Chapter 56

198 8 3
                                    

Ilang araw na akong nagkukulong sa kwarto. Hindi ako bumababa. Dinadalhan lang ako ng pagkain ni Ate Maan pero halos isa o dalawang kutsara lang palagi ang nakakain ko. Wala talaga akong gana. Sobrang sakit palagi ng ulo ko kaya umiinom na lang ako palagi ng gamot. 'Di ko na mabilang kung nakakailang paracetamol ako sa loob ng isang araw. Pero nawawala kasi talaga ang sakit ng ulo ko kapag umiinom ako kaya gano'n na lang palagi ang ginagawa ko.

Ilang araw na din akong absent sa school. Nagte-text sa akin si Toffee at Lester at ang iba kong classmates pero hindi ako sumasagot. Hindi na din ako nakaka-attend ng training pero nagtext ako kay coach na hindi ako makapasok dahil ilang araw na masama ang pakiramdam ko.

Para na akong mababaliw. Ilang araw na ako tulala kakaisip. Ano bang nangyari? Ang bilis-bilis ng mga pangyayari. Parang kailan lang no'n nagkabalikan kami ni Justin. Ang saya-saya pa namin. Sobrang sweet pa namin sa isa't isa. Ngayon, iniwan na naman niya ako. Mas masakit pa ngayon ang ginawa niyang pag-iwan sa akin. Dati kaya ko pang labanan 'yun bigat na nararamdaman ko no'n iniwan niya ako. Pero ngayon, hindi na. Para akong nauupos na kandila. Literal na nanghihina na pati ang katawan ko.

Si Toffee. Bukod sa mga pinsan ko, siya ang karamay ko noon. Siya ang tumulong sa'kin kaya mas naging madali sa akin ang pagmove on. Kaso, paano ngayon? Siya ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Justin. Sinayang niya pati friendship namin. Mahal ko siya. Mahalaga siya sa akin. Pero sa ngayon, hindi ko kayang makipag-usap sa kanya. Araw-araw siyang nagte-text at tumatawag sa akin pero hindi ko sinasagot. Hindi ko kaya. Baka kung anong masasakit na salita lang ang masabi ko sa kanya.

Si Justin naman, gabi-gabi siya pumupunta dito sa bahay. Pero hindi ako nagpapakita sa kanya. Sinasabihan ko lang palagi si Ate Maan na pauwiin na siya.

PAULA: Zuc, anong nangyari sa'yo? Nagtext sa akin si Toffee. Ilang araw ka na daw hindi pumapasok? May problema ka ba? Gusto mo puntahan ka namin d'yan mamaya after ng work ko?

Nagreply ako agad kay Paula. Ayokong madamay ang mga pinsan ko sa problema ko ngayon. Mas gusto kong solohin na lang 'to. Ayokong magalit na naman sila kay Justin pati kay Toffee.

AKO: Masama lang pakiramdam ko, zuc. But, I'm okay. Don't worry. Magpapahinga lang ako. Wala lang 'to. Thank you.

Humiga uli ako matapos kong magreply sa kanya. Feeling ko nanghihina na naman ang katawan ko. Masakit na naman ang ulo ko. Bumangon uli ako at kumuha ng paracetamol sa side table ko at ang tubig na dinala kanina sa akin ni Ate Maan. Maya-maya pa'y nakatulog na din uli ako.

*****

"Andrea." Mahihinang tapik sa pisngi ko ang nagpagising sa akin. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Kuya.

"Kuya." Bumangon ako at yumakap sa kanya. Umiyak ako. Hindi ko alam kung bakit bigla akong umiyak nang makita ko siya. Pinunasan ko din agad ang mga luha ko bago pa niya ako pagtawanan.

Almost two weeks na din ata kami hindi nagkikita. Ang huling beses ay no'n nagpunta ako sa condo nila para bisitahin si Lana at ang baby nila.

"Ano'ng nangyayari sa'yo? Nakita mo na ba itsura mo sa salamin? Sobrang payat mo na, Andie. Hindi ka daw kumakain sabi ni Ate Maan."

"Kumakain ako." Depensa ko. Kumakain naman kasi talaga ako minsan pero konti nga lang.

"Kaya pala hindi mo pa nagagalaw 'yun pagkain mo."

Tumingin ako sa pagkain na nakapatong sa table malapit sa pinto. Napakagat na lang ako sa labi ko. Kaninang tanghali pa 'yan. Sinilip ko ang oras sa relo ko. 6 PM na pala. "Nakatulog kasi ako. Masakit ulo ko kanina kaya uminom ako ng gamot tapos nakatulog ako." Pagdadahilan ko.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon