Chapter 21

348 13 0
                                    

"Grabe, babes! Naawa ako kay Margareth."

Nasa terrace kami ng kwarto ko at nakaupo kami sa sahig. Dito na kasi pinatulog nina Daddy si Toffee dahil sobrang gabi na daw. Delikado pa siya magbyahe. Dito din kasi natulog ang mga pinsan kong babae. Actually, tulog na sila ngayon sa kwarto ko.

Sina Gemma, Jeena at Margareth ay nagsiksikan sa kama ko samantalang si Paula ay nasa lapag. Naglatag ako do'n ng dalawang portable foam mattress na binili dati ni Daddy dahil madalas magsleepover ang mga pinsan ko sa bahay noon. Do'n din kami matutulog ni Toffee sa tabi niya mamaya.

"Seryoso ba kasi siya? Akala ko pinagti-trip-an na lang ako kaya pinagtrip-an ko din." Napapailing pa si Toffee habang tumatawa. Hinampas ko nga sa braso.

"Oo. Ano ka ba? Kaya nga ang sarap asarin, eh. Minsan lang kaya magkagusto 'yun sa lalaki. Tapos hindi pa tunay na lalaki ang nagustuhan." Humalakhak ako. Tinulak naman ako ni Toffee. "Aray!"

"Buti na lang tumigil sa pag-iyak. Grabe! Natakot ako sa kanya. Akala ko kasi tanggap na niyang bakla ako. Vaks nga tawag sa'kin kanina habang nagdedecorate kami dito."

"Buti na lang nadaan sa paglalambing mo. P'wede na uli kayo magtandem sa pang-ookray bukas 'pag nagbar hopping tayo." Tumawa ako at humilig sa balikat niya. "Eh si Lester kamusta naman? Nai-push mo talaga ang pagpunta niya 'ha? Hindi ka pa din ba niya naaamoy, babes?" Humalakhak uli ako.

"S'yempre hindi. Kung mahalata niya okay lang naman. 'Pag nagtanong siya eh 'di sasagot ako ng totoo. Wala naman akong balak sa kanya. Dalagang Pilipina kaya ako."

Tinidnan ko siya pero nginisian lang ako at tinaasan pa ng kilay. "Wow! Ang taray!" Humilig uli ako sa balikat niya. "Pero, kahit girlfriend ba wala kang balak in the near future?"

"Hmm.. ewan ko. Sa ngayon kuntento na 'ko sa'yo."

"Nakz!" Napangiti naman ako do'n. "Kahit ako naman kuntento na din sa'yo. Hindi pa ba obvious?" Tumawa ako. "Ayaw mo ba talaga tayo na lang kasi?" Hinawakan ko ang pisngi niya para tumingin sa akin. Pinigilan kong matawa. Ang sarap lang talaga nito asarin, eh. Eto pinakaayaw niya na ginagawa ko sa kanya.

"Ayan ka na naman 'ha! Kadiri ka talaga." Tinanggal niya ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya. Tinawanan ko na lang uli siya. Buti na lang talaga kahit paulit-ulit ko siya pinagti-trip-an, never siya nagalit sa akin. Ayy meron na pala! No'n first time ko siya biniro ng ganyan, isang oras niya ako 'di kinausap. Isang oras lang naman kasi 'di din niya ako natiis.

"Bakit kasi ayaw mo sa 'kin?" Humalakhak uli ako.

"Gusto mo ba talaga?" Seryosong sabi niya.

Napatigil ako sa pagtawa 'ko at napalingon sa kanya. Nakatitig siya sa akin. Seryoso siya this time. Kinabahan ako bigla. Nagbibiro lang naman ako. 'Di ko naman in-expect na this time seseryosohin niya. Nanlaki bigla ang mata ko nang hinawakan niya ang baba ko at bahagyang itinaas ito. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Hindi ako nakapagsalita. Parang automatic na napapikit na lang ako nang unti-unti niya nilapit ang mukha niya sa akin. Parang dumadagundong 'yun puso ko. Hindi ko alam kung bakit imbis na umiwas ay mas pinili kong hintayin na maglapit ang mga labi namin.

"Ouch!" Napamulat na lang ako at napahawak sa noo ko nang bigla niya itong tinapik. Halos mautas na siya sa kakatawa. Grabe lang!

"Baby, 'ha?! Sinasabi ko na nga ba may pagnanasa ka sa'kin, eh! Papikit-pikit ka pa! Feel na feel mo 'ha?!"

Feeling ko sobrang pula na ng mukha ko sa kahihiyan. Ganito pala 'yun feeling niya 'pag binibiro ko siya. Natawa na lang din tuloy ako at sinuntok siya ng malakas sa braso. "Siraulo ka talaga! Naisahan mo 'ko do'n 'ha?! Marunong ka na gumanti. Magaling!"

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon