Chapter 54

203 6 0
                                    

"Magkaaway ba kayo? Parang no'n isang araw pa kayo 'di nagpapansinan?" Nagtatakang tanong ni Jopay nang magpaalam akong pupunta ng dorm pagkatapos ng klase namin. Do'n na lang ako magpapalipas ng oras hanggang dumating si Justin para maihatid na niya ako sa bahay.

"Kami ni Toffee? Hindi 'no?!" Pinilit kong tumawa at tinapik ko pa sa balikat si Toffee. "Magkaaway daw tayo?" Tinaasan ko ng kilay si Toffee at ngumiti ako sa kanya. Ayoko siyang ngitian pero napipilitan ako dahil ayokong ungkatin pa ng mga kaibigan namin kung anong pinag-awayan namin dalawa kaya mas mabuti pang magpanggap na lang na okay lang kami.

Nakatingin lang sa akin si Toffee na parang nagulat sa sinabi ko. Hindi niya siguro ine-expect na ide-deny ko 'yun. "O-Oo naman. Okay lang kami." Sabi niya sa mga kaibigan namin.

"Isabay n'yo na si Toffee pauwi 'ha? Hindi daw siya sasabay sa'min mamaya. May pinapagawa kasi sa kanya 'yun Mama niya kaya kailangan na niya umuwi."

Ang kapal naman ng mukha niya kung magpapahatid pa siya sa amin ni Justin mamaya.

Hindi ko na pinatagal ang pag-uusap namin. Nagpaalam na ako. Nagdahilan na lang ako na may meeting kami with coach kaya kailangan ko na umalis.

"Bakit hindi na natambay si Toffee dito?" Tanong ni Jhoe. Teammates ko naman ngayon ang nagtataka. Ilang linggo na din na hindi napunta dito si Toffee simula no'n clueless pa ako na may tampo pala siya sa akin.

"Busy lang 'yun." Dahilan ko na lang at nahiga na ako sa bed ko at nagtalukbong para hindi na nila ako kulitin. Pinilit ko na lang matulog. Tatawag naman 'yun si Justin kapag malapit na siya.

*****

"Hon, ang sabi sa homily kailangan ng tao magpatawad. Mukhang sign na 'yun para patawarin mo na si Toffee."

Kunot-noong nilingon ko si Justin habang kinakabit ko ang seatbelt. Kakatapos lang namin magsimba. Pangiti-ngiti pa si Justin na parang nang-aasar.

Gusto ko din naman makipagbati. Mabilis naman ako magpatawad lalo na sa mga taong mahahalaga sa akin. Mabilis lang talaga ako mabadtrip at hindi ko kaya kontrolin ang emosyon ko pero habang tumatagal gusto ko din maging maayos ang lahat. 'Yun nga lang hindi ko alam kung paano.

"Hon, ayoko. Kasalanan naman niya."

"Ilang beses na siya nagsorry sa'yo, hon. Patawarin mo na. Kawawa din naman si Toffee. Mukhang nagsisisi na naman siya sa mga nasabi niya. Sayang naman 'yun friendship n'yo. Kailangan n'yo lang mag-usap talaga." Pinaandar na niya ang sasakyan. Hapon na kami nagsimba kaya diretso na kami sa apartment. Hindi ko alam kung nando'n na si Toffee.

"Anong sasabihin ko?"

"Mag-usap kayo. Itanong mo kung ano talaga ang mga sama ng loob niya sa'yo at sabihin mo din 'yun mga tampo mo sa kanya." Payo pa ni Justin. Grabe! Sobrang bait naman ng lalaking 'to. Kung iba siguro boyfriend ko baka sinapak pa si Toffee.

"Hon, hindi ka man lang ba nagalit kay Toffee?" Nakatingin lang ako sa kanya habang nagmamaneho siya.

"Honestly, no. Inintindi ko na lang. Pero, na-hurt ako for you. Kasi hindi mo deserve 'yun binintang niya sa'yo." Tumingin siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "You're a decent girl, hon. Maybe, hindi naman meant ni Toffee 'yun. Baka nadala lang siya sa emotions niya."

Kinagat ko na lang ang labi ko at nag-isip. Siguro nga tama si Justin. Baka kailangan lang namin mag-usap ni Toffee at maglabasan ng sama ng loob. Nakakamiss din naman siya. Kinuha ko ang phone ko at nagtext ako sa kanya.

AKO: Pumunta ka ng maaga sa apartment. On the way na kami. We need to talk.

Nilingon ako ni Justin. "Nagtext ka kay Toffee?"

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon