Chapter 7

281 13 0
                                    

Second anniversary namin ngayon ni Justin. Kahapon ko pa siya kinukulit no'n pauwi na kami after namin magsimba sa Pink Sisters. Tinanong ko siya kung saan kami magce-celebrate pero ayaw talaga sabihin. Sinabi lang niya kung saan kami magkikita at 'wag na daw ako magtatanong kung saan kami pupunta. Siya na daw ang bahala do'n. May training ako mamaya ngunit nagpaalam ako kay coach kung pwedeng lumiban muna ng isang training tutal minsan lang naman. Gusto ko iparamdam kay Justin na he's now one of my top priorities. Mabuti na lamang at pinayagan ako.

Tinawagan niya ako kanina. 5:00 pm ang usapan namin na magkikita pero 6:30 pm na wala pa siya. Nandito ako sa may bench malapit sa main gate ng school. Dito ang usapan namin na magkikita kami. Kanina ko pa siya tine-text pero 'di nagrereply. Tinatawagan ko pero nagri-ring lang ang cellphone niya. Naiinis ako. Ayoko talaga nang pinaghihintay ako. But at the same time, nag-aalala ako sa kanya. Hindi siya nale-late nang ganitong katagal. Madalas ay magte-text 'yun 'pag alam niyang male-late siya kahit saglit lang.

Napagpasyahan kong bumalik na lang sa dorm. Masama talaga ang loob ko pero pipilitin kong intindihin siya kung ano man explanation niya bakit 'di niya ako sinipot. Habang naglalakad papuntang dorm ay nakasalubong ko ang isa niyang teammate. Nagkatinginan pa kami pero iniwas niya bigla ang mga mata niya sa akin at bumaling sa isa pa niyang kasama. May binulong siya dito at nakita ko din na tumingin 'yun sa akin.

Napakunot-noo na lang ako sa nakita ko. Hahayaan ko na lang sana pero hindi ko napigilan talaga na kausapin siya. "E-excuse me. Nakita mo ba si Justin?"

Tumigil naman sila ng kasama niya nang humarang ako sa dadaanan nila. Nagkatinginan pa silang dalawa bago ako sagutin. "Ha?! Ah, kanina after training nakita kong pinuntahan siya ni Hazel sa labas ng gym, eh. Magkasama siguro sila."

Natigilan naman ako sa narinig ko. 'Di ko alam kung ano'ng iisipin ko pero ang sakit-sakit ng nararamdaman ko. Hindi niya ako sinipot kasi kasama niya si Hazel? Kaya ba hindi siya nagrereply sa akin? Nakalimutan ba niyang anniversary namin ngayon? Ang sama-sama ng loob ko. Pinigilan kong hindi maiyak kahit nagbabadya nang pumatak ang mga luha ko.

"Ah, s-sige Andrea, una na kami 'ha?" Parang naiilang pang paalam ng ka-teammate ni Justin at ng kasama nito.

"O-Okay salamat." Tumulo bigla ang luha ko nang nakaalis na sila. Pinahidan ko naman agad 'yun gamit ang kamay ko.

'I hate you Justin!' Galit na sabi ko sa sarili ko.

*****

"Andie!" Galit na Rose ang bumungad sa akin pagkapasok ko ng dorm. Ang iba kong teammates ay nakatingin din sa akin lahat. Naguguluhan ako. Ano'ng ginawa ko? "Akala ko iba ka! Nasa loob pala kulo mo. Galing mo magtago!"

"Ano bang sinasabi mo?" Dumiretso ako sa kama ko at nilagay ang bag ko at ang paper bag na pinaglalagyan ng gift ko kay Justin bago ko siya hinarap uli.

"Grabe, Andie! Kalat na 'yun video n'yo sa FB at Twitter. Paano mo 'yun nagawa? Akala ko ba si Justin?" Disappointed na sabi naman sa'kin ni Divina. Naguguluhan talaga ako. 'Di ko alam kung anong sinasabi nila.

"Video? Anong video?!"

"May kumakalat na video na naghahalikan kayo ni Tere." Pinakita pa sa akin ni Divina ang cellphone niya kung saan nagpi-play ang video na nakapost sa twitter.

"W-What?!" Kinuha ko 'yun sa kanya at pinanood ang video. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa napapanood ko. Sino ang nagpost nito?! At bakit ganito ang kinalabasan? 'Yun kiss lang ang nasa video. Ginawa pang slowmo kaya mukhang medyo matagal. Wala din 'yun pag-uusap namin at kung paano ko itinulak si Tere at sinampal dahil sa ginawa niya sa 'kin.

"Kaya naman pala hindi umiiwas. May tinatago naman palang kalandian." Panay ang pang-iinsulto sa akin ni Rose habang pinapanood ko 'yun video.

Binalik ko 'yun cellphone kay Divina. "Kung ano man iniisip n'yo, it's not what you think." Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag. Lahat sila ay matalim na ang tingin sa akin na kahit ano ata ang sabihin ko ay imposible nilang paniwalaan. Pero gusto ko pa din ipagtanggol ang sarili ko. "Nangyari 'yan last Friday night. No'n nag-akyatan na kayo lahat para matulog. Paakyat na din sana 'ko no'n pero pinigilan niya ako. She said sorry to me dahil do'n sa dare and then.. and then she confessed her feelings for me." Nahihirapan na ako mag-explain. Feeling ko nasa loob ako ng korte at kasalukuyan nililitis."I was shocked no'n bigla niya ako hinalikan. Tinulak ko siya no'n at sinampal ko siya. But obviously, cropped 'yun vid so hindi n'yo talaga alam kung ano totoong nangyari."

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon