Chapter 37

266 11 0
                                    

Maaga pa lang ay sinundo na 'ko ni Justin sa bahay para pumunta sa kanila. Sabi ko kasi ako na magluluto ng lunch. Katulong ko ang Mommy ni Justin sa pagluluto. Abala kami sa kusina habang si Justin naman ay mas piniling maglaro ng Play Station sa sala.

"Wait, Andie, 'ha? CR lang ako." Paalam sa akin ng Mommy ni Justin habang hinahalo ko 'yun niluluto ko.

"Okay po."

Maya-maya pa'y nagulat na lang ako nang biglang may yumakap sa akin mula sa likuran at hinalikan ako sa pisngi.

"Hon, ano ba 'yan?! Nanggugulat ka naman, eh." Nakangiting reklamo ko sa kanya habang hinahalo pa din ang niluluto ko.

"Si Mommy kasi ang tagal umalis. Kanina pa kita gustong yakapin, eh." Hinigpitan pa niya ang yakap niya sa akin at pinatong pa ang baba sa balikat ko. "Patikim nga n'yan kung masarap."

Kumuha ako ng kutsara at kumuha ng konting sabaw sa niluluto ko. Pagkatapos ay hinipan ko 'yun at sinubo kay Justin. "Anong lasa?" Nakangiti kong tanong habang nakatingin sa kanya.

"Hmm.. sarap!" Medyo exagged pa 'yun pagkakasabi niya. Nakapikit pa siya. 'Di ko tuloy alam kung totoo bang masarap o nambobola lang. Pagkamulat niya ay bigla naman nagnakaw ng halik sa labi ko. "Mas masarap 'yun."

"Loko ka!" Siniko ko siya kaya bumitaw siya ng yakap sa'kin. "Maniac!"

Tumawa siya. "Grabe! Maniac agad?! Hindi ba p'wedeng naglalambing lang?" Hinawak pa niya ang dalawang kamay niya sa bewang ko at nginisian ako.

Inirapan ko siya at ngumiti ako ng palihim. Inilagay ko na ang takip ng kaldero at hininaan ang apoy. Pagkatapos ay umikot ako para harapin si Justin. "Sobrang clingy mo na. 'Di ka naman ganyan ka-OA dati." Natatawa kong sabi. Pinanggigilan kong hawakan ang baba niya.

"Sweet lang. Ayaw mo?" Nakangiting sabi niya at pinulupot pa ang mga kamay sa likod ko.

"Hmm.." Tumaas pa ang kilay ko. "Gusto." Sabay ngiti. Binitawan ko na ang baba niya at humawak sa dibdib niya para lumayo siya ng bahagya. "Tumutubo na 'yun balbas mo." Hinawakan ko ang pisngi niya at sinipat ang mukha niya. "May bigote ka na din konti, oh. Magshave ka na, hon."

"Bakit? Dagdag pogi points kaya 'yan. Bad boy look nga, oh. 'Di ba gusto mo 'yun?" Ngumisi pa siya sa akin at bigla akong hinalikan ng mabilis sa labi.

"Mukha ka naman na talagang bad boy kahit walang ganyan. Kadiri kaya. Ang dumi tidnan." Ngumiwi pa 'ko. "Yuck!"

Tumaas ang kilay niya. "Kadiri talaga?" Mas lalo niya hinigpitan ang yakap sa akin. Pagkatapos ay pilit niyang dinidikit sa pisngi ko ang balbas niya kaya panay ang tulak at iwas ko sa kanya kaya napapatili na lang ako.

"Ano ba, Justin?! Stop it! Sasapakin kita!" Natatawa ako dahil nakikiliti ako sa ginagawa niya. Tinutulak ko siya pero sobrang kulit. Ayaw ako tantanan. Sinipa ko nga sa binti niya.

"Aray!" Napabitiw naman siya sa akin sabay hawak sa binti niya na sinipa ko. Tinawanan ko lang siya.

"Hoy Justin! Ano bang ginagawa mo dito? Naglalaro ka lang do'n kanina, ah. Nalingat lang ako saglit, nangungulit ka na naman kay Andie, 'ha?" Saway sa kanya ng Mommy niya. Lumapit pa ito sa kanya at piningot sa tenga palayo sa'kin. "Lumayas-layas ka nga dito. Nagluluto kami."

Natawa na lang ako dahil parang bata itrato ni Mommy si Justin.

"Ano ba 'yan, Ma?!" Tinanggal niya ang kamay ng Mommy niya na nasa tenga niya. "Ako nga ang nasaktan. Sinipa ako, oh." Natatawang sumbong pa niya.

"Weh?! Sumbungero!" Dinilaan ko pa siya. Alam ko naman kakampi ko si Mommy pagdating kay Justin, eh.

*****

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon