Chapter 13

290 15 4
                                    

Pumasok ako nang sumunod na araw. Pero hindi ko na ginawa ang mga kagagahan ko tulad ng mga nakaraang araw. Masyado nang nakakahiya ang eksenang ginawa namin kagabi. Buti na lang gabi na 'yun at hindi naman gaanong karaming estudyante ang nakakita sa pagpapahiya sa'kin ni Justin. Hindi ko pa siya nakikita ngayon araw na'to pero wala naman akong balak na hanapin siya.

Ngayon ang championship game ng IUSA volleyball na gaganapin na naman sa gym ng school namin. Naiinggit ako kasi isa ako dapat sa mga maglalaro do'n. Kaso hindi mo talaga kontrolado ang mga bagay na mangyayari sa buhay mo. Minsan nasa'yo na, mawawala pa. Akala mo masaya ka na, pero masasaktan ka pa din pala.

Wala ulit kami klase ngayon dahil ni-require ulit kami manood bilang suporta sa team ng Crossbill. Ayoko manood. Kung wala lang akong klase mamayang hapon mas gusto ko pang umuwi na lang.

Nagpunta na lang ako sa canteen para makapaglunch. Konti lang ang tao ngayon dahil karamihan ng estudyante ay nasa gym na. Malapit na kasi magsimula ang game. Hanggang sa canteen ay dinig ang ingay ng mga tao na nagche-cheer do'n kasabay ng maingay na tunog na nagmumula sa drums ng magkabilang team. Nakakamiss na talaga maglaro. 'Yun may crowd na magche-cheer sa inyo para mas pagbutihan mo pa 'yun game. 'Di bale, konting tiis na lang makakabalik na din ako sa paglalaro.

Nagvibrate ang cellphone ko. Tumatawag si Kuya. Sinagot ko 'yun.

-"Nasa'n ka? Nandito ako sa gym ng school n'yo. Lika dito. Samahan mo 'ko."-

"Manonood ka ng game? Himala!"

-"Request ni Lana, eh."-

"Wow 'ha?! Kailan ka pa naging supportive boyfriend?! 'Pag game ko dati hindi ka nanonood ng live. Grabe 'ha?" Tinawanan lang ako ni Kuya sa kabilang linya. Never naman kasi siya talaga nagseryoso sa babae. Siguro nga this time seryoso na siya. Sabagay, lahat naman ng bagay sa mundo nagbabago. Pati ugali ng tao maaaring magbago in a snap.

-"Nasaan ka ba kasi?"-

"Canteen. Nakain ako, Kuya. Wala din ako balak manood.. p'wede ba?!" Umikot pa 'yun mata ko sa pagkasabi ko no'n.

-"Pakabitter nito!"- Tinawanan na naman niya ako.

"Whatever!"

-"Sige na. Bye!"-

Nakinig na lang ulit ako ng music habang kumakain. Nakatingin ako sa labas ng canteen kung saan tanaw din ang gym. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Justin na naglalakad palapit sa canteen. Mag-isa lang siya. Mukha na naman badtrip. Nakaupo pa naman ako malapit sa pinto ng canteen kaya imposibleng hindi niya ako makita. Kinuha ko ang isang libro ko at nagpanggap akong nagre-review. Ayoko siya pansinin. Wala pang alam si Justin kaya baka ipahiya na naman ako nito 'pag kinausap ko siya.

Dumaan siya sa harap ko pero hindi ako tumitingin. Nanlalamig na nga ako dahil sa sobrang kaba ko pero 'di ko pinapahalata na alam kong nand'yan siya. Nang makalagpas siya ay sinundan ko siya ng tingin. Bumili lang siya ng mineral water. Mabilis kong tinuon ulit sa libro ko ang mga mata ko nang humarap na uli siya sa direksyon ko at naglakad na uli para lumabas ng canteen. Nakita ko sa peripheral vision ko na natigilan siya bigla nang napatingin siya sa akin. Hindi ako nagpahalatang aware ako na nakatingin siya sa akin. Maya-maya'y umiwas na siya ng tingin at dumiretso na maglakad palabas ng canteen. Sinundan ko siya ng tingin. Pabalik siya ng gym pero hindi siya pumasok. Nilagpasan lang niya ang entrance at dumiretso sa dorm nila. Hindi siya manonood ng game? Baka may kukunin lang siguro.

Tumambay ulit ako sa library after ko kumain. Nagreview na lang ako para sa exam namin next week. Maya't maya din ang text sa akin ni Kuya at nag-a-update sa game ng Crossbill against Raven University. Sabi niya ay nasa fifth set na daw ang laban. Dikit daw ang score.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon