Chapter 57

204 7 0
                                    

"Zuc, dito ka matutulog o susunduin ka ni Amboy?" Tanong ko kay Paula nang magpaiwan siya nang magpaalam nang umuwi ang iba ko pang mga pinsang babae.

Kaninang hapon pa ako nakalabas ng hospital. Si Kuya ang sumagot ng hospital bills ko. Sabi ko babayaran ko siya pagdating nina Daddy. Pero sabi niya 'wag na daw. Wala naman akong balak ilihim kanila Mommy at Daddy ang nangyari sa akin. Ayoko lang sila mag-alala talaga kaya ayaw ko muna ipasabi. Tutal, okay naman na ako.

"A-absent ako bukas sa work. Dito ako matutulog. Samahan muna kita. Baka mag-attempt ka na naman ng suicide, eh."

Napatingin ako kay Paula na kasalukuyang kumukuha ng damit ko sa built-in cabinet.

"Excuse me! Hindi ako nagsuicide. Umayos ka nga, zuc." Inirapan ko siya. Ayaw nila ako tantanan sa kakaasar sa'kin na suicide ang ginawa ko kaya ako nadala sa hospital. Nakakapikon.

Ngumisi siya sa akin. "Joke lang!" Bumaling uli siya sa kakahalikwat ng damit ko sa cabinet. Maya-maya pa'y may kinuha na siya mula doon na sleeveless blouse, shorts at jacket. "Pahiram 'ha?" Pagkatapos ay nagbihis na siya.

Tumango na lang ako at humiga sa kama ko. "Zuc, samahan mo naman ako sa school bukas."

"Huh?!" Tinidnan niya ako nang masama habang sinusuot ang blouse. "Hindi ka pa p'wede pumasok." Pagkatapos ay kinuha ang lotion ko na nakapatong malapit sa salamin. "'Wag matigas ulo, zuc. Kakalabas mo lang sa hospital, 'no?! Sa isang araw ka na pumasok." Umupo siya sa kama ko at naglagay ng lotion sa mga kamay at binti niya.

"Kukunin ko lang 'yun gamit ko sa apartment. Ayoko na tumira do'n. Sasamantalahin ko na wala si Toffee. Umaga kasi klase namin bukas, eh. Papakiusapan ko na lang si Lester na sunduin ako sa aparment para matulungan ako dalhin ang mga gamit ko sa school. Sa dorm na'ko magstay. Hindi ko na kaya makasama si Toffee."

Tumingin sa akin si Paula na parang naaawa. Tumayo siya para ibalik ang lotion sa pinagkuhanan niya kanina. Pagkatapos isuot ang jacket ay umakyat siya sa kama ko para tabihan ako sa paghiga.

"Zuc, you know what? I'm still hoping na magiging maayos din ang lahat. Friendship n'yo ni Toffee at 'yun relasyon n'yo ni Justin." Niyakap niya ang isa niyang kamay sa akin.

"'Di ko na ata kaya, zuc. Kung ako lang ayoko na." Pumikit ako saglit. 'Di ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. "Grabe, zuc! 'Di ko akalain magagawa 'yun ni Toffee. Gusto kong intindihin na lang kaso ang hirap intindihin dahil dalawa agad ang nawala sa akin. Nawalan na'ko ng bestfriend, nawalan pa'ko ng boyfriend. Ang saya 'di ba?" Tumawa ako nang mapakla habang napapailing.

Hinawakan ni Paula ang kamay ko. "Kinausap ko si Toffee kahapon after mo siya paalisin. Hindi naman siya umalis no'n. Nasa labas lang siya. Sobrang nagsisisi siya sa nagawa niya. Nakakagalit 'yun ginawa niya pero kahit papaano naiintindihan ko siya. Maybe, nadevelop nga siya sa'yo. Almost 24/7 ba naman kayong magkasama. He's bi. So he's capable of being attracted to both men and women."

"Alam niya kung gaano ko kamahal si Justin. Sana pinigilan na lang niya 'yun feelings niya." Sabi ko.

"Zuc, we can't control our feelings. Ikaw nga 'di ba? Hindi mo din napigilan kaya bumalik ka kay Justin."

Natahimik lang ako sa sinabi niya. Totoo naman kasi. Hindi ko nga nacontrol. Ang hirap kalabanin kapag puso na ang nagdikta.

"Gano'n din kay Toffee. Kinain siya ng selos niya. Nasanay kasi siya na nasa kanya lang dati ang attention mo. At first, nakakaya naman daw niya na nand'yan na uli si Justin sa buhay mo. Pero, no'n tumagal kaya medyo umiiwas na daw siya sa'yo kasi sobrang hurt na siya. Hindi na niya kinaya na nakikita kayong dalawa ni Justin. Naranasan mo naman na siguro magselos, zuc, 'di ba? Masakit talaga. Ang mali lang ni Toffee, pinilit niya 'yun bagay na gusto niya gawin. 'Yun nga. To kiss you. Nasaktuhan pang makita ni Justin. Kaya mas lalong lumaki ang problema."

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon