Chapter 55

211 9 2
                                    

WARNING: SPG


"Andie? Ayos ka na ba? May bisita ka. Kung 'di mo pa kaya sabihin ko na lang bumalik bukas."

Nagmulat ako ng mga mata nang madinig ko ang boses ni Ate Maan. Nakatulog pala ako. Medyo maayos na ang pakiramdam ko pero kumakalam na ang sikmura ko.

Inihatid ako kanina ni Lester dito sa bahay. Medyo um-okay naman na ako kahit papaano pagkahatid niya. Nawala na ang pandidilim ng mga mata ko pero hinang-hina pa din ako kanina pagkadating namin dito sa bahay. Pinilit nila akong pakainin dahil nalaman nilang kahapon pa ako huli kumain. Ngunit wala talaga akong gana kaya konti lang ang nakain ko.

"Sino po nand'yan, ate?" Tinidnan ko ang oras sa relo ko. Alas-onse na pala ng gabi. Bumangon ako at sinuklay ng mga kamay ko ang buhok ko.

"Si Justin." Sagot ni Ate Maan.

Nanlaki ang mga mata ko na parang 'di ako makapaniwala. "Talaga ate?! Teka, bababa ako." Feeling ko bigla akong lumakas nang malaman kong nandito siya. Binibisita niya ako.

Lumabas na siya ng kwarto ko. Ako, tumakbo na ako papuntang bathroom para maghilamos at magtoothbrush. Nagsuot na lang ako ng jacket para matakpan ang manipis na spaghetti strap na suot kong pantulog at pajama.

"Hon." Umiiyak akong lumapit kay Justin na tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa nang makita niya ako. Niyakap ko siya nang mahigpit. Matagal bago niya inangat ang mga kamay niya para yakapin din ako. 'Di ko alam kung anong nararamdaman niya ngayon. Basta ako, masaya ako. Kasi nandito siya ngayon. Kayakap ko. Pumikit ako. "I'm sorry, hon. I'm sorry."

Kumalas siya sa pagkakayakap ko. "Mamaya na tayo mag-usap. Kumain ka muna. May dala akong pagkain. Sabi ni Renzo, nahilo ka daw kanina sa school. Tinawagan din ako ni Lester, konti lang daw kinain mo kanina pagkauwi n'yo dito. Tapos, kahapon ka pa pala huling kumain. Bakit ka ba nagpapagutom? 'Wag mo na uulitin 'yun 'ha?" Galit na sabi niya sa 'kin.

Tumango ako. "Sorry. Nawalan kasi ako ng gana. T'yaka nakatulugan ko na kasi ang pagtawag sa'yo at paghihintay sa text mo." Ngumiti ako sa kanya at yumakap uli. "Buti, hon, nagpunta ka dito."

Kumalas uli siya sa yakap ko at kinuha ang paper bag na naglalaman ng mga pagkain at isang box ng pizza na nakapatong sa center table. "Halika na. Kumain ka muna."

Naglakad siya papuntang dining area namin. Sumunod na lang ako sa kanya. Pinatong niya ang mga pagkain sa lamesa at kumuha din siya ng plato para sa akin at pinaglagyan niya ako ng pagkain. "Ubusin mo 'yan 'ha?" Utos niya sa akin.

Tumango lang ako. Umupo siya kaya umupo na din ako sa tabi niya. Ang dami niyang nilagay na pagkain sa plato ko. Pero, dahil sinabi niyang ubusin ko, uubusin ko talaga. Buti na lang gutom din talaga ako kaya may gana akong kumain. Para akong bata na binabantayan pa niya kung talaga bang uubusin ko ang pagkain na nilagay niya sa plato ko.

Habang kumakain kanina ay nagpaalam sa akin si Ate Maan kung okay lang ako. Mukhang antok na antok na siya kaya pinauna ko na siya matulog.

Nang matapos ako kumain ay hinila na ako ni Justin pabalik sa living room. Nakaupo lang kami sa sofa. Tahimik siya. Nakatingin lang ako sa kanya. Kinabahan tuloy ako.

"Hon?" 'Di na ako nakatiis. Ako na ang unang nagsalita.

"Andrea, gusto ko sana magcool off muna tayo." Hindi siya tumitingin sa akin. Nakayuko lang siya.

Napapikit ako bigla kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. Dumagundong na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Kumikirot ang puso ko. Ano ba 'to?! Feeling ko bibitayin ako. Kaya pala ako pinakain ng madami, sinintensyahan na pala ako ng bitay. Ang sakit. Sobrang sakit. Hindi agad ako nakapagsalita. Huminga ako ng malalim. "B-Bakit?" Hindi ko na napigilan ang paggaralgal ng boses ko.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon