapalan ng mukha n'yo. Bilhan ko kayo ng keychain para may souvenir. Hehe! 'Wag na lechon, zuc. Baka 'di kami makapamili before flight, eh. Sa resort kami manggaling. 'Yun ibang bilin n'yo. Sige. Noted. Remind n'yo din ako 'pag ando'n na'ko.💋

Kanina pa ako kinukulit ng mga pinsan ko sa group chat namin. 'Di ko tuloy matapos-tapos ang pag-iimpake ko.

GEMMA: Zuc, hanapan mo 'ko ng jowa do'n, 'ha? Paki-note na din. 😝😂

JEENA: Ano bang hanap mo, Gemma? Boy or girl? 👀 Be specific. Baka magkamali si Andie.😏 Hahahaha ✌🏻️

MARGARETH: OMG! What the fuck, zuc!🙈😂

PAULA: Hahaha! Grabe si Jeena. Lalaki na hanap niya ngayon.

GEMMA: Bastos talaga 'yan, eh! Lalaki s'yempre. Ibaon na natin sa limot ang nakaraan, ok?! Pinapaalala pa, eh!🔪😪

JEENA: Peace, zuc! Luv u! Haha ✌🏻️😘

GEMMA: Tseh!😒

AKO: Ano ba ako, zuc? Bugaw? Haha! Busy ako do'n. 'Pag may nakita akong gwapo, para sa sarili ko na lang. Ano ka sinuswerte?😏 Haha! Joke lang 😉

JEENA: Bakit ka pa maghahanap, zuc? Nando'n naman si Justin. Yieehhh!😍😍😍

AKO: 'Di kami close, okay? Baliw! D'yan na nga kayo. Impake muna ako.

Nag-out na 'ko sa messenger. In-off ko na ang notification ko kaya 'di ko na alam kung anong pinag-uusapan nila pero panigurado ako tinutukso na nila ako ngayon do'n. Bahala sila.

Nakwento ko na sa kanila ang nangyari for the past few months simula nang magkita uli kami ni Justin sa Crossbill, 'yun pagbibigay niya ng gifts sa akin na dinadaan niya sa guard, at 'yun huling pag-uusap namin na akala ko magkakabalikan na kami pero inakala niyang boyfriend ko si Toffee kaya umiwas na nang tuluyan.

Sabi nga nila bakit daw 'di ko agad sinabi. Pero 'di naman sila nagtampo. Sabi ni Paula okay na din daw 'yun inisip ni Justin na may boyfriend na ako. Ganti ko na daw 'yun sa sakit na naranasan ko before dahil sa kanya. Boto naman na uli sila kay Justin pero gusto din nila maturuan ng leksyon. Ang mahalaga 'di naman daw ako nagpapanggap na may iba na. Sadyang shunga lang daw talaga si Justin dahil 'di marunong magtanong. Kahit kay Paula o Amboy man lang ay never daw nagtanong kung totoong may boyfriend na ba ako.

Tumunog ang phone ko. Si Toffee.

"Hi, babes!" Maligayang bati ko sa kanya.

-"Baby, miss na kita! Mas lalo pa kitang mami-miss. Ingat ka do'n 'ha? Sayang 'di ko man lang mapapanood game n'yo. Sana may magvideo."-

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon