Chapter 32

254 9 0
                                    

"Hi!" Nakangiting bati sa akin ni ate girl performer nang umakyat ako ng stage.

Ngumiti lang din ako sa kanya at sa dalawa pa niyang kasama. Pinaupo niya ako sa high chair na inuupuan kanina ni Justin.

"Ano'ng kakantahin mo?" Medyo lumapit pa siya sa akin para madinig ko ang sasabihin niya. Ang iingay kasi ng mga tao. May mga nagchi-cheer para sa akin at may mga nadidinig din ako na nangangantyaw kay Justin. Nasa unahan lang kasi sila. Medyo awkward tuloy.

"Ahm.. photograph?" 'Yun lang ang naisip ko. Nabablanko ako, eh.

"Ed Sheeran?" Tanong ng kasama niyang may hawak na gitara.

Lumingon ako sa likod ko para tidnan siya. "Opo." Nakangiting sabi ko sa kanya. Nagthumbs up naman siya sa akin.

Inabot sa akin ni ate girl 'yun extra mic na ginamit kanina ni Justin. Inilapit niya sa kanya ang mic stand na gamit niya at nagsalita na uli siya. "Okay. Palakpakan naman po natin si Andie. S'yempre may MVP pambato din ang girls."

Lalo tuloy umingay dahil sa palakpakan at hiyawan ng mga nanonood. Ang iingay lalo ng teammates ko. Parang sa table nga lang nina Hazel ang tahimik.

"Para kanino naman ang song na kakantahin mo, Andie?" May himig panunuksong tanong ni ate girl sa'kin. "Para kay ano ba 'yan? Ahem!" Sabay tingin niya sa pwesto nina Justin.

"Para kay Mr. MVP!" Sigaw ng ka-teammate ni Justin na nakaupo sa tabi niya. Itinaas pa nito ang isang kamay ni Justin na akala mo'y ikinakampanya. Natawa pa ako nang batukan ito ni Justin gamit ang cap na hinubad niya. Tinawanan lang din siya nito at hindi pa din siya tinigilan asarin ng mga kasama niya.

"Wala po. Nothing special." Sabi ko na lang gamit ang mic na binigay niya sa akin. Napatingin ako sa teammates ko na mga nakatayo na at panay pa din ang cheer. Napansin ko din si Jhoe na nakaupo na sa unahan at may hawak na cellphone. Nagvi-video ito malamang. Nakatawang kinawayan pa ako nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Napailing na lang ako. "Ano na lang po. Para sa makukulit kong teammates. Ayun sila." Turo ko pa sa kanila. Nagkawayan naman sila. "I love you, guys!" Nakangiting nagform pa ako ng heart-shaped gamit ang mga kamay ko.

"Awww! May isang nalungkot oh." Puna naman ni ate girl na tinuro pa si Justin. "Okay lang 'yan Mr. MVP. 'Pag kayo na ulit para sa'yo na 'yun kanta." Panunukso pa niya. Napatingin tuloy ako kay Justin na napatungo na lang dahil sa hiya. Lalo kasi siya kinantyawan dahil sa sinabi ni ate girl.

"Oh my God, Ate!" Mahinang sabi ko kay ate girl. Medyo binaba ko ang mic na hawak ko para 'di madinig ng mga tao. Nahihiya na din kasi ako. Ayoko talaga 'yun tinutukso kami. "Tama na po." Feeling ko namumula na din ako, eh.

"Ayy! Sorry." Nakangiting sabi niya sa akin at hinaplos pa niya ako sa likod ko. "Game na?"

Ngumiti na lang din ako at tumango. Nagsimula nang patugtugin ang intro ng kakantahin ko. Itinaas ko na din ang mic ko at nagsimula na din kumanta.

"Loving can hurt, loving can hurt sometimes
But it's the only thing that I know
When it gets hard, you know it can get hard sometimes
It is the only thing that makes us feel alive

We keep this love in a photograph
We made these memories for ourselves
Where our eyes are never closing
Hearts are never broken
And time's forever frozen still

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon