Chapter 47

271 7 0
                                    

"May assignment ka na, girl?" Tanong sa akin ni Makki nang umupo siya sa tabi ko.

Classmates pa din kami kasama sina Shiela, Jopay at Carol. Nagkasundo kami na sabay-sabay mag-enroll at kumuha ng pang-umagang schedule. Well, ako talaga ang nagsuggest na morning schedule ang kunin namin kahit MWF lang para makapanood ako ng games ni Justin sa IUSA basketball league. Tulad ng game namin dati sa volleyball, Monday and Friday pa din ang schedule ng basketball na sa Crossbill Gymnasium din gaganapin starting next week. 'Yun nga lang ay kapag 3 PM ang game nila, do'n lang kami makakapanood dahil hanggang 1 PM ang klase namin 'pag MWF. 'Pag TTh naman ay hanggang 5:30 PM kami. Ayaw ni Justin na umabsent ako sa school para lang makapanood ng game niya.

Sumang-ayon naman sina Makki sa schedule na gusto ko dahil gusto din daw nila manood. Dati ay crush nila si Justin pero nang malaman na nagkabalikan na kami ay lumipat sila ng ibang crush na teammates din ni Justin. 'Di kasi nila bet ang varsity players namin dahil mayayabang daw at karamihan daw ay chaka. Nakakaloka talaga sila!

"S'yempre!" Tinaasan ko siya ng kilay at nagkatinginan kami ni Toffee bago kami tumawa parehas.

"Ayan na naman! May balak na naman kayong dalawa bago kayo magpakopya." Huminga siya ng malalim. "Okay sige na. Ako na ang bahala!" Pinipisil pa niya ang braso ko sa gigil niya. Naghigh five naman kaming dalawa ni Toffee.

"Ako na lang magpapakopya sa'yo bakla!" Tumawa si Shiela na nakaupo sa harapan namin.

"Please lang, Shiela! Ayokong bumagsak 'no! 'Wag mo ko idamay sa kababaan ng grades mo." Umirap pa siya dito habang binubuksan 'yun notebook ko na binigay ko sa kanya.

"Galing din kaya kay Andie 'tong sagot ko." Dumila pa siya kay Makki at bumaling na kanila Carol at Jopay na nasa tabi niya para makisali sa pinagkukwentuhan nila kanina.

"Gaga ka talaga! 'Di mo agad sinabi." Hinila pa niya ang ilang strand ng buhok ni Shiela pero tinawanan lang siya nito. "Napasubo pa tuloy ako." Bulong niya habang minamadali na ang pagkopya.

"Wala nang bawian 'ha?!" Kinurot ko pa siya sa braso niya. Tumawa lang uli si Toffee sa gilid ko.

"Oo na. Nanghaharass ka na naman." Sinundot pa niya ng dulo ng ballpen ang tagiliran ko. Nakakatawa siya habang minamadali 'yun pagkopya. Parang nakikipagkarerahan. Sabagay, malapit na kasi dumating 'yun Calculus prof namin. I admit, it's my least favorite subject. Nababagot kasi talaga ako sa way ng pagtuturo niya. Mabuti nga at hindi napapagod si Justin kakaturo sa amin ni Toffee. Mas naiintindihan ko pa kapag siya ang nagtuturo kesa sa prof namin na walang ibang ginawa kundi manindak ng estudyante pero nakakabagot naman magturo.

"Sana tawagin ka mamaya ni Sir para ipasagot 'yan sa blackboard." Pang-aasar pa ni Toffee sa kanya.

"Gahd! I hate math! 'Wag ka magsalita ng ganyan!" Tumirik pa ang mga mata ni Makki. Ang sarap sundutin ng ballpen na hawak ko kung hindi lang talaga siya mabubulag sa balak kong gawin. "Ang yabang ng dalawang 'to! If I know si Justin naman ang gumawa nito." Umiismid pa siya habang tuloy pa din sa pagkopya.

"Hoy excuse me! Ako nagsagot n'yan. Tinuruan lang niya kami ni Toffee ng technique 'no!" Mataray kong sabi.

"Okay. Fine. Thanks, girl, 'ha?!" Sarcastic pa niyang sabi. Malandi siyang tumili nang sabunutan ko siya bigla. Pinakawalan ko lang ang buhok niya nang magsipasukan ang mga kaklase namin hudyat na parating na ang prof namin.

Hindi ko alam kung anong mahika ang ginawa ni Makki pero nagawa kaming payagan ng prof namin sa last subject ng araw na 'yun na um-absent para makapanood kami ng opening ng basketball league sa Crossbill University. Alas-onse ang tapos ng pangalawa sa huling klase namin kaya nagmadali agad kami pumunta ng canteen para kumain ng lunch after namin magCR para palitan ng t-shirt at pants ang suot namin kanina na school uniform.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon