Chapter 45

291 7 0
                                    

Naglunch muna kami sa isang restaurant sa may D'Mall bago tuluyan mamasyal. Medyo busog pa ako dahil kakatapos lang namin magbreakfast kasama ng mga pinsan ko pero sabi niya, mahirap na daw baka bigla akong gutumin habang namamasyal kami. Baka mabugbog ko na naman daw siya 'pag uminit na naman bigla ang ulo ko. Siraulo talaga.

"Hon, tidnan mo." Kinuha ni Justin 'yun black t-shirt na may cool na design. "Bili tayo nito. Same design tayo."

Tumingin ako sa kanya at ngumiti ako na parang nang-aasar. "Aba! Kumo-couple shirt din naman, eh."

Nasa isang tindahan kami ng mga damit. Nagyaya kasi ako mamili ng mga pampasalubong para sa teammates ko, kanila Mommy, Daddy, Ate Maan, Kuya Adrian, Lana, at sa Mommy at Kuya ni Justin. Binilhan ko din ng maliit na t-shirt at hat 'yun magiging pamangkin ko. Binilhan ko din ng pasalubong si Lester. Mabait kasi siya sa akin. Nakabili na kaya si Toffee nang para sa kanya? Sana lang 'di kami parehas ng nabili.

"Ayaw mo?"

Nagpigil ako ng ngiti. "Gusto."

"Tidnan mo. Gusto din pala." Pinanggigilan niya 'yun pisngi ko. "Manang, size naman po nito para sa'min dalawa." Sabi niya do'n sa tindera. "Hon." Nilingon uli niya ako nang may nakita na naman siya. "Bili tayo no'n. 'Yan na lang ipangswimming mo kesa magbikini ka."

Tinidnan ko 'yun rashguard na itinuturo niya. Inirapan ko lang siya. "Ayoko."

*****

Umupo ako sa isang bench sa may D'Mall nang magcrave ako bigla sa ice cream. Sabi ni Justin hintayin ko na lang daw siya at siya na lang ang bibili.

Hinubad ko 'yun aviator ko at ipinasok sa loob ng bag ko. Kinuha ko 'yun phone ko dahil nagvibrate 'yun bigla. Nagtext pala si Daddy at kinakamusta kami ng mga pinsan ko. Nagreply na lang ako sa kanya na okay lang kami at 'wag na sila mag-alala dahil nag-e-enjoy kami dito. Hindi ko na binanggit na sumunod si Justin dito.

"Hi, Andrea!"

Napatingin ako sa lalaking nakangiti sa harap ko. Ngumiti na lang din ako dahil medyo familiar siya sa'kin.

"Tama ka nga. Pakalat-kalat ka nga lang dito."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Okay. Naalala ko na. Siya 'yun nakilala ko kahapon pero nakalimutan ko 'yun pangalan.

"Kuya Ivan." Tama. Ivan nga pala 'yun name niya.

Napansin ko 'yun batang babaeng nakakapit sa braso niya na kinukurot-kurot pa siya na parang hindi mapakali. Tingin ko'y highschool student siya. Ang ganda niya. Ang ganda ng kutis. Half-Korean siguro sila.

"Ahm, Andrea. Siya nga pala 'yun nabanggit ko sa'yo kahapon na kapatid ko na sobrang idol ka. Si Xia."

"Hi!" Nakangiti kong sabi. Natutuwa ako sa kanya. Para na siyang maiiyak.

"A-Ate Andrea, p'wede magpapicture?" Nahihiya pang sabi niya.

"Oo naman. Halika dito." Hinawakan ko 'yun kamay niya at pinaupo ko sa tabi ko. Yumakap ako sa kanya para mawala na ang pagkailang niya sa'kin. Nagsmile kaming dalawa sa picture. "Dito din sa phone ko, okay lang?" Inabot ko kay Ivan 'yun phone ko. Ipo-post ko sa IG ko 'yun picture namin. Sobrang nakakatuwa kasi talaga siya. Ngayon lang ako naka-experience na ganito kagrabe ang reaction nang makita ako. Ang cute niya talaga.

"Grabe! Thank you. Number 1 fan mo po ako, Ate. Sobrang idol po kita. Nagtryout nga ako sa volleyball sa school namin kasi gusto ko din maging katulad mo." Yumakap uli siya sa akin at tumayo na para tumabi sa kuya niya.

"Wow! Talaga? That's good. Pagbutihan mo. Ensayo lang 'yan." Ngumiti ako sa kanya. "I-post ko 'yun picture natin sa Instagram ko, 'ha? Anong IG mo? I-follow kita."

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon