Chapter 14

329 17 0
                                    

Nagising ako nang madinig ko ang mga katok mula sa pinto ko. Sinilip ko ang oras sa cellphone ko. Ala-una na pala ng hapon. Nakatulog na naman pala ako sa paghihintay kay Justin. Pupungas-pungas pa ako nang lumapit sa pinto at pinagbuksan 'yun. Nakita ko si Ate Maan. Umiiyak.

"Ano pong nangyari?" Kunot-noong tanong ko.

"Andie, pasensya ka na. Nagising kita. Uuwi ako ngayon sa Laguna. 'Yun anak ko kasi dinala sa hospital."

"What?! Ano pong nangyari kay Balong?" Nag-aalala kong tanong.

"Sabi ng asawa ko, dengue daw eh." Humagulhol na naman siya. "Kakatawag ko lang sa Mommy mo. Pumayag naman na umuwi ako pero inaalala kita wala ka kasama dito. Matatakutin ka pa naman."

"No. It's okay, Ate Maan. Makikitulog na lang po ako sa pinsan ko."

"Naku! Salamat naman kung gano'n. Mag-aayos na ako ng gamit 'ha tapos aalis na ako baka kasi gabihin na ako sa daan. May pagkain do'n sa lamesa. Kumain ka na baka malipasan ka na naman ng gutom. Salamat, Andie."

"Sige po. Mag-iingat kayo. May pera po ba kayo?"

"Meron pa naman. Kakasahod ko lang no'n isang araw."

"Okay. Wait lang po." Pumasok uli ako sa kwarto at kinuha ang wallet sa shoulder bag ko. Kumuha ako ng pera do'n at lumapit uli kay Ate Maan para ibigay 'yun. "May sobra pa naman sa allowance ko. Idagdag n'yo na po. Sana gumaling na si Balong." Limang taon lang ang anak ni Ate Maan. Sobrang cute na bata. Dinala niya last Christmas ang anak niya dito sa bahay at dito sila nagcelebrate ng pasko at new year. Super bibo na bata. Nakakalungkot na malaman nagkasakit siya. Sana gumaling na siya.

Maya-maya pa'y umalis na din si Ate Maan. Tumawag din si Mommy at sinabi na patulugin ko dito sina Paula para may makasama ako pero sinabi ko na lang na makikitulog na lang ako sa kanila. Sinabi ko lang 'yun para 'di na sila mag-alala sa'kin. Pero ang totoo natatakot ako ngayon mag-isa sa bahay. Galit sa akin si Paula kaya paano ako makikitulog sa kanila? Malamang sobrang late na din uuwi ang mga pinsan ko dahil nagpunta nga sila sa EK. Panigurado hindi pa din agad uuwi ang mga 'yun dahil weekend ngayon. Baka kung saan-saan na naman sila magkayayaan. Si Kuya malamang kasama niya si Lana. Ayoko naman mang-istorbo sa kanila.

Pinalipas ko na lang ang oras ko sa panonood ng TV sa kwarto ko habang naghihintay din ako na magparamdam si Justin. Pero buong araw ako naghintay na tumawag or magtext man lang siya sa akin pero wala talaga. Gabi na. Hindi talaga siya nagparamdam sa akin. Sumisilip din ako sa FB messenger kung online siya pero hindi din siya nag-o-online simula pa no'n isang araw. Sobrang sama talaga ng loob ko.

Nakapagdesisyon na ako. Ayoko na talaga. Kung ayaw na talaga niya sa akin. Bahala na siya sa buhay niya. It's so hard to fight for someone who doesn't even want to stay with me anymore. Wala na siyang pakialam sa akin so bakit pa ako maghahabol? Tama na 'yun ginawa kong pagpapakababa sa sarili ko. Tinanggap ko lahat ng mga pagpapahiyang ginawa niya sa akin at lahat ng masasakit na salitang binitawan niya laban sa akin. I did everything just to win him back pero ayaw niya. Mas gusto niya si Hazel? Fine! Magsama sila! 'Yun sakit na nararamdaman ko dahil sa pagkawala niya, unti-unti nang napapalitan ng galit. Ayoko na talaga. Wala naman ako kasalanan para ganituhin niya ako.

Naligo ako at nagbihis. Sinuot ko 'yun black leather trousers at 'yun white sleeveless crop top na gift sa'kin last birthday ko na ayaw ipasuot sa akin ni Justin. Tutal wala naman na kami kaya p'wede ko na siya isuot. Pinatungan ko na lang ng color cream na cardigan para 'di masyado revealing dahil gabi na. Ginawa kong messy bun ang ayos ng buhok ko at naglagay ako ng light makeup. Nang matapos ay kinuha ko ang black pumps ko at sinuot 'yun. Kinuha ko na din ang bag ko at umalis na.

Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa isang club sa The Fort. Napuntahan na namin dati ng mga pinsan ko 'yun. Tutal, wala naman ako kasama sa bahay, mas gugustuhin ko pang magpalipas ng oras hanggang umaga sa bar at magpakalango sa maingay na music, magsayaw, at uminom kasama ng mga taong hindi ko kilala. Wala akong pakialam kahit mag-isa ako. Hindi ako mahilig uminom pero this time gagawin kong bestfriend ang alak. Baka mabaliw na ako kung sosolohin ko 'tong sama ng loob ko dahil kay Justin.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon