Chapter 43

237 12 0
                                    

Gumising ako kinabukasan na parang walang nangyari. I don't want to ruin this day nang dahil lang kay Justin. Naiyak ko na lahat ng sama ng loob ko kagabi. Nahiya nga ako sa mga pinsan ko dahil imbes na mag-enjoy kami sa pagsalubong ng birthday ni Paula ay mas inalala pa nila ako. Hindi na nga sana ako sasama sa kanila kagabi sa isa sa mga bar sa may Station 2. Kaso magagalit sa'kin si Paula. Knuwento ko naman kung bakit ako umiiyak kaya naintindihan naman nila ako. Ang ending tuloy, maaga kami umuwi. Nagpromise naman ako na babawi ako today. Mamaya namin ice-celebrate ulit 'yun birthday niya. Sabi ko nga sagot ko na lang ang gastos mamayang gabi kasi sinira ko 'yun celebration kagabi.

Nang magswimming kami kaninang umaga, nagbikini ulit ako tulad ng mga pinsan ko. Masama kasi talaga ang loob ko kay Justin kaya nagrebelde na naman ako. Sinita ako ni Paula na 'wag ko na daw galitin si Justin pero bilang matigas ang ulo ko 'pag badtrip kay Justin, hindi ko siya sinunod. For sure, uusok na naman ilong no'n mamaya 'pag nag-upload na uli ng pictures ang mga pinsan ko. 'Yun talaga ang gusto ko mangyari. Ang ma-frustrate siya.

"Hi miss!"

Natigilan ako sa pagpupunas ng pawis ko. Napalingon ako sa lalaking nasa likod ko. Niyaya ko kasi si Toffee na magjogging sa tabing dagat habang nagswi-swimming si Amboy at ang mga pinsan ko kanina. Nagpahinga lang ako saglit para hintayin na din si Toffee na naiwan ko na dahil ang bagal niya.

"Ahm, p'wede makipagkilala? You're Andrea, right?" Naglahad siya ng kamay sa akin. "Ivan nga pala."

Kumunot ang noo ko nang tinidnan ko 'yun kamay niya bago tumingin sa kanya. Bakit niya ako kilala? Tinanggal ko 'yun suot ko na aviator at pinatong sa ulo ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa buhangin. Pinagpagan ko saglit 'yun shorts ko at inayos 'yun loose shirt na suot ko para hindi masyadong makita 'yun swimsuit ko sa loob. T'yaka ako humarap sa kanya.

"Oops sorry!" Tinanggal na niya 'yun kamay niya. Napakamot siya ng ulo habang medyo awkward na ngumiti. "Kanina pa kasi kita pinagmamasdan d'yan. You look familiar kasi then I remember.. you're the MVP last IUSA volleyball league 'di ba? Andrea Crisostomo of Partridge?"

Tipid akong ngumiti. Ayoko naman maging rude. Kaya naman pala niya ako kilala. "Hi! Yup. I'm Andrea!"

"Hi!" Naglahad uli siya ng kamay at tinanggap ko naman 'yun. Ang lamig ng kamay niya. "S-Sorry. Medyo kinakabahan lang ako." Nahihiya niyang sabi.

Hindi ko naman mapigilan hindi matawa sa kanya. "Why?" Nagtataka kong tanong. Ano bang nakakakaba sa'kin?

"Hindi lang ako makapaniwala. Palagi ko kasing pinapanood games mo sa TV. Actually, idol ka ng lil sis ko kaya nahawa ako panonood. Kasama ko lang siya kanina kaso nawala. Baka naggala na kung saan. Panigurado mainggit 'yun sa'kin 'pag nalaman niyang nakita kita dito."

"Really?" Natuwa naman ako. Hanggang dito may nakakakilala pa din pala sa'kin. "Sana magkita kami ng sis mo one of these days. Hanggang Thursday pa naman kami. Pakalat-kalat lang naman kami d'yan." Tumawa na lang ako para gumaan ang usapan. Mukha kasi siyang tensed.

"Talaga? Sige. Sana nga. Ahm, okay lang magpapicture with you? Papakita ko lang sa sis ko?" Alinlangan tanong pa niya habang may pinipindot na sa screen ng phone niya. Niready siguro ang camera niya.

"Sure." Nagsmile naman ako sa camera niya nang tumabi siya sa akin para magselfie. Gwapo siya. Medyo payat nga lang. Mukha siyang Koreano. Not really my type pero papasa 'to kay Toffee.

"Thank you." Sabi niya habang titig na titig pa din sa mukha ko. Nailang naman ako. "Sobrang ganda mo pala talaga in person."

Ako naman ngayon ang na-awkward. "Ah, t-thank you." Pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon