Chapter 6

360 21 0
                                    

WARNING: Medyo SPG


"Bakit umuwi ka kagabi? Akala ko mag sleepover kayo kanila Tere?" Bahagyang sumulyap sa'kin si Justin at tinuon uli ang tingin sa kalsada habang nagmamaneho.

Pagkagising ko pa lamang kanina ay nagtext na ako agad sa kanya na sunduin na lang ako sa bahay. Ewan ko pero after nang nangyari kagabi, feeling ko'y nagtaksil ako sa kanya kahit wala naman ako ginawang masama. Madalas kasi ay hindi ako pumapalya nang pagkkwento kay Justin kung ano ang mga nangyari sa akin sa buong maghapon lalo kung wala kaming oras na magkita sa araw na 'yun. Ngunit, ang mga pangyayari kagabi ay parang wala akong lakas ng loob na aminin 'yun sa kanya. Kaya ngayon, I'm gonna spend this day with him. Kung sana'y mas pinili kong sa kanya na lamang sumama kagabi hindi sana nangyari 'yun at hindi sana ako nagi-guilty ng ganito.

"Wala lang. Gusto ko lang umuwi kagabi. Maaga naman kami natapos. Mga lasing na din kasi sila, eh. T'yaka naalala ko may kailangan pa akong tapusin." Sinisikap ko na 'wag magmukhang sinungaling sa palusot ko.

"Nagtaxi ka lang?"

"Yup."

Kunot-noong nilingon naman niya ako sa sagot ko. "Why? Sana nagpasundo ka na lang sa'kin. Alam mo naman delikado na panahon ngayon."

Sumulyap ako saglit sa kanya. "May kasama naman ako pag-uwi." Pagsisinungaling ko para 'di na siya mag-alala. "'Di bale next time."

Tumango lamang siya. Niliko niya ang sasakyan sa isang gasoline station. Kailangan namin magpa-gas muna dahil medyo malayo-layo ang destinasyon namin ngayon. Niyaya ko siya pumunta ng Tagaytay. Roadtrip lang. Bahala na. Ang tagal ko siya nabalewala dahil sa pagsama ko sa mga lakad ng team. Kaya babawi ako kay Justin.

"Gusto mo magCR muna?" tanong niya pagkatapos makargahan ng gas ang sasakyan niya.

"Nope. I'm hungry." Hindi ako nagbreakfast. Pero 'di ko na 'yun sinabi kasi magagalit siya.

"Okay. Drive-thru na lang muna tayo."

Kinuha ko ang iPad na nakaconnect sa speaker niya para magplay ng music. Panay lang ang kwentuhan namin buong byahe habang nakain ng burger at fries at minsa'y nakikisabay sa pagkanta sa nasa playlist niya na ako mismo ang nagdownload.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko mula sa aking bag. Kinuha ko 'yun at nakitang may dalawang text. Ang isa ay mula kay Mommy na kanina pa pala nagtext at ang bagong mensahe ay nanggaling naman kay Tere.

MOMMY: Andie, your Dad called. May biglaan siyang business trip sa Subic at sinasama niya ako. Baka mag-stay na din kami do'n 'til next week para makapagbakasyon. Uuwi ka ba tonight? Wala ka makakasama sa bahay umalis din ang kuya mo. 'Di ko alam kung uuwi ba 'yun or sa condo niya mag-stay. Nagdayoff din si Ate Maan mo baka bukas ng gabi pa ang uwi. Kung gusto mo'y do'n ka muna sa mga pinsan mo or sa dorm kaya? Mag-iingat kayo d'yan ni Justin. Love you, anak.

Si Ate Maan ay ang kasambahay namin. Minsan lang sa isang buwan siya kung umuwi sa kanilang probinsya sa Pagsanjan, Laguna kaya pinapayagan naman siya nina Mommy. Alam niyang matatakutin ako kapag mag-isa sa bahay kaya siya nag-aalala. Napaisip tuloy ako saglit bago nagreply kay Mommy.

AKO: I'm not sure, Mommy. Bahala na po. Ingat din po kayo ni Dad. Love you, too.

Ayoko talaga na may notif sa cellphone ko kaya pinili ko na din basahin ang text ni Tere kahit alam ko naman na kung anong sasabihin niya.

TERE: Sorry for what happened last night. Lasing lang ako. I'm so sorry. Nadala lang ako ng emotion ko. Pero totoo 'yun. Mahal talaga kita.

Napakunot-noo lamang ako nang mabasa ko ang mensahe niya. Grabe! Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. I deleted her message. Mahirap na baka mabasa pa ni Justin.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon