Chapter 2

504 14 0
                                    

"Kain na tayo. Nagugutom na 'ko. Nakakapagod na wala naman ako magustuhan." Reklamo ni Toffee.

"Teka lang. Mamaya na. May dalawa pa tayong pupuntahan. Baka ayun magustuhan mo na. 'Wag ka na kasi masyadong choosy."

Naiinis na din ako. Ang arte-arte kasi ng baklang 'to. Sembreak na namin pero magkasama pa din kami. Pinilit ko kasi siya na magdorm na lang din kasi simula next sem ay sa dorm ng student-athletes na ako titira dahil sa training. Gusto ko pati si Toffee magdorm pero ayaw niya talaga dahil maho-homesick daw siya. Feeling naman niya mag-aabroad siya. Nakakainis. Palibhasa Mama's boy. Wala na siyang nagawa no'n kinonsensya ko na siya. Kesyo kawawa naman ako wala ako kasamang kumain ng dinner dahil 'di ko pa naman masyado close ang co-players ko. Pero s'yempre kunwari lang 'yun dahil super close ko na sila. Sinabi ko din na 'pag gusto ko lumabas sa gabi, wala ako makakasama at baka ma-rape pa ako 'pag naglakad akong mag-isa sa kalye. Madami pa akong sinabi at sa huli ay napapayag ko na din siya. Hindi niya lang talaga ako matiis. Kaya loves ko 'yun, eh!

Kaso nga lang ang arte-arte niya talaga. Mas maselan pa pala siya sa akin. Panglima na 'yun napuntahan namin. Pero 'di pa din pumasa sa standard niya.

"Kasi naman nakita mo ba 'yun CR? Nakakadiri naman, Andrea. Baka magkasakit pa ako do'n. Ang dumi. Tapos para kaming preso do'n sa isang room. Seriously, walong tao sa isang maliit na room?! Kulang na lang gawin triple deck para lumuwag naman ang space kahit papaano. Wala ba 'yun isa lang ako sa room? Ayokong may kasamang ibang lalaki sa kwarto. Baka mamaya klepto pa maging dormmate ko." Umupo siya sa may bangko sa tapat ng sari-sari store na binilhan namin ng softdrinks.

"Sus! Kung makaayaw sa mga lalaki akala mo dalagang Pilipina. If I know, may crush ka sa isa do'n kaya ayaw mo kasama. Awkward!" Tumawa ako pero tinidnan niya lang ako ng masama. "Hala! Galit ka na ba talaga?! Sorry na, babes. Okay, oo na. Alam ko naman ayaw mo sa mga lalaki kasi ako lang sapat na, 'di ba?!" Tumawa uli ako dahil lakas maka-jejemon ng sinabi ko. Madalas kasi niya 'yun sabihin sa akin at palagi ko siyang tinutuksong jejemon 'pag sinasabi niya 'yun.

Tinabihan ko siya sa pagkakaupo at niyakap. 'Di pa rin siya kumibo. "Sige na hahanap tayo room for rent."

"Apartment na lang. Gusto ko magkasama tayo." Seryoso na siya. Inalis pa niya ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya.

"Wow ha?! Libre na nga dorm ko, eh."

Tumayo siya at hinila na din ako patayo. "May option naman kayo 'di ba? 'Di naman kayo pinipilit na tumira do'n. Sabi mo gusto mo palagi tayo magkasama? T'yaka every training mo sasamahan naman kita kaya may kasabay ka palagi pauwi." Hinila niya na ako sa kamay at nagsimulang maglakad. "May nakita akong apartment kanina mas malapit sa school. 'Wag mo na isipin ang renta. Ako na ang bahala. Mayaman naman tatay ko." Nakangiti na siya. Ang gwapo talaga ng mokong na'to lalo na pag ngumingiti.

Hayy! Ang lalaking 'to talaga! May magagawa pa ba ako? Parang wala na. Umoo na lang ako.

*****

Maganda 'yun apartment na narentahan namin. Maliit lang pero malinis naman. Dalawa 'yun room. May built-in cabinet na siya at may kama pa. Kutson na lang ang kulang. May sofa na din do'n at lamesa. Ilan gamit na lang ang kailangan namin.

Bumalik kami dito ngayon para magbigay ng bayad. Two months deposit and one month advance daw. Buti na lang madaming pera 'tong si Toffee. Palibhasa isang anak lang. 'Di naman talaga siya anak mayaman pero wala naman ibang pinagkakagastusan ang magulang niya kundi siya lang. Maganda naman kasi ang trabaho ng mga ito. Swerte ng baklang 'to.

Pero s'yempre mas maswerte ako! Daddy's girl ata ako. Maisingit lang. Hindi naman sa pagmamayabang pero mayaman naman talaga kami. Kung tutuusin hindi ko kailangan ng scholarship para makapag-aral lang ng college. Pero, passion ko talaga ang paglalaro ng volleyball. Isa sa mga dream ko din na makapaglaro sa IUSA. Kaya ipagpapatuloy ko talaga.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon