Chapter 17

339 13 0
                                    

"Ang landi-landi mo kanina bespren!" Humalakhak ako pagkasabi ko no'n dahil ang tagal ko pinigilan ang pagtawa ko.

Nasa Picnic Grove kami. Kasalukuyan nagbabayad ng ticket ngayon si Lester para sa entrance fee namin. Sinamantala ko 'yun para tuksuhin si Toffee.

"Tumahimik ka nga d'yan. Ang lakas na naman ng tawa mo. Mahiya kang babae ka."

Pikon na naman si Toffee. Hindi niya ako tinatawag na baby, eh. Natatawang niyakap ko ang braso niya at sinundot-sundot ang tagiliran niya.

"'Wag mo kasing pigilan ang damdamin, babes. Ano ba talaga? Ako o si Lester?" Nakangiting nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya.

"Yuck! Nakakadiri ka!" Hinawakan pa niya ang pisngi ko at itinulak palayo sa mukha niya.

"Grabe siya! Nananampal! Baklita ka talaga!" Humalakhak na naman ako.

"Sampal ka d'yan! OA mo talaga. 'Wag mo kasi ako ganyanin. Kinikilabutan ako sa'yo." Pasimple pa niyang hinila ang buhok ko.

"Aray!" Natatawang hinampas ko siya sa braso niya. Tumawa na lang din siya.

"Ikaw, tawa ka ng tawa. Mamaya iiyak ka na naman."

"Bakit naman ako iiyak?!" Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"'Di ba dito kayo nagpunta ng ex mo? Ang sweet-sweet n'yo pa nga dito 'di ba sabi mo?" Siya naman ang nagtry mambwiset sa'kin.

"So? No effect. Wala na siyang halaga. I'm stronger now, babes." Ngumisi pa ako sa kanya. Pero ang totoo, pagkatuntong pa lang namin dito kanina, naalala ko na naman si Justin. Dito sa Tagaytay ang huling beses na masaya pa kaming dalawa habang magkasama. But I won't ruin this day para magdrama.

"Talaga lang 'ha? Sige nga pustahan tayo." Paghahamon pa sa akin ni Toffee.

"Sige ba! Ano'ng pusta?" Mayabang ko pang sabi.

"'Pag naalala mo siya ngayon araw na'to at umiyak ka na naman, matutulog ka mag-isa sa apartment mamaya. Uuwi ako sa bahay namin."

"Oh my God! Are you fucking serious?!" Napanganga na lang ako sa sinabi niya pero tinaasan lang niya ako ng kilay. Naghahamon talaga 'to. "Okay sige. 'Pag talo ka, aamin ka kay Lester na may gusto ka sa kanya." Natatawang hamon ko naman sa kanya.

"Hoy! Foul 'yan! Grabe ka! Walang ganyanan." Halos matarantang sabi naman ni Toffee.

"Hey! Let's go." Biglang sulpot ni Lester sa harap namin kaya tumigil na kami sa asaran namin ni Toffee.

Namasyal kaming tatlo sa Picnic Grove. Nagpicture-an din kaming tatlo. May dalang monopod kasi si Toffee. Lagi niya talaga 'yan dinadala lalo na kapag kaming dalawa lang ang namamasyal sa kung saan-saang lugar. Ginawan ko na kasi siya ng Instagram at Twitter account. Dati kasi Facebook lang ang meron siya. Kaya nawili na din siya magselfie kaming dalawa 'pag umaalis at ipo-post niya sa lahat ng SNS accounts niya. Wala kaming picture palagi dati na magkasama na kita ang background ng mga napupuntahan namin kaya bumili siya ng monopod. Sayang naman daw kasi ang view kung puro mukha lang namin ang kita at hindi buong view ng lugar. Solo picture lang palagi ang meron kami na may magandang view as background.

"Idol, picture naman tayo sa phone ko, okay lang?" Nahihiyang sabi ni Lester. Napapakamot pa siya ng ulo.

"Sure sure." Kinuha ko ang phone niya at ako ang naghawak para sa selfie namin dalawa. Ngumiti kaming dalawa parehas do'n at nagpicture ako ng dalawang shot. Wacky 'yun isa.

"Baby, ako magpicture sa inyo." Presinta naman ni Toffee. Kinuha niya sa akin ang phone ni Lester.

Inakbayan ako ni Lester sa picture. Nagpeace sign na lang ako at nagsmile.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon