Chapter 59

207 7 1
                                    

"Umuwi ka muna kaya, Andie?"

"Hindi pa po siya gumigising." Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Justin. Nakaupo ako sa tabi ng hospital bed niya. Akala ko ubos na ang mga luha ko pero patuloy pa din sa pagpatak ang mga ito.

"Kailangan mo din magpahinga. Wala ka pang tulog. Kailangan mo na din muna magpalit ng damit."

May mga blood stains ako sa blouse ko dahil sa sugat ni Justin. Buti na nga lang at dinala nina Jhoe ang cardigans ko kanina nang sumunod sila dito sa hospital kaya ipinatong ko na lang 'yun sa suot ko. Umuwi din sila agad nang mailipat na si Justin sa private room. Ilang oras din siyang nasa operating room no'n. Hindi ako iniwan nina Danica kahit nang dumating na kanina ang Mommy at Kuya ni Justin.

May nagpunta din pulis kanina para humingi ng statement para makapagfile din ng kaso laban sa mga nambugbog at sumaksak kay Justin. Nahuli na daw pala ang mga lalaking 'yun. Kuya na ni Justin ang kumausap sa mga pulis.

'Di ko tinawagan ang mga pinsan ko kahit sina Daddy. Hanggang ngayon wala silang alam sa nangyari.

"Natatakot po kasi ako, Tita. Bakit hindi pa po siya gumigising?"

I feel so guilty sa nangyari sa kanya. Nakatingin lang ako sa mukha niya. Medyo namamaga pa din ang pisngi at panga niya.

"Tita na naman?" Naramdaman ko ang paghaplos ng Mommy ni Justin sa balikat ko. "Bakit hindi na Mommy?" Nasa himig pa niya ang pagtatampo.

"Wala na po kami." Mahinang sabi ko. Kumirot ang puso ko sa pagkakasabi ko no'n. Alam ko naman alam na niya 'yun tungkol do'n pero ang sakit pa din pa lang sabihin na wala na kami.

"Kahit na. 'Di ba sabi ko sa'yo ikaw ang anak na babae ko? Gusto ko Mommy pa din ang itatawag mo sa akin, 'ha?"

Tumingala ako sa kanya para tumango at ngitian siya. "Okay po, Mommy." Hinaplos niya ang buhok ko nang niyakap ko siya. "Sorry po. Sorry talaga. Kasalanan ko." Nagsimula na naman akong umiyak lalo na nang marinig ko din ang paghikbi ng Mommy ni Justin.

"Hindi mo naman 'yun kasalanan, Andie. 'Wag mo sisihin ang sarili mo."

"Kung hinayaan na lang po sana niya ako kagabi, hindi naman 'yun mangyayari. Masyado po akong kinain ng galit ko sa kanya kaya sinadya kong gawin 'yun mga bagay na ayaw niya para tigilan na niya ako. Naiinis po ako sa sarili ko dahil hinayaan ko pang umabot sa ganito."

Kumalas ng yakap sa akin ang Mommy niya at humila ng isang upuan at umupo siya paharap sa akin. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Andie, mahal na mahal ka ni Justin. Naiintindihan kita kung bakit nagalit ka sa kanya. Masakit naman talagang hiwalayan ka ng taong mahal mo." Ngumiti siya nang mapakla at pinunasan agad ang luha na tumulo sa mata niya. "Pasensya ka na sa anak ko. He's too weak on his emotions. Kasalanan din namin ng Dad niya kung bakit siya ganyan. Akala niya siguro, letting you go was the best thing to do. Hindi ka niya nagawang ipaglaban kasi nakita niya siguro kung paano ko ipaglaban ang Dad niya but it turned out to be worst. Mas lalo kaming nagkasira ng Dad niya." Nakatungo lang ako habang umiiyak. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya. "Justin told me everything, Andie. I was so mad at him nang malaman kong wala na ulit kayo. Lalo na no'n nahospital ka. Kung p'wede lang kitang bisitahin no'n kaso nasa Singapore naman ako. Nang umuwi ako binawalan ako ni Justin na puntahan ka. Gusto daw niya na siya ang gagawa ng way para magkabalikan kayong dalawa. Mahal na mahal ka talaga niya."

Mas lalo akong umiyak sa mga sinabi niya. Bakit ba kasi masyado akong nagmatigas? Nasaktan ako nang dahil sa kanya kaya ginusto ko din na masaktan siya sa klase ng treatment na ginagawa ko sa kanya.

"Mahal na mahal ko din po siya. Sobra-sobra. Pero natatakot na po ako. Iiwan at iiwan lang din niya ako kapag nagkaro'n na naman ng problema."

"Wala na ba talagang chance para magkabalikan kayo? Kung p'wede lang na ako na ang makiusap sa'yo para balikan mo siya pero ayoko naman i-pressure ka."

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon